Isang malalim na hinga ang aking pinakawalan bago ako kumalma at huminto sa pag-iyak. Gusto kong maging manhid sa aking pagilid. Ayoko nang maging kawawa pa sa mga mata nila. Gaganti ako sa lahat ng mga taong nanakit sa akin. “Iuwi muna ako, Lucas,” saad ko sa kaniya. “Okay ka na ba? Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa akin.” Umiling lamang ako. “Sumakit kasi ang ulo ko dahil sa mga nalaman ko,” saad ko sa kaniya. “Gano’n ba. Sige, ihahatid na kita. Kaya mo bang tumayo?” tanong niya sa akin. Tumayo naman ngunit kaagad akong nabuwal sa aking kinatatayuan. Mabuti na nga lang ay nahawakan ako ni Lucas. “Careful,” saad niya. “Salamat.” Umalis na ako sa pagkakahawak niya at naglakad papuntang kotse niya. Siya naman ay nasa likod ko lang nakasunod sa akin. Nang makapasok siya

