Chapter 9 Wala sa plano ko ang makipag-kaibigan. Wala rin sa plano ko ang may makaalam kung bakit ako nandito at kung ano ang pakay ko. Mukhang nagsasabi naman ng totoo si Helena na hindi niya ipagsasabi ang aking sikreto. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil may mapagsasabihan na ako ng aking problema o hindi dahil may nakaalam na sa tunay kong pagkatao. Hindi ko pa nga nakikita ang crystalline diamond stone pero mukhang papalpak pa ata ako. Alam ko naman na walang kaibigan si Helena sa paaralan na ito at hindi sa madalas lumabas ng dorm pero hindi ako sigurado kung makakatulong ba siya sa akin. Baka mapahamak siya kapag nalaman ni Aran na may nakakaalam ng pakay ko diyo. 12 midnight na pero gising na gising parin ako. Napatingin naman ako sa gawi ni Helena na kanina parin

