Zach Pabalik-pabalik ako sa bahay at hindi mapakali. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nasa kwarto na ang aking anak at natutulog ng mahimbing. Bukas na bukas ay dadalhin namin siya sa hospital para suriin ang kalagayan niya. I know he’s in trauma kaya kailangan niya ng counseling. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita si Samantha. Gusto kong makita siya dahil siya lang naman ang paraan para mahanap ko si Michelle. Alam kong alam niya kung saan naroon ang aking asawa. “Puwede ba, bro, nahihilo na ako kakapabalik-balik mo. Umupo ka nga,” saad ng aking kapatid na si Carl. “Hindi ko maiwasan, kuya. Nakay Lucas ang asawa ko baka kung ano na ang gawin niya roon! Damn!” saad ko at napahilamos ng mukha. Unti-unting tumulo ang aking luha dahil sa isiping sinasaktan ni Lucas ang aking a

