Chapter Nineteen

1126 Words
Habang kumakain sila ay tahimik lang si Franceska habang si Grey at Depinder ay nag-uusap.  "Uy! Bakit ang tahimik mo?" kinalabit siya ng kaibigan.  "Wala," tipid niyang sagot. "Nagseselos ka noh?" Tinignan niya ng masama si  Mikaela. "Pwede ba Mikaela, huwag kang nag-iisip ng kung ano-ano!" "Eh, di hindi," sabi ng kanyang kaibigan at muling nagpatuloy sa pagkain nito.  Palihim na sinulyapan niya si Grey na nakangiti habang kausap si Depinder. Napa-buntong hininga siya at hindi naman nakaligtas sa pandinig ng binata.  "What's with the big sigh Ceska?" tanong ni Grey.  "H-huh...Uhm, nothing." tipid niyang sagot at yumuko. Kunwari ay sumubo siya sa kanyang pagkain.  "Do you have a problem?" tanong muli ng binata na tila ba hindi kumbinsido sa kanyang sagot.  "I said nothing," sagot niya na may inis sa kanyang tinig.  "Don't mind her Grey, Anyway where are we going after we eat?" Si Depinder na nagsalita.  "It's up to you,"sagot naman ni Grey.  Nilingon niya si Mikaela na matatapos ng kumain. Tumingin naman ito sa kanya at pasimpleng inapakan ang kanyang sapatos.  "Bakit?" halos pabulong na tanong ng kanyang kaibigan.  "Umuwi na tayo pagkatapos nito," sagot niya.  Tumango si Mikaela sa kanya at tumayo ito, nagpaalam itong pupunta lamang sa CR .  "Can I have my Cell Phone now?" sabi niya kay Grey. Tinignan siya ng binata bago ito magsalita.   "Finish your food first," utos nito.  "I'm done,"  "Okay," sagot nito at inabot sa kanya ang kanyang  Cellphone. "Thanks," Ilang sandali lang ay bumalik din agad si Mikaela at umupo ito. "Ano, tara na?" tanong nito. "Sige, magpapaalam lang ako," sagot niya.  Nang biglang nagsalita si  Grey. "Do you guys still have class after this?" "Uhm, Nope." tipid niyang sagot.  "Great, So we could walk around after if you want," "I'm sorry Grey, But we are going home," sabi niya.  "But…" hindi na naituloy ng binata ang sasabihin nang biglang nagsalita si  Depinder.  "It's okay Grey, Maybe they still have stuff to do," Tumango lang ang binata at tumingin ito sa kanya.  Nakita niyang parang nagkaroon ng lungkot ang mga mata nitong kulay abo. Pero saglit lang iyon at muli itong ngumiti.  "We'll go ahead," sabi niya sa mga ito.  Tumingin lang ang binata sa kanya habang si  Depinder ay ngumiti sa kanila. "Thanks for the food," muli niyang sabi  at tumayo na sila ni Mikaela. "Take care guys," sabi ni Depinder.  Nginitian niya ang dalaga at nagpaalam na sila. Nakatalikod na sila ng biglang tinawag ni Grey ang pangalan niya.  "Ceska…"  Nilingon niya ang binata at tinanong ito kung bakit. Ngunit  saglit na tumigil ito sa sasabihin.  "Nevermind,  Thanks for your time, and take care." sabi ng binata.  Nginitian na lamang niya ang binata bilang pagtugon. At hinila na ang kaibigan at lumabas sa lugar na iyon.  Naglalakad na sila palabas ng Mall ng biglang nagsalita ang kaibigan.  "Franceska, parang biglang lumungkot ang mukha ni  Grey kanina nung sinabi mong uuwi na tayo," "Guni-guni mo lang 'yon," sagot niya.  "Sus! Kunwari ka pa, Eh mukhang nagseselos ka nga kanina eh," "Hindi ah, Hindi ko lang sila trip kasama," pag-kakaila niya.  "Maniwala ako sayo, Pero alam mo, parang may gusto  yung Depinder may Grey," "Paano mo naman  nasabi?" tanong niya.  "Basta,  napansin ko lang kanina.At isa pa halata naman noh," "Kung ano-ano ang sinasabi mo. Bilisan mo na nga at ng makauwi na tayo, " Paglabas ng Mall ay agad silang pumara ng jeep. Ilang minuto lang naman ang biyahe nila pauwi. Pagdating ng bahay ay agad niyang hinubad ang kanyang sapatos.  "Oh, nandyan kana pala," bungad ng kanyang ina.  "Opo, wala po kasi kaming masyadong ginawa sa school kaya maaga kaming umuwi ni Mikaela," sagot niya.  "Ganun ba? Sige magpahinga ka muna," sabi ng kanyang ina.  "Opo, Akyat lang po ako sa kwarto, Ma." paalam niya.  "Sige, at ihahanda ko lang ang lulutuin kong hapunan natin mamaya," Pag-akyat niya sa kanyang kwarto at tumunog  ang message alert tone ng kanyang  Cellphone. Tinignan niya ang nag-text pero nagtataka siya dahil wala naman sa contact niya ang numerong nag-text  sa kanya. Binuksan niya ang text message at binasa ito.  "Take care," iyon ang mensahe ng nag-text.  Nireplyan niya ito at tinanong kung sino ito. Agad naman sumagot ang numerong iyon. "This is Grey," sagot nito.  Nagulat siya kung paanong nakuha ng binata ang kanyang Cellphone number,  nang bigla niyang maalala na kinuha pala ni Grey ang Cellphone niya kanina. At marahil ay palihim nitong kinuha ang kanyang numero.  Nang muling tumunog ang message alert tone niya. Nagtext ulit ito.  "I got your Cellphone number from your save contacts," sabi nito.  "Okay," tipid niyang reply sa binata.  "Are you at home now?" reply ng binata.  "Yes, I just got home,"  "It's good to hear, anyway what are you doing right now, did you already eat dinner?"  "Nothing, just got changed my clothes," "Hmmm,"  tanging reply ng binata.  "How about you? Are you still hanging out with Depinder,"  "Yeah, but we're about to go back in hotel," "Really huh?" "Yeah, anyway I'll just text you later when we got back in the hotel," "Okay," maikling reply niya. Hinintay niyang muling magtext si  Grey sa kanya ngunit hindi na ito muling nagtext. Siguro ay abala na ito kasama si  Depinder, sa isip-isip niya. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit naiinis siya kay Depinder. Kung hindi lang sana pumayag si Mikaela na sumama sila ay hindi talaga siya papayag na makasama si Depinder. Mas lalo siyang nainis nung makita niya kung paano humawak sa braso ni Grey. Bigla tuloy niya naisip kung may relasyon na ba ang dalawa. Hmmm! Eh ano naman kung may relasyon sila, inis na kontra ng kabilang bahagi ng kanyang isipan, nang biglang may kumatok ang Ina sa pinto ng kanyang kwarto.  "Franceska, anak, bumaba ka na at malapit na tayong kumain,"  "Opo, Ma, susunod na," sagot niya sa kanyang Ina.   "Sige, at malapit ng dumating ang papa mo," muling sabi ng Ina.  "Sige po," sagot niya lamang.  Tinignan niya ang kanyang Cellphone at hinintay ang muling text ni Grey ngunit ilang minuto na ang lumipas pero hindi na muling nagtext ito.  Hay, ano kaba Franceska, hindi naman obligasyon ng tao na itext ka noh, sabi ng kanyang isip, kaya nilapag na lang niya ang Cellphone sa side table at humiga sa kama. Sa pag-iisip  niya ay parang unti-unting hinihila siya ng antok. Paano kung may relasyon na nga talaga sila? muli na namang tanong niya sa kanyang sarili. Hindi naman malayo na hindi magustuhan ni Grey si Depinder dahil pareho ang dalawa ng bansang pinanggalingan. At isa pa ay tunay na maganda at sexy ang dalaga. Dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano ay nakatulog na siya, at hindi na nagawa pa na bumaba upang kumain ng hapunan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD