Nakatingin si Jupiter kay Trigger ng malabasan n'ya ito na naka-upo sa gilid ng kama habang buhat si Saturn na natutulog. "Tulog na yan bakit binuhat mo pa," sita ni Jupiter kay Trigger. "Na miss ko lang ang anak ko." "Kung na miss mo si Saturn hindi sana kung ano-ano ang inaatupag mo." "Tingin mo ba papatulan ko ang Alyza na yun?" "May puk* s'ya bakit hindi?" "Hindi kita inaaway kaya wag mo akong simulan." ani Trigger na sinamaan s'ya ng tingin na tumayo na saka maingat na ibinaba si Saturn sa crib. "Sino bang nang-aaway?" "Kulasa ang dami nating problema, imbis na mag tulungan tayo dahil naka kulong si Ate Joyce dahil sa inyo ni Abby. Tigilan na natin ang mga sarcastic na awayan na ito." hindi naman naka-imik si Jupiter dahil tama naman ito. "Kung sinabi n'yo sana agad sa akin

