Eight months later.. SABBEY'S POV "Nako, Girl! Nakaka-stress pala ang ganito!" reklamo ko kay Erin na ngayon ay busy sa pagkain ng avocado. Ewan ko ba kung bakit sa dami ng paglilihian niya avocado pa. "Gutom na gutom?" tanong ko sa kaniya na halos walang tigil sa pagkain. Kanina pa ko nagk-kwento pero hanggang ngayon nakain pa rin siya. "Huwag kang magulo, nakain ako," sabi niya pa at muling sinubo ang isang kutsarang avocado. "Girl, tataba ka niyan. Ang lakad mo kumain," pang-aasar ko pa. "Malamang! Dalawang tao ang nasa tiyan niyan, alangan namang di yan kumain," sabatnaman ni Dash. "Oh? Anong ginagawa mo diyan?" gulat na tanong ko. Hindi ko naman kasi nakita na andiyan pala siya. "Kukuhain ko nag documents, kailangan yan ni Mr. Ford," sabi niya pa at lumapit sa akin. Agad k

