Tatawagan sana ni Izrael si Paola pagkatapos niyang panoorin ang viral video dahil sa mas concern siya rito ngunit hindi ito sinasagot. *** Paola PoV Hinablot ni Rainer ang aking kamay at hinila niya ako papasok sa kotse niya. Pagkaloob namin ay binalot kami ng katahimikin ngunit biglang nag-ring ang cell phone ko. Pagkatingin ko nito ay si Izrael ang tumatawag kaya't di ko pinansin dahil isa pa siya sa nagpapadagdag ng aking problema. Oops, I did it again! I played with your heart. Got lost in the game! Oh baby, baby . . . "Sagutin mo iyan, Paola, dahil allergic ako sa mga kanta ni Christina Aguilera!" naiinis na sinabi ni Rainer. Buti naman at nagsalita na siya. "Hindi kanta ni Christina Aguilera iyang nasa ringtone ko, tanga! Si Ariana Grande!" "Talaga? Akala ko kasi, kay Chri

