“HAYOP ka, Lorrene! Pagbabayaran mo ang lahat ng ginagawa mo sa akin! Gagawin ko ang lahat para mawala ka sa landas namin ni Froilan. Hindi mo puwedeng sirain ang nga plano ko. Sisirain muna kita bago mo ako maisahan! Humanda ka sa akin!” “Bianca, bakit mo kinakausap ang sarili mo? Nababaliw ka na ba?” tanong ni Froilan nang makita ito. “Froilan, bakit kalmado ka pa rin sa mga ginagawa ni Lorrene sa atin? Nakuha mo pang maglasing ni wala ka man lang ginawa kanina. Hinayaan mo akong mapahiya!” naiinis na turan nito. “Ano ba ako sa buhay mo? Bakit hindi mo man lang ako maipagtanggol kay Lorrene?” “Wala na akong magagawa, Bianca. Mas mataas na si Lorrene sa akin. Kung nilagay niya man ako sa posisyon na ʼyon, it’s my pleasure. Wala naman sigurong masama kung sang-ayon ako sa gusto niya kay

