"Boss! Anong gagawin natin? Ibang klase pala ang babaeng yun malupit ang galawan, mauubos ang mga pasugalan natin. Pati na rin ang mga lending company natin. Wala pa s'ya halos 1 buwan pero na pilayan na agad n'ya tayo." gulat naman na paatras ang lalaki ng galit na ibinato ng boss ang bote ng mamahaling alak na tumama sa pader at mabasag iyon. "Sinubukan n'ya talaga ako, pakikitaan ko s'ya kung paano magalit ang isang tulad ko. Masyado s'yang nag papalapad ng papel, sayang gusto ko pa naman s'ya pero kapag masyado ng paki-alamera ang isang babae tinuturuan na ng leksyon." "Ihanda n'yo ang mga bata bukas ng gabi may ipapa raid tayong sugalan. Tiyakin n'yong makukuha n'yo si Jupiter Walton buhay man o patay. Masyado na itong nakaka purwisyo sa mga negosyo n'ya kailangan na nitong mawala

