Nagising ako at agad kong naramdaman ang matinding pagkirot ng ulo ko. "Babe..." narinig kong sambit ng isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong nagmulat. May naaninag akong bulto ng tao hanggang sa unti-unting luminaw at nasilayan ko ang mukha nito. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Bahagya akong nagulat. Lance? Nananaginip lang ba ako? May tinatanong siya pero hindi ko na naintindihan dahil agad nag-init ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon. "Sandali lang. Tatawag ako ng doktor." May pinindot ito sa gilid at may kinausap sa intercom. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako sigurado kung nasa hotel ako o hospital dahil sa itsura ng silid. Pilit kong inaalala ang mga nangyari at kung bakit ako napunta rito. Nakaramdam ako muli ng takot nang

