''Holy s**t!'' isang malutong na pagmumura ang lumabas sa bibig ni Franceska dahil sa mahuhuli na siya sa kanyang unang klase. Nasa Ikaapat na taon na siya sa kolehiyo at isang buwan na lamang ay magtatapos na siya. Kumuha siya ng kursong Hotel and Restaurant Management at sa awa ng diyos ay matatapos na niya ang kursong ito.
Lakad takbo ang ginawa niya upang umabot sa unang klase at nakahinga siya nang maluwag dahil aabot pa siya.
''Hoy! Franceska.'' tawag sa kanya ni Mikaela na nasa likuran lang pala niya ito.
''Oh! ikaw pala Mika akala ko late na ko kaya nagmamadali ako.'' tugon niya sa kaibigan.
''Sus! sigurado napuyat ka na naman sa kakapanuod mo ng Wrestling noh.''
''Siyempre hindi pwedeng hindi ko mapanood si Cade sa mga matches niya noh.'' sagot naman niya sa kaibigan.
Labing walong taong gulang siya nang una niyang mapanood si Cade sa AWE, at nasa Ikalawang taon naman niya sa kolehiyo. Tatlong taon na niyang hinahangaan ang naturang Wrestling Superstar na si Cade. Kaya ganon na lamang ang pagkahumaling niya rito.
''Ano ka ba Franceska, tigil-tigilan mo nga yang Cade, Cade, na yan. Nagmumukha ka nang baliw sa ginagawa mo, akala mo naman makikita mo iyan sa personal.''
''Alam mo, pareho kayo ni Mama nang sinasabi. Tingin nyo kalokohan lang ang ginagawa ko, kasalanan ko ba kung malakas ang epekto sakin ni Kane.?'' depensa ni Franceska sa kaibigan.
''Wala namang masama kung magkaroon ka nang paghanga sa Cade na yan. Pero nasosobrahan kana masyado, halos napapabayaan mo na ang pag-aaral mo. Minsan hindi kana nakakapasok dahil nale-late ka sa klase.'' sermon ni Mikaela sa kanya.
''Hay! ewan ko sayo. Basta darating ang araw makikita ko rin si Cade.'' parang nangangarap na sagot niya sa kaibigan.
''Ewan ko rin sayo. Bahala ka, bilisan mo na at malapit na ang time sa unang subject natin.'' ang kaibigan na nauna nang naglakad.
''Hmmp.'' tinignan niya nang masama ang kaibigan bago siya nagmadaling maglakad.
Kung tutuusin ay wala na silang masiyadong ginagawa dahil graduating na sila. Kailangan lang nilang tapusin ang mga report nila pero alam naman niya na kaya niyang tapusin iyon on time.
At dahil sa napuyat siya kagabi sa kakanood ng wrestling ay hindi namalayan ni Franceska na nakatulog siya habang may pinapaliwanang ang kanilang proffessor.
''Habang naghihiyawan ang mga tao sa arena sa paglabas ni Kane ay siya namang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi niya magawang humiyaw katulad ng mga tao sa buong arena. Nang biglang dumilim ang paligid at nagbuga ng apoy sa entrance kasabay ng theme song ni Cade.
Nagsalita ang announcer ''Let's welcome in the ring .The hardcore champion, weighing 320 pounds, CADEEEEE.!''
Lumakas ang sigawan ng mga audience sa arena sa paglabas ng The Demon. Kailangan nitong depensahan ang hardcore title niya laban kay Val Venis.
Habang naglalakad si Cade palapit sa ring ay hindi niya maiwasang mas humanga para dito. Alam niyang malaki ang katawan nito sa telebisyon pero iba pala pag sa personal mo makita ito. Mas malaking tao pala ito kumpara sa inaasahan niya.
''I wonder how he looks like, if he take off his mask.'' sa isip-isip ni Franceska.
Bago umakyat ito sa ring ay naisigaw niya ang pangalan nito na ikinalingon naman ni Cade sa gawi niya.
''Goodluck to your match Cade!'' sigaw niyang muli. At dahil nakasuot ito ng maskara ay hindi niya makita ang reaksiyon ng lalaki na ngayon ay nakatingin sa kanya. Binigyan naman niya ng matamis na ngiti ito bago ito tuluyang pumasok sa ring.
Pagpasok pa lang ni Cade sa ring ay sinugod na agad ito ng isang suntok ng kalaban nito, habang nakikita niya kung paano tamaan si Cade ng bawat suntok na pinapakawalan ni Val Venis kay Cade ay siya ring bigat na nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y nasasaktan siya sa bawat suntok na tumatama kay Cade, pero alam niyang hindi mapapatumba si Cade.
It's Cade's turn. Sa isip-isip niya nang makaganti ng suntok si Cade. Ilang suntok ang pinadapo ni Cade sa mukha ni Val Venis bago niya ito binigyan ng isang matinding Uppercut.
''Oh s**t! That's gotta be Cade with his wicked right hand.'' bulong ni Franceska sa kanyang sarili.
Hindi maintindihan ni Franceska ang sinasabi ng mga nasa commentary dahil sa lakas nang hiyawan ng mga tao sa buong Arena. Lahat ng nasa audience ay kay Cade nakapanig. Habang siya naman ay nakafocus lamang sa laban ng kanyang si Cade.
Habang binibigyan nito ng sunod sunod na suntok ang kalaban nito ay pumasok sa ring ang isa sa RTC o Right to Censor upang hampasin ng Steel chair si Cade.At bago pa mangyari iyon ay tumawid siya sa barricade, pumasok sa ring at hinarang niya ang katawan niya kay Cade at sa kanya dumapo ang Steel chair na ikinagulat ng lahat sa pagsulpot niya sa ring bagay na ikinatahimik ng mga taong nasa Arena.
''Wait! Who's that woman on the ring.'' isa sa commentor ang nagsalita.
Pakiramdam ni Franceska ay mawawalan siya ng ulirat dahil sa pagtama ng Steel chair sa kanyang likod. Bumagsak siya sa ring at bago pa siya mawalan nang malay ay nakita niyang hinawakan ni Cade sa leeg ang isa sa RTC at binigyan ito ng isang matinding Chokeslam .Isinunod naman nito si Val Venis.
''Chokeslams, then cover by Cade. One! Two! Three!.'' bilang ng referee. Cade won the match.
''He did it. He's still the hardcore champion.'' masaya siyang makitang naipanalo ni Cade ang match na iyon.
Nilapitan siya ni Cade at sinubukang itayo. ''You did it Cade. You won the match.'' mahinang sambit niya sa lalaking nasa harap niya ngayon at hawak-hawak siya.
''Why did you do that?'' tanong nito sa kanya.
''Because I don't want you to lose the match.''
''You are crazy. You shouldn't entered the ring.''
Hindi na muling nagsalita pa si Franceska dahil unti-unting nagdilim ang kanyang paningin at tuluyan na siyang nawalan nang malay.
Hindi alam ni Franceska kung paano, o ano pa ang sumunod na nangyari nang biglang may yumugyog sa kanya ng malakas.
''Franceska, Franceska.!'' tawag sa kanya ng kung sino man.
Minulat niya ang kanyang mga mata, nang pagmulat niya ay nagtatawanan ang mga tao sa kanyang paligid.
''Hoy! Ano ba ang nangyayari sayo at nagsasalita ka habang tulog?'' si Mikaela ang kanyang kaibigan.
''Huh!'' gulat niyang tanong.
''Oo at binabanggit mo pa ang pangalan ni Cade.''
''Miss Montereal. Alam mo bang tinulugan mo ang klase ko?'' sita sa kanya nang kanyang proffessor na si Mrs.Guttierez.
Natahimik siya dahil sa hiya. Akala niya ay totoo ang nangyaring iyon. Iyon pala'y isa na namang panaginip.
Tinakpan niya ang kanyang mukha dahil sa hiya. Hindi pa rin kasi tumitigil sa pagtatawanan ang kanyang mga kaklase.
''Ayan kasi, dahil sa kakanood mo kay Cade, pati sa panaginip eh iyang Cade pa rin ang nasa utak mo. Pati dito sa school ay Cade pa rin ang laman niyang utak mo.'' inis na sermon sa kanya ni Mikaela.
''Sorry naman, hindi ko naman alam na makakatulog ako habang nagkaklase eh.'' depensa niya.
''Para kang tanga diyan na nagsasalita habang tulog. Puro Cade ang nababanggit mo.''
''Sorry na nga diba.'' inis niyang sabi sa kaibigan.
''Pwede ba? bawas- bawasan mo ang panonood ng Wrestling.'' si Mikaela na may halong iritasyon ang tinig.
''Oo, na.!'' tugon na lamang niya.