Zach Nang umalis sa kompaniya si Lance ay agad kong tinawagan ang aking investigator para makakalap ng balita. Ilang ring lamang nito ay agad na siyang sumagot. "Hell, Sir?"tanong niya. "I want you here in the office. ASAP." Agad kong pinatay ang tawag at napabuntong hininga. Ayaw kong mag-panic dahil hindi iyon nakakatulong sa akin. Mayamaya lamang ay dumating na ito at binati ako. Pinaupo ko siya sa harap ko. "Kumusta? Ang tagal mo nang hindi nakakabalita sa akin. Mukhang walang update? Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya. Nagdududa na ako sa imbestigador ko dahil wala man lang itong. Ni hindi man lang nito alam na aalis si Lucas. Naunahan pa siya ni Lance magsabi sa akin. I'm sure he knew pinapasundan ko si Lucas sa kaniya ang lahat ng mga galaw nito ngunit ni isa ay wal

