Chapter 18 Nasa rooptop kami ng infirmary. Walang pumupunta sa lugar na ito kaya napagpasyahan kong dito nalang makipag-usap kay Macy. Nanatili kaming nakatingin sa malawak na field at walang nagsasalita. Ihip lang ng hangin ang tanging maririnig. Tumikhim ako upang agawin ang atensyon ni Macy sa mga estudyanteng nasa field. Hindi na siya ang Macy na nakilala ko. Yung tipong masayahin at palangiti. Ang nakikita kong Macy ngayon ay ibang-iba na. "Ano ang dapat nating pag-usapan Trix?" Walang gana niyang tanong sa akin. Huminga naman ako ng malalim. Hindi ko alam kung umaarte lang ba talaga siya na parang walang alam sa akin o wala talaga siyang alam dahil hindi sinasabi ni Aran sa kanya. "Ano ang pakay mo sa lugar na ito?" Tanong ko sa kanya. Naagaw ko naman ang kanyang atensyon da

