Zach Ilang minuto rin ang byahe nang makarating ako sa gate ng aking mansion para kunin si Sophia ang aking anak. Kanina lang ay tumawag si Lucas kay Michelle kaya agad kaming kumilos para mailayo sila sa kaniya. Napakuyom ako nang maalala iyong sinabi niya sa aking asawa. Sobra ang aking pag-aalala at kaba nang marinig sa aking asawa na si Lucas ang nagtawag sa kaniya. Ilang months na rin akong walang balita sa kaniya dahil tanginang imbestigador ko, walang silbi! Kung sana ay magaling lang siya mag-imbestiga ay na laman na namin ng maaga ang pagbabalik ni Lucas sa Pilipinas. Matagal na sana kaming nakapaghanda. Well , handa naman akong kalabanin siya ngunit iniisip ko ang aking asawa. Kita ko ang kaba at takot sa kan'yang mukha. Gusto ko siyang samahan sana sa bagong bahay namin ng

