“Michelle, we’re here.” Nagising ako nang may naramdamang tumatapik sa aking pisngi. Pinilit kong idinilat ang inaantok kong mata at nakita ko si Zach na titig na titig sa akin. “Hmmm,” “Michelle, dilat na.” Pinitik niya ang aking ilong at agad na dinampian ito ng halik. “Where are we?” tanong ko sa kaniya. “Cebu. Sa rest house ko.” Agad akong lumingon sa kaniya at napaayos ng pagkakaupo. Sinilip ko ang labas ng bintana ng kotse. Tanaw na tanaw ko ang asul na dagat sa may di kalayuan. Naeexcite akong maligo roon. Ngayon lang ulit kasi ako nakapunta sa ganitong lugar. Namamangha kong tiningnan ito. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan at hindi pinansin ang tawag ni Zach sa akin. This is paradise! Sobrang ganda! Ang ganda rin ng sunset. Napaupo ako sa buhangin at agad na pinagm

