Chapter 24 Humihikab akong bumangon. Ginulo ko ang aking buhok. Napaunat naman ako dahil parang sumakit ang likod ko. Napatingin naman ako sa sofang nasa harap ko. Nakahiga si Vyzon. Siguradong sasakit din ang kaniyang likod. Ilang oras ba akong nakatulog. Inilibot ko ang paningin sa buong bahay. Wala talagang kahit ano. Kahit oras man lang ay wala. Ano ba yan. Sinandal ko ang aking likod bago napatingala. Naramdaman ko naman ang pagbangon ni Vyzon. Binalingan ko siya ng tingin. "Kanina ka pang tulog?" tanong ko sa kaniya. Ginulo niya ang kanina pang magulo niyang buhok. Bakit parang mas lalo siyang gumwapo? Kinusot naman niya ang kaniyang mata. Parang bata. Tumango siya sa akin kaya naman napabuntong hininga ako. Tumayo ako. Lalabas na sana ako ng magsalita si Vyzon. "Where are you

