Chapter 1

1973 Words
Chapter 1 "Riri, Rara. Bilisan niyo" Hinihingal kong pahayag sa aking kapatid na kambal. Hawak ko sila sa aking mag-kabilang kamay. Halos madapa si Riri ng mapatid siya sa isang malaking sanga na nadaanan namin. Patuloy parin kami sa pagtakbo. Ang takot na namumuo sa aking katawan ay hindi ko na kayang pigilan. Hindi iyon takot para sa sarili ko, takot iyon para sa dalawa kong nakababatang kapatid. Nasa gitna kami ng kagubatan. Hindi na rin gumagana ng maayos ang utak ko dahil sa sobrang kaba. Wala akong maisip na paraan para matakasan ang mga taong humahabol sa amin. "A-Ate. N-Natatakot ako" Nanginginig na pahayag ni Rara. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay nilang dalawa. Lumingon ako sa likod at halos manlaki ang mata ko ng makita na malapit na ang mga humahabol sa amin. Agad kong hinigit ang dalawa papunta sa likod ng malaking puno. Hinihingal kaming tatlo dahil sa pagtakbong ginawa namin. Iniluhod ko ang isa kong tuhod para mapantayan ko silang dalawa. Nangingilid ang mga luha ni Riri at Rara. Niyakap ko silang dalawa bago tiningnan ang kanilang mga mata. "Riri, Rara. Do me a favor. I'll count one to three. Tatakbo kayo ng sabay na magkawahak ang kamay. Huwag kayong lilingon basta tumakbo lang kayo ng tumakbo. Can you do that for me?" Humihikbing tumango si Riri. Wala namang nagawa si Rara ng tiningnan ko ng seryoso ang mga mata niya. "Ate promise us that you'll be safe no matter what happen" Nag-aalalang pahayag ni Rara sa akin habang hawak ang aking pisnge. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Itanaas ko ang aking tatlong daliri. "One" Hindi na napigilan ni Rara ang pag-iyak. Niyakap naman siya ni Riri. Huminga ako ng malalim bago sumilip sa may puno. "Two, Three. Takbo!" Kasabay ng pagtakbo nila sa kabilang direksyon ay ang paglabas ko naman sa pinagtataguan namin. Hinarap ko ang mga kampon ng dilim na kanina pa humahabol sa amin. Binigyan nila ako ng ngising malademonyo. Kayang-kaya ko silang labanan kanina pero dahil kasama ko ang aking mga kapatid ay tiyak na mapapahamak din sila. Ayokong masaktan sila at madamay sa walang kwentang bagay na ito. "Hindi pa ba malinaw sa inyo na wala akong balak sumanib sa mga katulad niyong halang ang kaluluwa!" Naiinis kong sigaw sa kanila. Matagal na nila akong ginugulo simula  ng magkaisip ako. Matapos ipanganak ang kambal kong kapatid ay pinatay nila ang aking mga magulang. Ang galit ko sa mga dark mages ay muling nag alab. "Binibini, sa ayaw mo man o sa gusto. Sasama ka sa amin" Nakangising demonyo siya sa akin. Nakacloak siya at suot niya ang hood kaya hindi ko kita ang kanyang mukha. Tanging ang labi lang niya ang kita. "Hindi niyo ko mapipilit! Matapos niyong patayin ang magulang ko sa tingin niyo sasama ako sa inyo? Hell no!" Isang bakal na kadena ang pumulupot sa aking katawan. Habang tumatagal ay pahigpit iyon ng pahigpit na para bang may sariling buhay. Hawak ng lalaking kausap ko kanina ang dulo nito. Ramdam ko ang itim na usok na lumabas mula sa aking katawan. Naaninag rin ng aking mata ang mga golden dust na lumilipad sa aking paligid kasabay ng paglabas ng itim na usok sa aking katawan. Nakita ko ang paggapang ng kulay ginto sa kadena at kasunod naman non ay kulay itim. Parang naghahabulan ang dalawang kulay. Nang umabot ito sa dulo na hawak ng isa sa mga dark mages ay agad niya itong nabitawan. Kita kong kinain ng itim ang kulay ginto ng makaabot ito sa dulo ng kadena. Nakita ko ang usok sa kamay nito. Nasisigurado kong sunog talaga ang palad niya ngayon. Sa isang iglap ay sumabog ang kadena at naging isa nalang itong itim na abo. Agad kong itinaas ang aking kanang kamay at itinapat iyon sa leeg ng lalaking kaharap ko. Nakita ko na susugudin na din ako ng dalawa pa niyang kasama. Handa na silang umatake ng bigla nalang nanigas ang katawan nila sa kinatatayuan nila. Hindi na sila makagalaw. Alam kong conscious parin silang dalawa sa mga nangyayari. Ang tanging gumagalaw lang sa kanila ay ang kanilang mata. Hawak lang naman ng aking mahika ang katawan nila kaya hindi sila makagalaw. Binalingan ko ang aking kaharap na ngayon ay nakalutang na sa ere. Umihip ng malakas dahilan upang matanggal ang hood ng cloak niya. Napangisi ako ng makita ko ang takot na bumabalot sa kanyang mukha. Alam niya ang kaya kong gawin. Nababasa ko iyon sa kanyang natatakot na expression. Ang kaninang maluwag kong pagkakahawak sa leeg niya ng indirect ay napalitan ng napakahigpit. Namimilipit siya sa sakit. Halatang kinakapos na siya ng hininga. Dahil hindi ko naman siya direktang hawak ay agad kong sinarado ang aking kamao na nakatapat sa leeg niya. Sa isang iglap ay naging itim na abo narin siya. Napalingon ako sa dalawa. Itinaas ko ang aking magkabilang kamay ng nakabukasang palad at mabilis na sinaraduhan. Mabilis na naging abo ang dalawa. Binasag ko lang naman ang puso nila matapos ko itong gawing bato. Tumalikod ako at naglakad na sa direksyon na tinakbuhan ng aking dalawang kapatid pero agad rin akong napatigil. Nakita ko ang nanginginig na si Rara. Tahimik lang na umiiyak si Riri. Bitbit sila ng isang lalaking nakablack coat. Nakangisi ito sa akin na parang demonyo. Walang takot ang mababakas sa mukha ni Aran. Ang kanang kamay ng Dark King. Kahit gustuhin kong patayin si Aran sa mga oras na ito ay hindi ko magagawa. Bukod sa hawak niya ang dalawa kong kapatid ay hindi ko sigurado kung si Aran ba talaga ang kaharap ko o isa lang sa mga clone niya. Ayokong gumawa ng desisyon basta basta dahil sa dalawa kong kapatid. Isang maling galaw ko lang ay buhay ng kapatid ko ang magiging kapalit. Ayoko silang mapahamak. "Talaga palang makapangyarihan ang babaeng may hawak ng Dark Golden Magic. Bakit hindi mo ako patayin ngayon? Alam kong kayang-kaya mo" Gusto kong pilasin ang ngisi niyang parang demonyo. Huminga ako ng malalim. Pinakalma ko ang aking sarili. Hindi pwedeng mawala ang dalawa kong kapatid sa akin. Sila nalang ang natitirang pamilya ko. "Asshole! Wag mong sasaktan ang mga kapatid ko kung ayaw mong mabura sa mapa ang ipinagmamalaki mong Dark Empire!" Galit kong sigaw sa kanya. Nagtaas baba pa ang aking dibdib. Nag-uumapaw ang galit at kabang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay ano mang oras sa sandaling ito ay kakawala ang tunay kong kapangyarihan. Baka mapatay ko ang dalawa kong kapatid ng wala sa oras. "Ayoko ng magtagal sa lugar na ito. Sasama ka sa akin ng tahimik o papatayin ko itong kambal?" Halos bumilis ang t***k ng puso ko sa sobrang kaba. Ayokong mamatay ang aking mga kapatid na wala pang kaalam-alam sa mundong ito. For pete's sake they are only 7 years old. Ayoko rin naman na pumanig sa kasamaan. I know what they are up to. Bubuhayin nila ang kanilang hari. Para magawa ang ritwal para sa pagpapanumbalik ng buhay ng Dark King ay kakailanganin ang kapangyarihan ko. Kukuhanin nila ang kapangyarihan ko hanggang sa madrain ito sa katawan ko at kapag nangyari iyon. Mamamatay ako.   "Fine, Sasama ako pero pakawalan mo muna ang kambal" Seryoso kong sabi na tinawanan lang ni Aran. "Akala mo siguro malilinlang mo ako binibini. Minamaliit mo ata ako" Ang kaninang nakangising labi niya ay napalitan ng seryoso at tuwid na labi. Nagalit sa aking sinabi. "Ako lang naman ang kailangan niyo diba? Bakit kailangan pang idamay ang inosenteng bata?" Alam ko ang iniisip niya. Nababasa ko iyon sa kanyang mukha. Hindi ako mind reader. Alam niyang kaya ko na siyang patayin kahit clone niya ang nasa harap ko o hindi once na makawala sa kamay niya ang aking mga kapatid. "Sabihin na natin na sila ang magiging collateral mo. Hindi mo ko mauutakan" Bumuntong-hininga ako. Wala na akong magagawa sa pagkakataong ito. Kapag nagpakain ako sa aking galit ay madadamay ang kambal na nasa kamay ni Aran. "Lumabas na kayong lahat. Ayoko ng magtagal sa napakaliwanag na lugar na ito. Lagyan ng posas na bakal ang binibini. Ako na ang bahala sa dalawang bulinggit na ito" "s**t! Saan mo sila dadalhin Aran? Wag mo silang sasaktan" Narinig ko naman ang hagulgol ng dalawa kong kapatid habang tinatawag ako na 'Ate'. Napaluha naman ako ng wala sa oras. Narinig ko na naman ang nakakalokong tawa ni Aran. "Wag ka mag-alala binibini. Ikukulong lang namin ang dalawang ito sa dungeon" Halos ilang mura ang kumawala sa aking isipan. Bata palang ang mga kapatid ko at baka magkasakit sila kapag hindi sila naalagaan ng maayos. "Siguraduhin mong ligtas at malusog ang dalawa kong kapatid Aran. Sa oras na malaman ko na pinapahirapan niyo sila hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ang buong emperyo niyo" Hindi ako pinansin ni Aran. Madami sa akin ang nakapaligid na Dark Mages. Katulad ng nakalaban ko kanina, nakacloak din sila at ang tanging makikita lang ay ang mga labi nila. Naglakad kami habang ang aking paa at kamay ay may malaking bakal na posas. Hindi ito pangkaraniwang bakal lang dahil napapalibutan iyon ng mga kuryente. Kung mahinang mage lang ako ay hindi ko kayang makawala dito pero dahil hindi ako normal na mage ay kaya kong wasakin ang mga iyon ano mang oras ko gustuhin. Nakarating kami sa isang patag na lugar. Puro d**o lang at makikita mo sa hindi kalayuan ang nakakatakot na kagubatan kumpara sa pinanggalingan namin. May malaking uwak na kasing laki ng marahil ng elepante ang bumaba sa harap namin. Hindi lang iyon isa dahil nasa sampo ang bilang nila. Agad akong pinasakay ng mga dark mages. Sumakay din ang isa sa likod ko. Hindi pa man ako nakakahawak ng maayos ay agad ng lumipad ang uwak. Lumampas kami sa kahabaan at kalawakan ng nakakatakot na kagubatan. Sa isang iglap ay naging madilim ang kalangitan. Lumingon ako sa pinang-galingan namin. Maliwanag ang kalangitan sa kabila, iyon ang nagsisilbing dulo ng Light Empire Region. Sa Dark Empire Region ay napapansin ko naman na ang mga punong nadadaanan namin ay mga walang dahon. Kung meron man ay kulay itim ang mga ito. Bumaba ang malaking uwak at agad akong pinababa ng isang dark mage. Tahimik ko lang iyong sinunod. Isang malaki at malawak na kaharian ang nakita ko sa aking harap. Kulay itim iyon at walang kabuhay-buhay. Ang buong paligid maging ang mga bulaklak ay patay rin. "Dalhin agad kay Owel ang babaeng iyan. Kailangan maseal ang kapangyarihan niya agad. Utos iyon ni Heneral Aran" "Masusunod" Agad akong itinulak ng isang dark mage para palakadin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin na hindi naman niya nakita. Pwede namang sabihin kailangan pang manulak. Ilang hagdan ang nilakaran namin. Halos mapagod ako dahil sa layo. Pumasok kami sa isang double doors. "Nagagalak akong makita ka binibini. Ano ang iyong pangalan?" Inirapan ko lang ang lalaking mas matanda lang siguro sa akin ng mga tatlong taon. Ang mga mata niya ay walang kabuhay-buhay. "Ako nga pala si Owel. I can seal any kind of magic and element through physical contact" Sa isang iglap ay wala na ang mga posas ko sa kamay at paa. Lumapit siya sa akin. Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Hinawakan niya ang dalawang palapulsuhan ko. Inangat niya iyon hanggang sa pumantay ito sa dibdib ko. Pumikit siya. Kita ko ang itim na usok na nanggagaling sa kamay niya at nakaramdam ako ng p*******t sa aking mga palapulsuhan. Matagal bago natapos si Owel sa ginagawa niya. "Your Dark Golden Magic is now already sealed. Hindi mo magagamit ang kapangyarihan na iyon dahil hindi basta-basta ang ginawa kong pagse-seal. Alam ko kung gaano ka kalakas kaya sinigurado ko na hindi mo mawawasak ang seal na yan. Anyway, magagamit mo parin naman ang healing power mo. Hindi ko iyon ginalaw" "How do you know?" "Ofcourse. I can feel it. Your healing power is weak. Mahina iyon. Baka nga hanggang sa isang tao lang ang kayang magamot non" "Yeah. That's not my real magic anyway"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD