Michelle Agad kong tinawagan si Zach upang makausap. Ilang ring lamang ay sinagot na niya ang tawag ko. “Hello, love? Bakit ka napatawag? May problema ba?” bungad na tanong niya sa akin. “Kinakabahan ako, narito si Lance kapatid ni Lucas. Iyong tumulong sa akin papuntang America dati. Sabi niya umuwi raw si Lucas dito sa Pilipinas para hanapin ako. Natatakot ako sa kapakanan namin ng anak natin,” saad ko sa kaniya. “Nasaan ka?” tanong niya sa akin. “Nasa mansion, bakit?” nagtatakang tanong ko rin sa kaniya. “Pupunta ako riyan,” wika niya. “H-ha? Hindi na kailangan–” Pinutol niya ang aking sasabihin at agad na nagsalita. “No, pupunta ako riyan,” saad niya at agad na pinatay ang tawag. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Hindi ko na siya napigilan kahit ako ay gusto ko s

