WEEKS PASSED. Nagising ako nang mapansin kong wala si Syd sa tabi ko. Agad akong tumayo at naghilamos. Paglabas ko, naamoy ko agad ang mabahong amoy. Agad akong pumunta sa kusina at nadatnan ko doon si Syd na nagluluto. Naggigisa siya ng bawang na halos bumaliktad na ang sikmura ko sa sobrang baho sa pang-amoy ko. Bigla akong kinabahan. Huwag naman sana. Agad na lumapit sa akin si Syd at inalalayan ako. Nagsusuka ako habang hinahaplos niya ang likod ko. "Are you okay, hon?" tanong ni Syd sa akin. "Magbihis ka, hon..." utos niya na ikinagulat ko. Sa tingin niya palang alam kong may hindi magandang nangyayari. Kaya naman sumunod ako sa kaniya kahit na natatakot ako. Tulog pa si Jariah sa kwarto niya kaya naman umalis na rin kami para maaga rin kami makabalik. ***** Kinakabahan ako h

