Lance Totoo ngang magkasabwat kami ni Zach sa pag-aalis kay Michelle. ABA! Kaya nga Team ZaMich ako, hindi LuMich at CaMich. Plano ko rin naman ito, hindi kasi oobra kapag wala akong kasabwat at kasama. Malaki ang chance na mapabagsak ko ang aking kapatid kapag may mga taong kakampi ako. Grabe na rin kasi ang ginagawa ni Kuya at sumusobra na siya. Grabe na ang kademunyohan niya. He was a two-face man na kayang paikutin ang tao sa mga palad niya. Siya ang isa sa hindi ko talaga pinagkakatiwalaan simula noong bata pa kami. Yes, I love him because he was my friend and brother BUT he was also my enemy. Noong bata pa kami ay inggit na inggit ito sa akin dahil ako ang palaging paborito ng Daddy. Hindi niya alam na may kwento roon. Kaya si Daddy palaging nakatutok sa akin dahil sobra ak

