Chapter Twenty One

1200 Words
Pagkatapos nilang mag-merienda sa canteen ay naglakad-lakad muna sila sa paligid ng campus.  "U-Uhm, Franceska…" sabi ni Matthew na tila hindi magawang bigkasin ang gustong sabihin.  "Ano iyon Matt?" tanong niya.  "Ano kasi eh...pwede bang manligaw?" nauutal na sabi ni Matthew. Nagulat siya sa sinabi ng binata, at hindi niya inaasahan iyon.  "Nagbibiro ka ba, Matt?" sabi niya na tumingin sa binatang nasa tabi niya.  "Hindi, seryoso ako Franceska," mabilis na sagot nito. "Ganun ba?"  "So ano? pwede ba ako manligaw?" muling tanong ng binata.  "Ano kasi Matt, pasensya na pero wala pa sa isip ko ang ganyang bagay eh," hinging paumanhin niya. "Ganun ba, sige okay lang,"  sabi ng binata na biglang lumungkot ang mukha. "Pero, pwede pa naman tayo maging magkaibigan  eh," biglang sabi niya para lang hindi madismaya ang binata.  "Salamat, Franceska, pero hihintayin ko hanggang sa handa ka nang magpaligaw," determinado na sabi ni Matthew.  "Ikaw ang bahala Matt, pero wala akong maipapangako sayo," sagot niya.  "Okay lang yon," nakangiting sabi ng binata.  Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Matthew ay napagpasyahan nila na umuwi na. Nag-insist pa ang binata na ihatid siya sa kanilang bahay ngunit mabilis niyang tinanggihan ang binata, kaya hindi na ito nangulit pa.  Naglakad si Franceska mula sa kanto na binabaan niya, maaga siya ngayon nakauwi dahil wala naman silang ginagawa. Ang mga faculty members ay abala na rin sa paghahanda para sa graduation ball at graduation day nila. Hindi pa man nakakalapit  si Franceska sa gate ng kanilang bahay ay naririnig na niyang tila may kausap ang kanyang ama. Sino kaya ang kausap ni papa, sa isip-isip niya. Bubuksan na sana niya ang gate nang bigla siyang mapatigil, at nakita niya si Grey na kasama ng kanyang ama na nagkukumpuni ng cabinet. Hawak-hawak ni Grey ang cabinet habang minamartilyo ng kanyang ama ang bahagi na sira ng cabinet. Napansin ng kanyang ama ang pagdating niya.  "Oh, anak, nandyan kana pala," sabi ng ama. Pumasok siya at agad at naglakad papalapit  sa mga ito upang magmano. "Pa, ano ang ginagawa nyo?" tanong niya at saka nagmano.  "Ah, ito ba anak? wala pinapagawa lang ng mama mo itong cabinet natin na sira," sagot ng ama.  "Ganun po ba?"  "Oo, sakto naman at dumalaw si Grey dito sa atin, kaya ito kasama ko siyang inaayos ang cabinet," sabi ng ama na nakangiti habang minamartilyo ang cabinet.  "Hi, Ceska," bati ng binata sa kanya na nakangiti. "Hello," tipid naman na sagot niya," "How was your day?" tanong ng binata.   "Quite fine," tipid na sagot niya.  "Ah, okay. It's good to hear ``Do you mind if I am here?" tanong ni Grey habang nakatingin sa kanya.   "Yeah, it's okay, I wouldn't mind," mabilis na sagot niya.  "Thanks, Ceska," sabi ni Grey at ngumiti ito sa kanya.  Hayyy, ang gwapo niya talaga kapag ngumingiti, sabi niya sa kanyang sarili ngunit hindi niya pinahalatang kinilig siya sa ngiti nito. "I just go inside and change my clothes," biglang sabi niya.  "Sure, take your time, I'll just stay here and help your father fixing this cabinet," tugon ng binata na hindi nabubura ang ngiti sa mga labi nito.  "Okay, Pa, sa loob po muna ako," paalam niya sa ama. "Sige, anak, pagkatapos mong magpalit ng damit ay pakisabi sa mama mo na maghanda ng merienda namin ni Grey," "Sige po Pa," sagot niya at saka tumuloy sa loob ng bahay.  Pagpasok niya ay dumiretso muna siya sa kusina upang magmano sa kanyang ina.  "Ma, nandito na po ako," malakas na sabi niya habang naglalakad patungo sa kusina. "Maaga ka yata ngayon?" tanong ng ina.  "Opo, Ma, wala naman kasi kaming ginagawa eh," "Oh, siya umakyat ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit,"  "Sige po...ay, Ma, sabi ni papa ay ipaghanda mo daw sila ng merienda sa labas,"  "Sige, sige," sagot ng ina.  Mabilis na umakyat ng kwarto si Franceska at agad na nagpalit ng damit pang-bahay. Nagsuot lang siya ng walking short at isang t-shirt, pagkatapos magbihis ay agad siyang bumaba at muling nagtungo sa kusina.  "Ma, tapos na ba yung merienda nila papa?" tanong niya at saka umupo. "Saglit lang ito anak, tulungan mo nga akong gumawa ng turon," sabi ng ina.  "Sige po, Ma," at saka mabilis na kinuha ang saging at lumpia wrapper na nasa mesa.  Habang binabalot niya ang saging sa lumpia wrapper ay niluluto na ng kanyang ina ang tapos na niyang bulutin.  "Oh, dalhin mo na ito sa labas," utos ng ina habang nilalagay ang turon  sa isang plato.  "Sige po, Ma,"  Dala-dala ang turon na niluto ng kanyang ina ay lumabas si Franceska upang dalhin ang merienda ng kanyang ama at si Grey. "Pa, ito na po oh," sabi niya at saka nilapag ang plato na may laman na turon sa maliit na mesa na nasa tabi nila.  "Aba, mukhang masarap ah," sabi naman ng ama. Tinignan niya si Grey na nagpupunas ng pawis gamit ang panyo na kinuha nito sa bulsa ng pantalon niya.  "Grey, you must try this," sabi ng ama sa binata.  "Sure sir, Thank you," sagot ng binata.  Lumabas naman ang kanyang ina na may hawak na isang tray na may nakalagay na mga baso na naglalaman ng juice.  "Oh, ito na ang  pang-tulak niyo," sabi ng ina habang papalapit sa kanila.  Napansin niya na nakatingin lang si Grey sa kanya kaya kumuha siya ng isang basong juice at saka inabot ito sa binata.  "Here oh," sabi niya sa binata at saka ibinigay  ang isang basong juice.  "Thanks, Ceska," pasasalamat ng binata habang nakangiti.  "You must try the turon," sabi niya at tinuro ang turon na nasa maliit na mesa.  "Turon?" sabi ng binata na may slang ang pagbigkas. "Yes, turon. Here, let me give you," sabi niya at saka siya kumuha ng isang piraso ng turon at inabot sa binata.  Kinuha naman nito ang binigay niya na turon at saka tinignan lang ito.  "C'mon, it's good, it's yummy," nakangiting sabi niya. Dahan-dahan naman na dinala ng binata ang turon sa bibig nito at saka kumagat. Habang pinagmamasdan niya si Grey na ngumunguya ay napapangiti siya.  "What do you think, is it good?" excited na tanong niya. "Hmmm, yeah, It's crunchy outside and it's kinda sweet inside,"  "See, I  told you, it's good,"  Tila natutuwa naman ang kanyang mga magulang dahil nagustuhan ni Grey ang turon na niluto nila.  "What's that thing inside?" tanong ng binata habang nakatingin sa turon na hawak nito," "Oh, it's the banana," mabilis na sagot niya.  "Really?" namamangha na tanong ng binata.  "Yup," sagot naman niya at nginitian ito. "Nakakatuwa itong si Grey, hindi mahirap pakainin," biglang nagsalita ang kanyang ama.  Masaya silang nag-merienda at nag usap-usap. Ang kanyang magulang naman ay tuwang-tuwa na pinapanood ang bawat reaksyon ni Grey sa turon na kinakain nito. Napansin niya na masaya si Grey dahil nakangiti ang mga mata nito. Gustong-gusto nito ang turon dahil ilang beses ito na kumuha ng turon, at halos ang binata ang nakaubos. Pagkatapos nilang mag-merienda ay  ipinagpatuloy  ng mga ito ang ginagawang cabinet, habang sila naman ng kanyang ina ay pumasok na sa loob wala ang kanilang pinagkainan, niyaya din ng kanyang ina na dito kumain ng hapunan si Grey, at pumayag naman agad ang binata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD