Habang pabalik si Grey sa Hotel kung saan siya nakacheck-in ay pakiramdam ng binata ay na-disappoint siya sa dalaga. Doon din muling umusbong ang galit niya kay William.
Muli niyang naalala ang kanyang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Kaya nga siya lumayo muna at iniwan ang ring dahil habang tumatagal ay mas nilalamon siya ng galit para sa kapatid. Lalo na kapag nariring niyang sinisigaw ng mga manonood ang pangalan ng kanyang kapatid. Hindi niya maikakaila sa kanyang sarili na nakakaramdam siya ng insekyuridad.
Hinihintay niyang bumukas ang elevator ng may biglang tumawag sa kanyang pangalan.
"Grey!" tawag sa kanya ng boses babae sa kanyang likuran.
Nilingon naman niya ang babaeng tumawag sa kanya at nakita niyang si Depinder at papalapit ito sa kanya.
Ngumiti siya at binati ang dalaga," Hey, Whats-up?"
"I'm fine, How about you?" nakangiting sabi ng dalaga sa kanya.
"I'm fine too," maikling sagot niya.
"Where have you been?" tanong ng dalaga.
"Oh, Nothing. I just went outside and walked around,"
"I See. Are you going back to your suite?"
"Yes. I just got a headache and I want to take a rest,"
''I see, Well I was about to ask you if you want to have a cup of coffee with me?''
''Oh, I'm sorry Depinder, Maybe some other time.'' hinging paumanhin niya sa dalaga.
Tila ba nakaramdam namanng pagkadismaya ito sapagkat nawala saglit ang ngiti nito sa mga labi.
"It's okay, There's still nextime. Anyway, I'm not gonna disturb you. I'll just see you around," sabi ng dalaga.
"Thanks Depinder,"
"Alright. Bye Grey," nakangiting paalam ng dalaga bago ito tumalikod at naglakad palabas ng hotel.
Sakto namang bumukas ang elevator at agad siyang pumasok sa loob. Pinindot niya ang button kung saan floor ang kanyang hotel room.
Ilang sandali lang at muling bumukas ang elevator. Dali-dali siyang lumabas at naglakad patungo sa kanyang kwarto.
Pagpasok niya ay agad siyang humiga sa kama. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Nanatili lamang siyang nakatingin sa kisame ng kwarto, nang biglang tumunog ang kanyang Cellphone. Kinuha niya ito sa side table at tinignan kung sino ang tumatawag.
Si William, ang kanyang kapatid. Ano na naman kayaang kailangan nito, sa isip-isip niya.
Sinagot niya ito at narinig niyang nagsalita ang kapatid.
"Hello brother," sabi nito sa kabilang linya.
"What do you want?" tinatamad na tanong niya.
"Nothin' I just want to ask if you're okay,"
"I'm okay big brother,"
"That's good to hear. When are you coming back?" tanong nito.
"I don't know. I just want to be alone William," may inis sa kanyang tinig.
"Yeah I know that Grey, but Vince are keep on asking you where you are and when are you coming back here,"
"I don't care William! Just tell'em I am officially leaving the business!" iritadong sagot niya sa kapatid.
"You know that, it's not easy. You still have your signed contract with them and you have to finish the contract or else they will file a case against you,'' malumanay na paliwanag ng kanyang kapatid.
"Oh, Damn it! Didn't you hear me? Like what I've said William, I don't care and I don't f*****g give a damn anymore!" galit na sigaw niya sa kapatid.
"Fine! If you don't give a damn then it's all up to you. After all, you will be the one to take all the consequences!" galit na sigaw na din ng kanyang kapatid sa kabilang linya at biglang binaba na nito ang tawag.
Napabuntong hininga siya at parang sumakit ang kanyang ulo dahil sa pag-uusap nilang iyon ng kanyang kapatid. Alam niyang posible siyang kasuhan ni Vince dahil hindi pa niya natatapos ang kontrata. Si Vince ang may-ari ng America's Wrestling Entertainment, at siya din ang promoter ng nasabing kumpanya kung saan siya nagtatrabaho bilang isang professional wrestler.
Dahil sa matinding insekyuridad na nararamdaman para sa kanyang kapatid na si William ay pati trabaho niya ay naapektuhan. Aminado naman siya sa kanyang sarili na mas malayo si William kaysa sa kanya. Bago pa man siya naging si Cade ay ilang karakter muna ang nagawa niya sa ring. Mga karakter na hindi pumatok sa mga audience. At dahil nalaman nila Vince na kapatid siya ni William noong minsan silang nagkaroon ng argumento ay nagka-isa ang buong AWE Authority na idikit ang pangalan niya kay William. Noong una ay hindi siya pumayag, pero sa huli ay napapayagdin siya. Kaya agad na binago ang kanyang ring name. At iyon ay naging siya si The Demon "Cade ".
Dati pa man ay nagsusuot na siya ng maskara upang matakpan ang pilat ng kanyang mukha, ngunit hindi lang inaasahan ng lahat na magiging maganda ang impact sa mga manonood ang character niya bilang si Cade. The long lost brother of The Phenom.
Bilang pagtatakip sa kanyang nakaraan at tunay na pagkatao, at para na rin maitago ang lihim ni Phenom ay pinalabas ng AWE na isang storyline lamang ang lahat, na ang pagiging magkapatid nila ni Phenom ay isang storyline lamang. Pero hindi alam ng mga manonood ay totoong magkapatid sila ni Phenom.
Binase ang storyline nila sa isang bibliya. Ang kwento ng magkapatid na si Cain at Abel. Madami ang humanga sa kanilang magkapatid. Lalo sa pagiging tag-team nila. Ilang beses na silang naging tag-team champion, Ilang beses na rin silang nagtulungan na magkapatid sa tuwing kailangan ng isa ng tulong. Noong una ay unti-unti na niyang napapatawad at natatanggap si William, ngunit sa hindi niya inaasahan ay umusbong muli ang galit niya dahil sa insekyuridad na nararamdaman niya sa tuwing sinisigaw ng mga tao ang pangalan ni William kapag nagkakaroon sila ng laban. Si William lamang ang mas napapansin ng mga manonood kahit na sila ay magkasama.
Tumawa siya ng mapakla. Damn you William! Sambit ni Grey sa kanyang sarili.
Hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang pinoprotektahan ng lahat. Habang ako ay hanggang pagiging anino mo lamang.
Nagdilim ang paningin ni Grey dahil sa isiping iyon. At mas tumitindi ang nararamdamang galit sa nakakatandang kapatid.
Bigla niyang naalala si Franceska. Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ang naramdaman niyang inis para sa dalaga.
Dahil ba sa mga salitang binitawan nito kila Martha? O dahil sa pakiramdam niya ay naging mapanghusga ang dalaga.
Paano pag nalaman nito ang kanyang nakaraan? Huhusgahan din ba siya nito? Ano kaya ang magiging reaksyon ng dalaga kapag nalaman nito ang totoo niyang pagkatao?
Aminado siyang noong una niyang makita ang dalaga ay may kakaiba na siyang naramdaman para dito. At laking tuwa niya nang muli niyang makita ito at di niya inaasahan na si Franceska ang babaeng tinulungan niya laban sa mga lalaking humahabol rito.
Napangiti siya sa isiping iyon, kanina lamang ay walang sabi-sabing iniwan niya ang dalaga, tapos ngayon ay biglang naisip niya ito.
Napabuntong hininga siya. Damn it Grey, pagmumura niya sa kanyang sarili, at saka siya bumangon mula sa pagkakahiga at tinungo ang banyo upang maligo. Gusto niyang mag-relax. Gusto niyang makalimutan ang lahat ng problema niya. Pero paano? Paano niyagagawin iyon kung palagi siyang ginugulo ng kapatid. Idagdag pa sa problema niya ang kontratang hindi pa niya natatapos. Paano nga kung mag-file ng demanda ang AWE laban sa kanya? Paano niya lahat lulusutan iyon. Napailing na lamang siya.