ERIN'S POV "Tita Erin!" masayang bungad sa akin ni Jariah habang natakbo papalapit sa akin. "Hi baby!" masayang bati ko rin sa kaniya. Pinapasok naman niya ako sa bahay nila. Dumiretso kami sa sala at umupo. "Asan sila?" tanong ko sa kaniya. "Umalis po si Mommy kanina po," sagot naman niya sa akin. Umalis? Iniwan nila ang bata dito? "Ikaw lang mag-isa ang andito?" tanong ko ulit sa kaniya. "Nope po, andito po si Daddy. Nasa room niya po." Napangiti naman ako sa sinambit niya. Mukhang sakto ang dating ko ah? "Okay, I will talk to him. Magpapaalam ako, para makasama ka this weekend," sabi ko sa kaniya. "Talaga po, Tita Erin? Thank you po!" Niyakap naman niya ako. Kahit kailan talaga ang sweet niya. "Go to your room na, ako na ang bahala sa daddy mo," nakangiting sabi ko sa kan

