Ilang oras kaming naghintay sa doctor kasakulukuyang nasa I.C.U. ang aking anak. Patuloy na umiiyak sa tabi ko si Samantha habang nagdarasal. Pinapaklama ko naman siya. Alam kong malaki ang pagkukulang ni Samantha sa anak niya ngunit kita ko sa kaniyang mukha ngayon kung paano siya nasasaktan bilang ina. Para bang ang Samanthang nakilala ko noon ay bumalik na. Iyong babaeng minahal ko noon dahil sa kaniyang taglay na kabaitan. "Huwag kang mag-alala magiging okay rin si Sophia. Hindi siya papabayaan ng Diyos, magtiwala lang tayo sa kaniya," saad ko sa kaniya at hinimas-himas ang kaniyang likod dahil halos hindi na ito makahinga dahil sa sobrang iyak. Mayamaya ay dumating sina Carl at Lance. Bakas ang kanilang pag-aalala sa kanilang mukha. "Kumusta si Sophia?" tanong ni Kuya Carl sa ak

