Ilang beses na ako kumawala ng isang malalim na buntong-hininga. Paniguradong napapansin ni Keiran iyon. Palagi niyang sinasabi na 'don't worry, I'm here.', 'I won't leave you.', 'Please, baby... Chill down.' Ginagawa ko naman, eh. Ang problema, hindi lang talaga maalis sa akin ang mag-alala. Papaano kung sasabog sa galit si Chairman sa oras na haharap ako sa kaniya na magkasama kami ni Keiran. At isa pa, tuwing naiisip ko 'yon, parang pinagpapawisan na ako ng malamig. Maski ang mga kamay ko, pinagpapawisan dahil sa tensyon na nararamdaman. Tumigil ang sasakyan ni Keiran sa mismong garahe ng malaking bahay. Dito ka daw nakatira si Chairman. Mas lalo lumakas ang t***k ng puso ko. Parang gusto ko nang tumakbo pauwi kahit hindi ko pa nakakaharap ang Chairman. Iba kasi ang epekto niya sa aki

