Nagising ako sa buhos ng malamig na tubig sa aking katawan.
"Hoy Babae umalis ka nga riyan sa harap ng pintuan!" sigaw niya.
Sumakit ang aking tiyan pero pinilit kong tumayo para hindi niya ulit ako masaktan.
"S-sorry," pikit kong sabi.
Ayokong tingnan siya baka umiyak na naman ako kapag nakita ko ang mukha niya.
"Tss," sambit nya at agad na umalis
*KINABUKASAN*
Maaga akong nagising at pinaghanda ko na ng pagkain si Zach. Kumatok ako sa kwarto niya pero walang taong nasagot. Pinihit ko ang seradura pero ito ay nakalock. Baka umalis na siya ng maaga. Napabuga ako sa hangin at bumaba na para mag almusal. Kailan ko kaya makakasamang mag almusal ang aking asawa.
Ginugol ko ang aking oras sa pagdidilig ng mga halaman. Mahilig kasi ako magtanim.
I really love flowers, nakakarelax kasi silang tingnan. Kapag may problema o sinasaktan ako ni Zach tanging ang garden namin ang aking takbuhan, dito ko binubuhos ang aking pighati't luha.
Pangarap ko ring magkaroon ng flower shop. Tapos din naman ako ng kursong B.S.B.A. (Bachelor of Science and Business Ad) kaya mai-ha-handle ko naman ito ng mabuti sa future, ngayon ay focus na muna ako sa pagiging may bahay sa aking asawa.
Alas 10 na ng umaga nang mapagpasyahan kong magluto ng hapunan. Maybe I will visit Zach on his company para ihatid itong lunch niya. Alam ko naman na 'yong address ng company, infact the company is ours. Naging C.E.O. lang si Zach noong kinasal kami. Nagmerge rin ang company ng Montervedi-Lopez.
Inihanda ko na ang lunch ni Zach at nag ayos na rin ako ng aking sarili. Suot ko ang aking lumang bestida.
Simula kasi noong naging asawa ko si Zach ay wala na akong oras para mag ayos ng sarili at magshopping.
30 minutes later, nakarating na rin ako sa company namin. Wearing a big smile I greeted the guards, they knew me already naman kasi noong dalaga pa ako , napapadalas ang pagbisita ko rito kay dad.
Sumakay ako ng elevator at agad na pumunta sa office ni Zach. Sana lang hindi siya badtrip ngayon baka mapagbuhatan na naman niya ako ng kamay.
Binuksan ko yung pinto ng office niya at masayang binati siya.
"Goodmorning Hubby!" masiglang bati ko sa kanya.
Nawala ang aking sigla ng makita kong may nakakandong na babae sa kaniya. Paglingon nila ay bigla silang nagulat. It was Samantha, the lover of Zach. Unti-unting tumulo ang aking mga luha. Hindi ko na kaya, parang sasabog na ang aking puso. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Naninigas ang aking mga paa.
"What are you doing here slut?" tanong ng aking asawa.
Wala akong masabi, tanging pagluha lang ang aking nagawa.
"Honey I am hungry na, tara let's eat outside?" turan ni Samantha sa kaniya.
Ni wala siyang pakialam na na andito ang legal na asawa ng nilalandi niya. Nilakasan ko ang loob ko, pinunasan ko ang aking luha , nilunok ko ang lahat ng sakit at sabay sabing—
"Z-Zach, Hubby may inihanda akong lunch saiyo. Adobo paborito mo yun diba?" naluluha kong tanong.
Kahit ngayon lang Zach pagbigyan mo ako. Kahit ngayon lang ako naman piliin mo.
Nakita kong umirap si Samantha. Agad kong inabot yung lunch box kay Zach, tinitigan nya ito at kinuha. Nakahinga ako ng maluwag, sa wakas! Pinili nya ako. May pag asa pa kami. Nabuhayan ang aking loob.
Unti-unting nawala ang aking pag-asa nang itinapon ni Zach iyong niluto ko sa basurahan.
"This is a waste! I'd rather eat outside with Samantha than eating those s**t" turo niya sa niluto ko na nasa basurahan.
"Napakatanga mo naman talaga Michelle, umasa ka na naman," bulong ko sa aking sarili.
Yumuko ako at ang tanging nagawa ko lamang ay umiyak.
"Umalis ka na kung ayaw mong masaktan," cold na sabi ni Zach
"P-pero sayang 'yong niluto ko sayo," katwiran ko sa kanya.
"Grabe Michelle, napakamartir mo naman, tanga-tangahan lang ano? Hindi ka ba nakakaintindi ng English? wait, tatagalogin ko nalang bobo mo kasi e, sabi ni Zach, Basura daw yang niluto mo at mas gusto niyang kumain sa labas kasama ako !" irap niyang sabi sa akin.
"Naiintindihan mo!??" dagdag nya sabay tulak sa akin.
"How dare you! Wala kang karapatang itulak at saktan ako! Kabet ka lang ako ang legal na asawa!" tulak ko din sa kaniya.
Bigla siyang natumba at napaupo sa sahig. Mahina lang naman iyong pagtulak ko sa kanya, grabe naman at napaupo pa sya sa sahig.
"Z-Zach! Help me," maarte niyang sabi
Agad na hinila ako ni Zach palabas ng opisina niya, ang sakit ng pagkakapit niya sa braso ko.
"A-Aray Zach masakit" saad ko.
"Mas masasaktan ka kapag hindi ka pa umalis dito," sabay tulak sa akin.
"P-pero—" hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ay naramdaman ko na ang malakas na sampal ng aking asawa.
"Umalis ka na!" sigaw niya at tumalikod.
Wala akong nagawa, ni hindi ko man lang naipaglaban ang aking pagiging legal na asawa. Napakahina ko talaga kahit kailan. Umalis ako sa komapanya na mabigat ang kalooban.
Hindi na muna ako umuwi sa aming bahay. Pumunta muna ako sa puntod ng aking anak, matagal-tagal na rin akong hindi nakakabisita sa baby ko. Hindi kasi ako nakakalabas ng bahay palagi. Nilagay ko ang binili kong bulaklak sa puntod nya.
"Hello baby, I miss you so much. Wag ka sanang magagalit dahil ngayong lang nakabisita ang mommy. Kumusta ka naman diyan sa heaven my baby? Palagi mong gabayan ang mommy at daddy ha. Wag ka sanang magalit sa daddy mo. Kasalanan ko naman e kung bakit kami nagkakaganito," iyak ko sa puntod nya.
Nanatili ako ng ilang minuto doon at natulog muna.
Nagising ako sa patak ng ulan. Nakita kong papagabi na. Wala pa naman akong dalang payong. Naku naman talaga. Bago pa bumuhos ang ulan ay agad akong umalis at nag paalam sa aking baby. Uuwi na ako at baka naandon na si Zach, yari na naman ako nito kapag hindi nya ako naabutan na naandon sa loob ng bahay.