“Daddy!” Napalingon ako sa aking likod nang may tumawag sa akin, napangisi ako nang makita ang aking anak na si Zaccheus na nanakbo papunta sa akin. Masaya ang kaniyang mukha habang papalapit sa akin. Agad naman akong yumakap sa kaniya at kinarga siya. “I miss you Kuya Zeke,” wika ko sa kaniya. Zeke kasi ang tawag sa kaniya ni Sophia. “I miss you too, Daddy. Where’s Sophia?” tanong niya sa akin. “Inside that room, punta tayo?” tanong ko sa kaniya at agad siyang napatango. Okay na ang kalagayan ni Sophia kaya natutuwa ako ngunit hindi pa rin ako makampante dahil hindi pa namin alam kung aatakihin pa rin ba siya o hindi. Sabi ng doctor ay mahina pa rin ang puso niya kaya natatakot pa rin ako. Pumasok naman kami ni Zaccheus kasama si Michelle. “Ang dali naman ninyo,” saad ko sa a

