ERIN'S POV
"Good morning, Madame. Wala po si Sir Eron dito."
Tanging ngiti lang ang binigay ko sa katulong na sumalubong sa akin. Hindi na ko nag-abalang pumasok sa loob. Iniwan ko ang kotse ko dito sa labas. Sobrang aga pa para pumasok si Eron. Alas sais pa lang ng umaga.
Naisipan kong mag-jogging na lang sa club house. Since sunday naman ngayon, for sure tulog pa ang karamihan.
Nag-jogging ako papuntang club house ng may makasalubong ako. Palabas na siya ng bahay niya.
"Alexandra..." pagtawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya at ngumiti sa akin.
"Erin..." nakangiting bungad niya.
I told you, kapitbahay ko siya dito sa Mulberry. Kaya naman magkakilala kami.
"See you!" nakangiting sabi niya sa akin bago pumasok sa kotse niya. Ngumiti lang ako sa kaniya.
Actually, hindi ko na nakakamusta ang lovelife na meron siya. Hindi kami nagkakaroon ng time para makapag-usap man lang.
Nagpatuloy ako sa pag-jogging. Ilang bahay lang mula rito nang maalala ko ang isang bahay na nasa harap ko.
Ang bahay ni Nicholai. Kamusta na kaya siya? Hindi ko na siya nakikita sa starry mula nang umalis ako.
Napangiti na lang ako. Naging mabait siya sa akin. Pero sa maling panahon. Hindi ko siya sinisisi sa nangyari sa akin that night. Kasi si Nadia ang may kasalanan noon. Wala nang iba pa.
Nagpatuloy na lang ako sa pag-jogging. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa club house. Gaya ng inaasahan ko, wala pang tao. Pero mali ako, dahil ang daming tao sa loob. May event ba? Bakit ang aga nila magsigising ngayon? Wala namang meeting ang home owners.
Hindi ko na lang pinansin iyon at nagpatuloy sa pag-jogging. Nang mapagod ako, umupo ako sa isang bench. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ang sariwa ng hanging dito sa southridge. Kaya siguro hindi ko magawang kalimutan itong lugar na to.
Naalala ko pa, lagi akong sinusundo ni Syd dito dahil di ko dala ang kotse ko sa tuwing may home owners meeting.
Ang daming alaala dito. Sobrang dami.
Dito rin ang huling araw na nag-usap kami ni Syd. Dito ko nalaman na wala atalaga siyang amnesia at nagpapanggap lang siya noon.
Biglang bumalik ang sakit. Sakit na aaminin ko sa sarili ko na hindi pa rin naalis sa puso ko. Yung sakit na kahit anong paglimot ang gawin ko hindi ko kayang alisin. Para bang isa itong peklat na ang hirap burahin.
Naalala ko rin ang panahong nagkita kami ni Syd at may nangyari sa amin sa Hawaii. Yung dampi ng mga labi niya na siyang nagpapalakas sa akin. Yung bisig niya na nagbibigay enerhiya sa buong katawan ko.
Muli akong pumikit. Naalala ko ang lahat. Six years ago. Kung paano sila mag-s*x ni Nadia sa harap ko. Kung paano nila ak gaguhin harap-harapan. Kung paano niya ipinamukha sa akin na ginagago lang niya ako.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Biglang bumalik ang lahat ng sakit sa dibdib ko. Halo-halo ang emosyon ko.
Pero isa lang ang nasa isip ko. GINAGO NILA AKO.
Dahil sa pag-flashback ng nakaraan, nabuo na naman ang isang plano na hindi ko inaasahan.
Gusto kong gumanti. Babawiin ko si Syd. Babawiin ko siya kay Nadia. Asawa ang inagaw sa akin. Asawa rin ang babawiin ko.
*****
"Saan ka galing?" nakataas ang kilay na tanong ni Sabbey sa akin.
"What? Sa labas," sabi ko at pumasok sa kwarto ko.
"Galing ka sa South ridge?" tanong niya. Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Ano bang masama? Binisita ko si Eron—"
"Andito si Eron, so sino ang binisita mo doon?" tanong na naman niya.
"Pwede ba, Sabbey. Huwag mo kong pag-isipan ng ganiyan." Humiga ako sa kama ko habang nakapamewang pa rin si Sab sa harap ko.
"Umamin ka nga, anong binabalak mo?" tanong ni Sab sa akin.
Napataas naman ang kilay ko. Paano naman niya nalaman ang bagay na yon?
"Tell me! Anong binabalak mo?" tanong na naman niya.
"Wala. Ano bang nangyayari sayo, Sab?" pag-de-deny ko. Ayokong makialam pa siya doon.
"Nako, Erin! Alam kong may pinaplano ka! Tigilan mo na yan! Di yan nakakatulong sayo..."
Bago siya lumabas ng kwarto ko.
Hindi naman ako papayag na hindi ko magawa ang plano ko. Hindi ako papayag na ganon-ganon lang iyon.
"Hoy babaita!" Napatingin naman ako sa sumigaw na bagong pasok sa kwarto ko.
"Last week pa ako natawag sayo ah? Hindi mo sinasagot ang mga calls ko!" sigaw ni Dash.
"Busy ako, Dash. Ang daming gawain sa starry—"
"O siya! Yung contract mo, anong gagawin mo don? Balak mo bang ipaamag yon sa office ko?"
"Hindi na ko pipirma ng kontrata..."
Nakita ko ang paglaki ng mata ni Dash sa akin.
"ANO?! NAHIHIBANG KA NA BA?!" sigaw niya sa akin.
"Im serious, Dash. Di na ko pipirma ng kontrata," seryosong sabi ko.
"Nababaliw ka na ba talaga, Xcyl?! Hindi pwede! Ano na lang ang sasabihin ni Harrison Ford?!" sigaw niya pa.
"Eh sabihin mo nagbago isip ko. Ayoko na. Hihinto ako sa showbiz."
"ANG TAGAL KA NILANG HININTAY! ANO BANG NANGYAYARI SAYO HA?!" sigaw niya ulit sa akin.
"Wala, ayoko na. Aalis ako sa showbiz," walang ganang sagot ko. Bago ako uminom ng juice na nasa lamesa.
"Yung totoo? Buntis ka ba?"
Halos maibuga ko ang laman ng bibig ko sa sinabi niya.
"Ano? Buntis ka nga ba? Sino ang ama?"sunod-sunod na tanong niya.
"Buntis ka?!" mas lalong lumakas ang sigaw ng pumasok si Sab sa kwarto ko.
"Alam niyo? Mas malala pa kayo kay Nadia. Try niyo magpatingin minsan. Anong buntis kayo diyan?" Tinatayan ko silang dalawa. Anong pumasok sa kokote ng mga to at naisipan na buntis ako?
"Eh kung hindi, ano ang dahilan?" tanong niya sa akin.
"Like I said. Napapagod na ko. Hindi ko kayang i-handle ang lahat," pagdadahilan ko.
Ang totoo, hindi ako makakakilos hanggat nasa showbiz ako. Hindi ko magagawa ang plano ko kay Syd.
"Tigilan mo ko, Erin! Sinasabi ko na nga ba may plano ka!"
Hindi na ko umimik pa. Magulo tong dalawang to. Lalo na ngayon at nagsama pa silang dalawa.
"Don't tell me, gagamitin mo si Jariah? Para mapalapit kay Syd?" nagkatingin silang dalawa sa sinabi ni Dash.
"O-my-gash! Are you insane?! Bakit pati ang bata gagamitin mo?!"
"Kailangan kong gawin to para makuha ko si Syd."
Alam ko namang hindi sila sang-ayon sa gusto ko mangyari. Pero buo na ang desisyon ko. Si Jariah ang daan para magkalapit kami ni Syd. Para makaganti ako sa kanila.