Chapter 3
Isang malamig na bagay ang tumama sa buong katawan ko. Sobrang lamig ng tubig kaya nangatal ako. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ko. Umupo ako at niyakap ang aking sarili.
Naramdaman ko naman na kinakalagan na nila ako. Naalala ko na ngayon na nga pala nila ako dadalhin sa Academy ng Light Empire. Niliguan lang siguro nila ako kaya binuhusan nila ako ng tubig. Wala naman akong nakikitang kahit anong pwedeng lagyan ng tubig. Siguro ay isa sa kanila ang may gawa ng bagay na iyon sa akin.
"Tumayo kana at hinihintay kana ni Heneral Aran sa baba"
Tumayo ako at hindi na nagreklamo. Ang aking sira-sirang damit dahil sa paglatigo sa akin ni Aran kagabi ay ngayon ay basang-basa naman.
Napapatingin lahat ang mga dark mage sa akin ng ako ay dumadaan sa gilid nila. Katulad ng sa akin, ang mga mata rin nila ay walang kabuhay-buhay.
Nang makarating kami sa kinatatayuan ni Aran ay bigla niya na lang akong nilatigo ng napakaraming beses. Hindi ako nagpatinag sa sakit na nararamdaman ko. Nanatili parin akong nakatayo.
"Dahil ayaw mong masaktan ang iyong mga kapatid ay sayo ko binigay ang dapat na parusa nila"
Hindi ako nagsalita. Blanko lang ang mukha ko. Walang buhay ko siyang tiningnan.
Humangin ng malakas at sa isang iglap lang ay may malaking uwak na sumulpot sa harapan namin.
Sumakay ako duon at may sumunod na isang dark mage sa akin.
"Huwag kang magkakamali binibini. Hawak ko ang buhay ng dalawang bulinggit"
Tinanguan ko lang si Aran. Wala akong balak makipagsagutan sa kanya ngayon.
Lumipad ng napakabilis ang malaking uwak. Hindi ko alam kung kinokontrol ba siya ng dark mage na nasa likod ko o hindi. Lumampas kami sa border line ng Dark Empire. Lumiwanag ang buong paligid kaya naman napakurap-kurap pa ako para mag-adjust ang aking paningin.
Malakas ang hampas sa aking mukha ng hangin. Napatingin naman ako sa pantalon kong suot at halos gutay-gutay na rin iyon dahil sa lakas ng latigo ni Aran. Hindi ko na magagamit ang healing power ko dahil nagamit ko na iyon kagabi at hindi pa ako nakakabawi ng lakas. It's useless.
Umikot-ikot ang malaking uwak sa matatayog na tore at mga gusali. Halos mamangha ako sa aking nakikita. Sa gitna noon ay may malaking field. Sobrang lawak non kahit nasa itaas na ako ay malaki parin iyon. Madaming gusali na parang tore akong nakita. Isang malaking palasyo naman ang nasa pinakaunahan. Tila nakatalikod sa malawak na field. Ang buong lugar na iyon ay nahaharangan ng napakalaking bakod na pader at kita ng aking mga mata ang transparent na nakapalibot sa buong lugar na iyon. Barrier.
Naabot ng paningin ko ang pinakaentrada kung saan nakaharap ang malapalasyo na gusali. Isang malaking gate na may bakal na nakasulat sa itaas 'Magical Light Academy'.
Halos magulat ako ng pumunta ang malaking uwak sa taas ng mukhang nakakatakot na gubat sa tabi mismo ng Academy na iyon. Tanging ang gubat lang na iyon ang madilim at nakakatakot kung tingnan.
Medyo bumaba ang malaking uwak at naramdaman ko naman na may tumulak sa akin kaya nahulog ako. Sa sobrang pagkagulat ko ay hindi na ako naka sigaw. Tumingin ako sa taas at sinamaan sila ng tingin. Bakit dito nila ako nilaglag at hindi na lang sa loob mismo ng Academy?
Pakiramdam ko ay bugbug sarado na ang aking katawan. Nahulog lang naman ako sa 30 feet na taas. Tapos nilatigo pa ako ni Aran kanina.
Tumayo ako at paika-ikang naglalakad. Napansin ko naman na may nagtatakbuhan na para bang may hinahabol. Sinundan ko sila ng tingin at hindi nga ako nagkakamali. Mukha nga silang naghahabulan.
"Jake ano ba!? Bumalik kana sa loob ng Academy. Hindi kami nakikipaglaro sa iyo"
Sabi ng magandang babae na may maikling itim na itim na buhok. Kulay asul ang mga mata niya at sobrang puti niya.
"Nakakainis kayo. Bakit niyo ba ako sinundan?"
Napatingin naman ako sa lalaking hindi kalayuan sa kinapupwestuhan ko. Tumigil na sila sa pagtakbo. Siya siguro yung jake.
"No one is allowed in this place Jake. It's strictly prohibited"
Sabi naman ng babaeng may mahabang buhok na may highlights na green. Maganda siya at bumagay sa kanya ang kanyang brown na brown na mata sa medyo tan niyang kulay ng balat.
Kita ko na silang tatlo dahil malapit na sila sa kinapupwestuhan ko.
"Ang K.J niyo. Bakit ba ako ang binabantayan niyo? Hindi naman ako trouble maker. I don't mess around"
Pahayag pa ng lalaking nagngangalang jake. Napalingon naman ito sa akin. Hindi ako nagulat. Agad nanlaki ang mata niya.
"Kate, Hestia. May babae"
Sabi ng lalaking si Jake habang nakaturo sa akin. Nanlaki din ang mata ng dalawang babae na si Kate at Hestia. Hindi ko naman sigurado kung sino sa kanila iyon. Pinilig ko ang ulo ko. I shoudn't care. Paalala ko sa aking sarili.
Tiningnan ko sila ng walang kabuhay-buhay.
"Hey, who are you? What happened to you? Why are you here?"
"Isa-isa lang Hestia"
Napasimangot ang may maikling buhok na si Hestia. Sinamaan niya ng tingin si Jake.
"Mukhang injured siya. Dalhin natin sa Infirmary"
Pahayag naman ng babaeng may green na highlights ang buhok na ang pangalan ay Kate.
Umiling si Jake sa suhestyon ni Kate.
"We should bring her in the headmaster's Office. Kailangan natin ng basbas ni Master para ipagamot siya sa infirmary"
Nagkatinginan silang tatlo na para bang may pinag-uusapan sila gamit ang kanilang mga mata.
Sumang-ayon naman silang dalawa kay Jake. Takot daw silang mapagalitan nito dahil limang oras daw silang madedetention at hindi daw normal na detention room iyon dahil hindi gumagana ang powers o magic sa loob non.
Hindi ko pinapakinggan ang pagkukwento nila. Hindi naman kasi ako interesado. Nagmamasid-masid lang ako sa paligid ng buong Academy ng makapasok kami. Bumungad agad sa amin ang malaking kastilyo.
"This is the main building of MLA" Pahayag ni Hestia na ang tinutukoy ay ang malakastilyong gusali.
Pumasok kami doon at namamangha na inilibot ko ang mata ko. Nang maalala ko ang aking pakay ay agad na naglaho ang pagkamangha sa mga mata ko. Naging blanko ulit iyon.
Hindi ko na iginala ang paningin ko. Sa aming paglalakad lang nakatuon ang aking atensyon. Tumigil kami sa isang malaking double doors.
Kumatok si Jake bago pumasok kasunod sina Hestia at Kate. Sumunod ako sa kanilang tatlo.
Agad na nakuha ng matandang lalaki ang aking atensyon. Puti na ang buhok niya at may hawak siyang tungkod. Nakatayo siya ng maabutan namin siya. Hindi pa naman kuba ang likod niya. Mukha naman siyang healthy.
Umupo siya sa swivel chair at hinarap kami. Nakatayo ako samantalang nakaupo na ang tatlo sa upuang nasa harap ng headmaster's table.
"What happened to her?"
Hindi ako ang tinatanong ng matandang lalaki na Headmaster kaya hindi ako nagsalita. Base sa nakalagay sa table niya. Siya si Headmaster Ronald Lim.
"We saw her in the f*******n garden. We don't know what exactly happened. Ask her"
Bumaling ang tingin sa akin ni Head Master na may pagtataka. Sinuklian ko lang siya ng blankong tingin. Sinuri niya ang kabuuan ko. Napailing siya dahil marahil sa aking hindi magandang kalagayan ngayon.
"What happened to you?" Sinserong tanong sa akin ng matanda na may halong pag-aalala.
"I'm on my way here but I accidentally bump into a huge wolf. I lost"
Tumango naman ang headmaster. Tila naiintindihan ang aking sinabi kahit isa lang naman iyong malaking kasinungalingan.
"Where's your things?" Tanong naman ni Jake.
"I lost it"
Bumuntong hininga ang head master. Tumingin siya kay Kate at Hestia.
"Kate and Hestia. Lend her a clothes and unused undergarments. For now, bring her to infirmary. She needs to be cure immediately"
Tumango ang tatlo at agad akong pinasunod sa kanila. Malayong paglalakad naman ang ginawa namin dahil wala sa loob ng main building ang infirmary. Nakahiwalay iyon.
Nang makarating kami ay isang magandang nurse ang sumalubong sa amin. Base on her nameplate. She's Amanda.
"What happened to her?" Iyon agad ang una niyang itinanong sa mga kasama ko ngayon.
Sinabi naman nila ang sinabi ko kanina sa office ng headmaster. Tumango-tango ang nurse bago ako pinaupo sa isang patient's bed.
Hinawakan niya ako sa noo bago ako nakaramdam ng ginahawa. Siguro ay iyon talaga ang kanyang kapangyarihan kaya hasang-hasa na siya sa paggamit non.
"Your wounds and bruised are all healed now but darling you look like a mess" sabi ni Amanda habang nakatingin sa aking gutay-gutay na damit.
Nang magamot na ako ay lumabas ulit kami ng building na iyon. Pumasok naman kami sa isang building at malawak na lobby ang bumungad sa amin. Hindi na nakasunod sa amin si Jake. Pansin ko naman na halos babae lang ang nasa loob ng building na ito.
Umakyat kami sa hagdanan ng ilang beses bago nakarating sa isang dorm.
Malaki iyon at malawak. May sofa at pansin ko na may dalawang kama na nasa makabilang gilid. May kinuha si Hestia sa kanyang cabinet at agad na iniabot sa akin.
Isa iyong dress na white. Pinapasok nila ako sa Cr habang bitbit ang mga binigay nila sa akin. I took a shower and dress up. Gumaan ang pakiramdam ko. Nagsuklay ako ng buhok habang seryoso silang nakatingin sa akin.
"What's your name?" Tanong ni Kate.
"Trix" Maikling sagot ko. Hindi na ulit sila nagtanong pa.
Lumabas na kami sa girl's dormitory. Nakasalubong namin si Jake at sinabing ibalik daw ako sa office ni head master dahil kailangan kong formal na makapagenroll.
Dahil alam ko na ang daan at mabilis kong natandaan ay sinabihan ko na ang dalawa na ako nalang. Ayokong maging malapit sa kahit na sinong tao sa paaralan na ito.
Nakadress na white at sandals ako na may ekis-ekis na strap. May short naman din na ipinahiram sa akin kaya ayos lang kapag humangin.
Nang makarating ako sa Headmaster's office ay naabutan kong nakaupo si Headmaster sa swivel chair.
"Come hija. You need to formally enroll yourself here"
Lumapit ako at umupo sa upuan na nasa unahan ng table niya. May iniharap siya sa aking papel. Tungkol lang sa personal information ko. Sinagutan ko na agad at ng matapos ako ay agad kong inabot sa kanya.
"Your name is Trix Yngrid Miwora, 19 years old. What's your magic?" Tanong niya sa akin. Wala naman akong mabasang kahit ano sa expression niya.
"I'm a healer" Sagot ko. It's partially true.
Magsasalita pa sana si Head Master ng biglang bumukas ang malaking double doors.
Hinihingal na pumasok ang isang lalaki. Para siyang nakipagmarathon at kakaabot lang niya sa finish line.
"What's the matter Paul?" Casual pero ma-awtoridad na tanong ni Headmaster.
Ilang minuto munang huminga ng malalim ang lalaking si Paul bago ito nagsalita.
"Headmaster, Vyzon is making a trouble again. He's messing the Poison's Laboratory"
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad kaming nakarinig ng isang pagsabog. Para namang hindi nagulat ang Headmaster sa balita. Parang natural na ito para sa kanya.
"Call him now" Kalmadong utos ni Head Master pero ramdam ko parin ang pagtitimpi niya.
"That guy!" Rinig kong mariing bulong niya.
Nakatayo lang siya habang hawak ng kanyang kamay ang tungkod niya. Nanatili akong nakaupo.
Bigla ulit bumukas ang doubledoors ng kwartong ito makalipas ang ilang minuto. Binalingan ko ng tingin ang lalaking pumasok.
Nakapamulsa lang ito. Napatitig naman ako sa mukha niya. Mahahaba ang pilik-mata niya. Kulay abo na may pagkablack ang mga mata nito. Matangos ang ilong. May magandang labi na halatang malambot dahil mamulamula pa ito. Perpekto ang hugis ng mukha niya. Magulo ang kulay dark brown niyang buhok na bumagay sa tamang puti ng kutis niya.
"What now?" Aroganteng tanong niya sa Headmaster. Halata sa mukha ng lalaki na naiinip na siya sa lugar na ito.
Napatingin ang lalaki sa gawi ko. Nagtama ang aming paningin.