Carl Sobrang nagulat ako nang makita ang aking kapatid kasama ang isang batang babae. Sumulpot lamang ito sa aming gilid kaya hindi kami agad naka-react, mabuti na lang at hindi niya ako makilala dahil sobrang awkward noon kapag ka gano'n. Nang makita ko ang aking kapatid ay halo-halo ang aking emosyon. Masaya dahi sa wakas nakita ko ulit siya, malungkot dahil hindi man lang kami magkakilala at nag-aalala dahil baka bumalik ang feelings ni Mich sa kaniya. Kita ko ang pagbabago ng emosyon niya nang makita si Zach. Alam ko at nararamdaman ko na she was confused by her feelings. Nakasiguro ako na may nararamdaman pa siya sa kaniyang dating asawa dahil nakikita ko ito sa mga mata niya. Kinakabahan ako na magkabalikan ulit sila. Ayaw ko mang maging kontrabida sa kanila ngunit gagawin ko

