TINUNGO ni Lorrene ang restroom para mag-retouch. Hawak ang pressed powder ay nakita niya mula sa salamin ang pagpasok ni Bianca kung saan siya naroroon. Nagkunwari na lang siya na walang nakita at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa. Matapos ay pinihit niya ang faucet para maghugas ng kamay. “Bakit ka bumalik? Ano’ng plano mo? Bakit ka nag-invest sa kompanya naming? Saan ka kumuha ng pera?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya ngunit patuloy lang siya sa paghuhugas ng kamay. “Kinakausap kita, Lorrene! Huwag kang bastos! Lumabas din ang tunay mong ugali,” saad nito. “Kahit balutan pa ng ginto ʼyang katawan mo, umaalingasaw pa rin talaga ang asal mong pang-squatter! Palibhasa, hampaslupa ka lang! At kung nakapagtapos ka man ng pag-aaral dahil iyon kay Froilan!” Tinawanan lang ni Lorrene

