Chapter 27 Maaayos na ang buong ground. Wala ng mga booth dahil hanggang kahapon na lamang ang mga iyon. Naglalakad ako papunta headmaster's office dahil pinapatawag daw ako ni headmaster. "Trix. Saan ang punta mo?" tanong sa akin ng nakasalubong kong si Kate. Nginitian ko naman muna siya bago nagsalita. "Kay Headmaster. Pinatawag ako" sagot ko naman sa kaniya. Bumakas naman sa mukha niya ang pagtataka pero hindi na din siya nag-tanong dahil magmamadali daw siya. Nang makarating ako sa sa opisina ni Headmaster ay agad akong kumatok at binuksan na iyon. Dalawang buwan na din pala ng huli kong makausap at makita si Headmaster. Hindi ko napansin ang bilis ng araw. Parang kahapon lang ng ipadala ako ni Aran sa lugar na ito. Natigilan ako ng makapasok ako. Dalawang parehas na mga mata ang

