ERIN'S POV Palabas na ko ng office dito sa stary ng may bumungad sa aking masamang hangin. Mabilis ko siyang nginitan ng matamis. "Walang hiya ka! Mang-aagaw ka! Inaakit mo ba ang asawa ko, Erin!?" sigaw ni Nadia at akmang susugod sa akin. "Anong pinagsasasabi mo?" natatawang tanong ko sa kaniya. "Nagmamaang-maangan ka pa! Nilalandi mo ang asawa ko! Pati ang anak ko gusto mong kuhain sa akin!" sigaw niya pa. "Alam mo? Kulang ka lang sa tulog, itulog mo yan," sabi ko sa kaniya at nilagpasan siya. "Malandi ka!" sigaw niya at mabilis akong sinabunutan. Agad naman akong nakipagsabunutan sa kaniya. Anong akala niya? Di ako napatol sa baliw? Sorry siya. Mabilis naman kaming naawat ng mga guard. Ang tigas ng mukha niya! "Baka nakakalimutan mong ikaw ang mang-aagaw sa ating dalawa? Ipapaal

