ERIN's POV Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinapanood si Jariah. Actually, matatapos na kami. "Tita Erin! Look!" masaya siyang lumapit sa akin para ipakita ang pininta niya. "Wow! Good job, Jariah!" Ang bata niya pa pero ang galing na niyang mag paint. Hindi ordinaryong painting lang ang ginawa niya. Nagpinta siya ng mala-realistic na apple. "Bakit apple ang ipininta mo?" takang tanong ko. Ang mga bata kasi mahilig sila sa colorful. Pero si Jariah. Isang realistic na apple ang ipininta niya. "Snow white is my favorite princess, Tita Erin. I want to be like her," nakangiting sambit niya. Napangiti ako. Ang sweet niyang bata. Hindi ko alam kung kay Nadia ba siya nagmana dahil hindi naman sweet si Nadia. Ang daming pumasok na what ifs sa utak ko. What if nagkaanak kami ni

