Nahigit ko ang hininga nang bumungad sa amin ang asul na dagat at puting buhangin. Ang tagal na ng huling bakasyon ko. Parang ang sarap-sarap na maligo at magtatakbo ro'n. Mainit kaming sinalubong at binati ng mga staff ng resort at sinuotan kami ng kwintas na gawa sa bulaklak. Nakangiti kaming nagpasalamat sa mga ito at iginiya kami sa kwartong tutuluyan namin ng dalawang araw. Namangha ako sa ganda. It's a luxurious seaview suite. May queen-sized bed sa gitna at spacious living area with sofa bed. Nilapitan ko ang glass wall palabas sa balcony kung saan may maliit na pool. Matatanaw rin sa 'di kalayuan ang malawak na dagat. "Did you like it?" tanong ni Lance na hindi ko namalayang nasa likuran ko na. Nakangiti at nakahawak ang mga kamay nito sa tagiliran. Mabilis akong lumapit at yun

