Dorothy's Pov "Hey, you should have texted me that you will come. Matagal ka bang naghintay?" Nag-aalalang tanong ni Stan nang sa wakas, matapos ng halos dalawang oras na paghihintay ko sa opisina n'ya dito sa hospital ay nakabalik na rin s'ya mula sa isang operasyon. Katulad ng dati ang gwapo-gwapo n'ya pa rin sa paningin ko sa t'wing suot n'ya 'yong white gown pati na rin 'yong stethoscope na nakasabit sa kanyang leeg. "Medyo, mga dalawang oras, that's fine I wanted to surprise you." Tumayo ako at ibinuka ang aking mga braso. "Tadaa, do you want a free hug?" I asked and wriggled my brows. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi atsaka s'ya lumapit sa 'kin at yumakap. "Dati pinapangarap ko lang 'to." Sinabi n'ya, bumitaw ako sa pagkakayakap at pinakatitigan ang gwapo n'yang pagmumu

