Chapter 14 Hinihingal akong nakarating ng dorm. Napatingin agad sa akin si Helena na busy na naman sa pagbabasa ng libro. Hindi siya pumapasok sa klase. Siya ay Section C. Kaklase niya si Theo at Thea. Iyon ang sinabi niya sa akin. "Anong nangyari sayo?" Tanong niya sa akin dahil nahalata niya na galing ako sa matinding pagtakbo. Nagkibit balikat lang naman ako. Umupo ako sa aking kama. "Ano yan?" Tanong sa akin ni Helena. Ipinakita ko muna sa kanya ang libro bago ko sinagot ang tanong niya. "Book of Crystalline Diamond Stone" Tumango naman siya at sinaraduhan ang kanyang librong binabasa kanina. Agad siyang lumapit sa akin at tinabihan ako. Dahil alam na niya ang aking sikreto ay wala na akong dahilan para maglihim pa sa kanya. "Anong balak mong gawin dyan?" Awtomatiko na napa

