Hindi ko maitindihan kung ilang beses na ako muntik mahimatay. Hindi ko kasi maiwasan ang ganoong pakiramdam. Kung kanina, gustong gusto ko nang kumain, ngayon naman kasing bilis ng kisap-mata nawala ang gutom ko. Nawala ang cravings ko sa mga naserve na pagkain dito. Huhu! Kaunti lang tuloy ang kinain ko. Medyo nag-aalala pa si Keiran dahil sa sobrang kaunti lang na kinain ko. Pinipilit ko naman na okay lang ako at medyo hindi ako gutom but he insisted. Kahit main dish lang ipakain sa akin, panatag na siya. Ilang beses ko na nga nabuo sa isipan ko na tumakbo or umuwi nalang pero ayoko din naman madisappoint si Keiran dahil mukhang gustong gusto niya na ipakilala ako sa papa niya kaya wala na din ako magawa. "Don't be nervous, baby. I promise, he won't bite." Biro ni Keiran. I know he's

