Nanlilisik ang aking mga mata sa lalaking nakahandusay sa sahig. Hindi maari, hindi dapat siya naririto! Tumayo naman agad ito at pinunasan ang kaniyang dumudugong labi. “Why? Masama bang narito ako? In the first place, kaibigan ko rin si Michelle.” Seryosong saad niya sa akin. “Tangina! Hindi ba ay nasa America ka? Why are you here? Sabi ko naman sa’yo na lumayo-layo ka muna! Hindi pa tapos ang trabaho ko rito!” Sigaw ko sa kaniya. “Why? I just want to see my long-lost friend. Itinago mo siya sa akin ng ilang taon, kaya pala nandito ka sa Pilipinas dahil sa kaniya. Hindi ka pa rin pala nagbabago, kuya. Obsessed ka pa rin sa babaeng ‘yan.” Ngising saad niya sa akin. “I am not! Umalis ka na rito, mamaya nalang kita kakausapin. Here’s the key to my condo. Doon ka muna manatili habang

