Kinakabahang napatayo ako at nagtama ang mata namin ni Daddy. Madilim ang mukha nito habang papalapit sa direksyon namin. Nakita ko rin si Mommy na seryoso ang mukha at si Alfred. May kasama din silang tatlong lalaki na nakasuot ng magkakaparehong puting polo. Naramdaman ko ang paghawak ni Lance nang mahigpit sa kamay ko na 'di ko namalayang nakatayo na rin pala sa tabi ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko hanggang sa tuluyang makalapit ang mga ito. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Dad nang bumaling ang atensyon niya kay Lance. "Del Mundo?" salubong ang mga kilay na bigkas nito at bumaling sa akin. "Anong ibig sabihin nito? Bakit magkasama kayo?" Lahat sila salitan kaming dalawa na tiningnan. Hindi siya agad nakasagot at ganoon din ako dahil parang may malaking bikig na nakabara sa l

