Pagpasok ko ng kwarto ko, nilapag ko gamit ko sa sahig at nahiga sa kama. Ang saya ng araw ko. Yung dating crush ko ngayon crush din ako. Tumingin ako sa salamin sa gilid ng kama ko at tinignan sarili ko.
Ang haba ng buhok ko, maganda naman korte ng mata ko. Di naman ako pango, kissable lips ko. May konting pimples dahil sa puyat at pagod pero di naman halata. Akalain mo yun, merong nagkakagusto sa ganitong itsura.
Napansin ko namang may tumatawag saken. Si Dom, sinagot ko naman kaagad.
"Hello?" Sabi ko.
"Anjo"
"Oh Dom?"
"Kanina pa kita tinatawagan ha? Galit ka ba saken?"
"Ay sorry, wala atang signal kanina."
"Ganun ba? Hmmm. Galit ka ba saken?"
"Huh? Bakit naman ako magagalit sayo"
"Kasi di ko sinabing may anak na ako"
"Hindi naman ako galit eh, parang wala lang din saken. Di ka naman nanliligaw or what, casual lang naman yung atin, s*x lang" sabi ko sakanya.
Bigla naman siyang natahimik.
"Oo nga, s*x lang pala tayo" sabi niya pa. Pero iba yung tono ng boses niya parang malungkot.
"Hmm, magkita naman tayo bukas." Sabi niya.
"May pasok eh, tapos..."
"Ehhh suspended daw yung pasok bukas ha?"
Medyo natuwa naman ako sa binalita niya.
"Kakabalita lang kanina sa TV" sabi niya.
"Nice, hmmm. Sige okay lang"
"Goood. Gusto mo dito samen?"
"Ehhh saan ba pwede?"
"Wala, dito lang samen hehe"
"Ahhhh"
"So bukas? Sunduin kita diyan o pupunta ka na lang dito??"
"Hmm. Ako na lang pupunta"
"Ah sige. Goodnight Anjo"
"Sige, Goodnight Dom"
"I miss you" sabi pa niya sabay baba ng tawag. Di ko na lang muna pinansin yun at kinuha ko mga gamit ko sa sahig.
Habang nagliligpit ng gamit, may napansin akong kakaibang envelope. Shtt! Inuutos pala ni tita saken to! Di ko pa nabibigay.
"Yari ako" sabi ko sa isip ko.
Pupuntahan ko sana si tita ngayon pero mukhang di pa niya napapansin na di ko pa nabibigay yung sulat. Bukas ko na lang dadalhin.
Maya maya tumawag si Teejay saken. Napangiti naman ako kaagad at sinagot ko.
"Nasa bahay na ako Anjo" sabi niya.
"Good good. Matulog ka na"
"Hala mamaya na, gusto ko pa marinig boses mo hehe. Kanina lang katabi kita sa kamang to huhu" natawa ako sa huhu niya.
"Haha adik to"
"Haha, gusto mo na ba magpahinga? Wala na naman pasok bukas oh. Gusto mo dito uli tayo???"
"Ayy, may pupuntahan ako eh" sabi ko naman.
"Sa ibang manliligaw naman??"
"Hmmmm."
"Hayst. Sige okay lang hehe. Aalalahanin ko na lang yung mga panahong magkasama tayo dito samen,"
"Haha ano kaya yun."
"Joke lang hehe, gutom ka ba??"
"Hindi naman, ikaw?"
Bigla namang narinig ko yung pagtawa niya
"Oh bakit ka natatawa?" Tanong ko sakanya.
"Wala, kinikilig ako. Tinanong mo kasi kung gutom ako eh" di ko alam pero napangiti niya rin ako nung sinabi niya yun.
"Ewan ko sayo, tara na't matulog at may inuutos din si tita saken" sabi ko.
"Huhu. Sige Anjowings, Goodnight"
"Hehe Goodnight Teejay"
Binaba ko na yung tawag at naglinis ng katawan para matulog.
.
.
.
.
.
Makulimlim lang pero hindi na umuulan. Ang sarap ng pagsuspend ng klase. Nasa Binondo Manila ako ngayon para ihatid yung sulat na inuutos ni Tita.
Pagdating ko sa address na yun, ang laki ng bahay. Kulay white at ang laki ng gate. May garden din akong nakikita sa loob, big time pala to.
Nag doorbell na ako at maya maya pinagbuksan ako ng isang babaeng maganda, sexy at halos ka edad ko lang ata.
"Uhm, Yes?" Tanong ng babae.
"Ahhh, inutusan kasi ako ng tita magpadala ng sulat dito?"
"At sino naman tita mo?" Ang ganda niya. At mukhang mabait. Nakangiti kasi siya saken.
"Uhm, Tita Maggy... Margaret,"
"Ohhh, Late na yang sulat mo ha. Lagot ka" bigla naman siyang nagsalita sa hawak niyang maliit na mic sa bulsa.
"Halika Anjo, Sir Drew is waiting" sabi niya pa.
Pagpasok ko, ang ganda nga. Ang daming bulaklak na white at glass house pa. May napansin din akong aso sa labas, hindi naman ako tinatahulan.
Pagpasok ko pa mismo sa loob, nakakamangha. Parang nahulog na mansion galing langit. Sobrang puti sa loob at konti lang gamit, pero sosyalin pa rin tignan.
"Uhm, akyat ka. Nasa unang kwarto sa kaliwa" sabi nung babae.
"Ahh salamat"
"I'm Jessica by the way, Goodluck!" Sabi niya saken sabay kindat.
Napansin ko ring may mga babae sa paligid, at nakaupo. May kausap sa phone, at mukhang busy lahat. Isang napansin ko, lahat sila maganda at walang patapon.
Umakyat ako at nakita kong bukas yung kwarto. Kumatok muna ako pero walang sumasagot. Kumatok ako ng malakas pero wala pa rin, kaya sumilip na ako sa loob.
Ang ganda ng kwarto, ang laki. Ang laki ng kama. Sobrang puti pa, tapos simple lang yung mga gamit pero talagang ang sosyaling ng dating.
Nagulat naman ako sa nakita ko. May isang lalaking sobrang gwapo na nag ttread mill. Mestiso pa at sobrang pawisan. Naka boxer shorts lang siya at ayun lang suot. Di ko naman maiwasang mapatingin sa bukol niya, at malaki nga to. Ang ganda ng matawan.
"Fvck, who are you!!" Tinigilan niya yung pag ttreadmill at lumapit saken. Fvck, Chinito siya at matangos yung ilong, mapula yung pisngi niya at yung mga labi, mapapakagat labi ka sa sarap.
"Ahhh eh, sabi po ni Ms. Jessica kayo daw po tatanggap nung letter?"
"Oh s**t, pwede ka kumatok you know" medyo sulplado nga lang pero fvck, amoy pawis siya pero nakakalibog.
Inabot ko yung sulat na binigay ni Tita sakanya at binuksan niya.
"Seriously? Bakit ngayon lang to?" Ang hot din ng boses, fvck.
"Ahh sorry po, di ko po napansin, busy sa school..."
"I'm busy too you know, this invitation is due on saturday. And it's thursday, how am I suppose to get ready for this."
"I'm really sorry" sabi ko naman.
"You know, just, go!" Sabi pa niya. Suplado pero sa takot ko, umalis na rin ako kaagad.
"Hey, hey, wait wait!" Tawag niya saken. Bumalik ako sa kwarto niya.
"What's your name?" Tanong niya.
"I'm Anjo sir."
"Oh, Anjo since this is your fault, ikaw ang bumili ng damit na isusuot ko" utos niya.
"Po??"
"Oh s**t, looking at you, you don't have a sense of style" sabi pa niya. Medyo nainis ako sa sinabi niya pero kinimkim ko na lang.
Bigla siyang nagsalita sa maliit din na mic na katulad nung kay Jessica.
"What's my appointment for today?" Tanong nung lalaki.
"Cancel mo lahat."
"Yes, Jessica. Lahat."
"Okay, then ready the car. Aalis kami ni Anjo in an hour"
Napatingin ako sakanya at bumalik siya sa pag ttread mill.
"Uhm sir, aalis na po ba ako?" Tanong ko.
"No, sasamahan mo ko bumili. I just. Need. To. Finish. My. Daily. Exercise" sabi niya pa
"But I have something to do"
"I just cancelled all my appointment for this. You know, I'm such a busy man. Kung maaga mong binigay yung sulat edi sana walang ganito" patuloy lang siya sa pagtakbo. Naiinis na ako sa kanya.
"Don't stand there, sit everywhere you wanna sit. Feel at home," bigla naman siyang naging mabait.
Umupo lang ako sa upuan na malapit sa maliit na table sa gilid ng kama niya. Nakatalikod siya saken habang nagttreadmill. Kahit likod sakanya ang ganda pagmasdan.
"Don't tell me you're gay?" Bigla niyang tanong.
"Po????" Gulat kong sabi.
"The way you look at me, haha. Gay these days"
"Sir, aalis na lang po. Thank you" tumayo na ako at palabas ng kwarto pero hinatak niya ako. Ang lakas niya. Sinara niya yung pinto at sinandal niya ako dun.
Nilagay niya yung dalawang kamay niya sa dingding at magkaharap kaming dalawa. Mas napapansin ko kung gaano siya kagwapo, ang mestisuhin niya at yung pagka chinito niya, fvck, nakakagigil
"One move and you'll see the worst version of me, trust me Anjo. Kung alam mo lang kung gaano ako naiirita ngayon. It's the least you can do" harapan niyang sinabi. Bakit ang bango rin ng hininga niya at ang sarap.
Umoo na lang ako sakanya. Ano pa magagawa ko,
"Good. Just wait for me okay? Play games on my tab. Cancel your appointment, I just cancelled mine" umalis na uli siya at bumalik sa treadmill. Nakahinga naman na ako ng maluwag nung umalis siya.
Umupo na uli ako sa upuan at kunwaring nagtetext or may ginagawa sa phone. Naiilang na ako tumingin sakanya, may salamin palang malaki sa harap niya.
Di ko naman namalayang nakatulog na ako sa pwesto kong yun. Ginigising na niya lang ako.
"Oh Anjo, tulo laway ka" sabi niya. Fvck, oo nga, nakanganga pa ako matulog at mukhang naiinis siya.
Pero nagulat ako sa itsura niya, ang classy niya pumorma. Naka white longsleeves lang siya na fit at slacks, at naka leather shoes. Ang gwapo niya tignan.
"Why are you looking at me like that?" Tanong niya.
"Ahhh akala ko lang kasi wala kang pasok, papasok ka ba?"
Bigla naman siyang tumawa ng malakas.
"Haha Anjo, you're funny. Aalis tayo, mamimili tayo ng damit ko" sabi niya.
"Ganyan suot mo? Ano pupuntahan natin? Meeting?"
Bigla naman siyang tumawa pa.
"Hahaha oh Anjo, kita naman kasi sayo na wala kang sense of style. Tara na"
Medyo naiirita na ako sakanya kaya umalis na kami sa kwarto niya. Ano ba naman kasi tong suot ko, short na black at tshirt na blue. Naka tsinelas lang ako.
"Katie, ready na ba yung sasakyan?" Tanong niya sa isang babae pagbaba namen.
"Yes sir"
"Good, siguro saglit lang kami mamimili, I want ribs for lunch okay?"
"Okay sir" ngumiti lang si Katie at umalis na kami.
Paglabas naman namen sa bahay, naka ready na yung sasakyan niya. Naka chevrolet siya na silver. May nagbukas samen ng pinto. lalaki, gwapo at malaki rin katawan.
"Goodmorning Sir, saan po tayo?" Tanong nung lalaki.
"Sa dati"
"Okay sir." Sumakay siya sa likod at pinapasakay niya rin ako sa likod.
Nagulat ako ng nagtinginan si Jessica at Katie saken. Nagbulungan pa sila bago ako sumakay.
"Comeon Anjo, Ang tagal mo!" Pumasok na ako at umupo sa tabi niya at umandar na yung sasakyan.
Tahimik lang sa loob ng sasakyan. Medyo awkward feeling ko, nagtetext lang siya. Sabi ni Jessica kanina, Drew pangalan niya.
Nakatingin lang ako sa dinadaanan namen. Medyo masakit lalamunan ko kaya umuubo ako ng papilit.
Tumitingin din ako kay Drew at busy siya sa cellphone niya.
"Stop staring" sabi niya saken bigla.
"Ahh sorry" sabi ko.
"Anjo, kaano ano mo si Margaret?" Tanong niya saken.
"Ahh, step mom ko po"
"Seriously? Nakakairita siya. Pakisabi sakanya hampaslupa niya ha?"
"Po?"
"Don't get me wrong. Alam mo yung mga taong didikit sayo kasi alam niyang may pera. Ayoko ng siya maghahatid ng letter saken simula ngayon, gusto ko ikaw na" sabi niya pa.
"Pero sir..."
"I'll pay you don't worry. And take this as a part time job. Diba working student ka. After ng school dumidiretso ka sa bar?"
Nagulat naman ako kung paano niya nalaman yung info ko.
"Paano niyo po nalaman...."
"Angelo John Galiardo, 19 yo. Uyyy malapit na birthday mo oh, Dec 28. Tourism student sa UST, consistend dean's lister...." binabasa niya sa phone niya lahat ng info ko.
"Sir!!!" Sigaw ko.
"I'm sorry. I didn't mean to invade your privacy. I'm hiring you so I think it's my right to know"
"Paano niyo po nalaman yan?"
"Connections" bulong niya sa tenga ko sabay sandal uli. Ang weird niya pero ang hot.
"Pero..."
"Please Anjo, sa lahat ng makulit, ikaw pinakamakulit. Just stop okay? Ayokong di ko nakukuha gusto ko so wag ka ng magsalita" sabi niya pa.
Sa sobrang inis ko, natahimik naman ako at sumandal na lang sa kotse ng nakakibit balikat. Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa pupuntahan namen.
Isa siyang boutique kung saan ang mga binebenta eh iba't ibang damit ng lalaki na pang porma at pang class.
"Oh, Goodmorning Sir. Drew!" Bati sakanya nung babae pagpasok namen sa Boutique.
"Oh Hi, I need a coat, uhm. Gusto ko naman iba, siguro alam mo na yun"
"Sure sure, Just wait sir" umalis yung babae at may isang babaeng lumapit samen at inabutan kami ng starbucks coffee.
"Ang sosyal naman dito" sabi ko sa sarili ko.
"Oh no, isang beses ko lang susuotin yung damit so I need a cheap place" sabi niya saken. Di ko alam narinig pala niya sinabi ko.
Medyo suplado at chismoso pala tong isang to.
"Anjo, minsan ba, naiisip mong magpalit ng style?" Tanong niya saken.
"Komportable po ako sa suot ko" diretso kong sagot.
"Right" tumingin lang siya saken na parang naiinis na ewan.
Dumating na yung damit na sinabi niya. Parang puti siya pero sa malapitan parang violet, ang ganda ng tela. Coat at slacks yun.
"Nice, what do you think Anjo?" Tanong niya saken.
Nakatingin lang ako sa coat kasi sobrang ganda talaga. Lumapit ako para hawakan yung tela at parang ngayon lang ako nakahawak ng ganito, napakaganda.
"Sobrang ganda" sabi ko.
"Seriously? Don't you think it's too simple??"
"Simple? Nakakainis naman to. Yang mga ganyang damit sinusuot pang kasal ehhh, napaka mo! Sobrang ganda kaya" sabi ko. Natawa naman siya sa sinabi ako.
"Haha Anjo, you're funny!"
"Parang alam mo yung silk na ginawa pang silk. Sobrang ganda talaga"
"Haha look at your face Anjo, you really look amazed"
"Ofcourse. Ang ganda talaga. Take it now!"
"Haha okay, I'll take it. How much is this?" Tanong niya.
"Good choice sir, 9,800 pesos sir. Kasama na yung belt and tie"
"Ahh nice, okay" nagulat ako sa presyo. Napakamahal.
"Haha nagulat ka sa presyo no? Ang mura." Sabi niya.
"Mura?! Mura 9800?! Ano yun, makakapunta na akong Boracay nun mag isa jusko. 9800 para sa damit?"
"Easy."
"Hay, di ko maiintindihan yang ganyan. Pera mo naman yan ehhh so bahala ka haha"
"Exactly my point"
Lumapit na uli yung babae at mukhang nabili na talaga. Nakalagay sa paperbag at inabot kay Drew.
"Thankyou" sabi niya at umalis na kami kaagad.
Nasa loob na kami ng sasakyan at nag cellphone na naman siya.
"Wow, matalino ka no? Ang tataas ng grades mo" sabi niya pa.
"Sir, di ko pa nga tinatanggap yung work, alam niyo na lahat ng info ko"
"No, yes lang ang sagot mo so technically tinaggap mo na yung work."
"Sir..."
"Jerome, please pakiexplain kay Anjo yung pinakaayaw ko sa lahat" sabi ni Drew sa driver.
"Yes Sir, uhm Anjo, pinaka ayaw ni Sir eh di nakukuha gusto niya. Pag sinabi niya, sige lang. Hindi naman niya tayo ipapahamak" sabi ni Jerome.
"Thankyou Jerome. And I know that you need money. So, work for me. Easy lang naman to, you'll deliver every invitations that I'm suppose to attend to, then I'll pay you."
"Si tita..,"
"Jerome, tawagan mo si Jessica at sabihin sisantihin na yung stepmom niya." Sabi pa niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bago pa ako makapagsalita, napansin kong may tumatawag saken, si Dom.
"Go ahead." Sabi ni Drew nung nakita niyang may tumatawag saken. Sinagot ko naman kaagad.
"Anjo nasaan ka na? Nagluto pa naman ako" sabi ni Dom.
"Sorry, may inutos kasi si tita saken. Papunta na rin ako" sabi ko pa.
"Ahhh sige, hehe. Dalian mo ah. Miss na kita" sabi ni Dom.
"Hehe sige. Bye" sabi ko.
"Hmmm, teenage love affair?" Tanong ni Drew saken.
"Ahhh no."
"Then ano?"
"Bakit di niyo po tignan diyan sa cellphone niyo" sabi ko sakanya at ngumiti. Nang asar lang ako at mukhang naasar naman siya.
Medyo tumahimik na kami sa sasakyan hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
Pagbaba ko agad, nagpaalam na ako.
"Alis na po ako" sabi ko.
"Okay" yun lang sagot ni Drew at pumasok na siya sa bahay niya. Naiwan lang akong nakatayo. Suplado nga siya. Lumabas na rin ako ng gate at ngumiti lang si Jessica saken. Pumunta na ako kina Dom.
.
.
.
.
Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng anak niyang si Jenny.
"Hi tito Anjo" bati niya saken.
"Oh diba kilala ka na niya" si Dom naman yun na palapit saken. Niyakap niya ako pagpasok ko ng dorm niya.
"Saan ka ba galing?" Tanong niya saken.
"May sinamahan lang ako. Nakakainis nga eh"
"Ganun ba? Kumain ka na ba??"
"Hindi pa nga ehh"
"Good. Di pa rin kami kumakain ni Jenny hehe" hinawakan naman ni Jenny yung kamay ko at pumunta kami sa lamesa. Ang sweet na bata.
Nagluto si Dom ng spaghetti at may wine.
"Oh bakit parang may celebration??" Tanong ko sakanya.
"Haha wala, lunch lang to." Kumuha ng pagkain si Jenny at sa kama siya kumain. Nanunuod kasi siya ng TV.
"I wanna talk to you Anjo" sabi niya.
"Sige, sabihin mo na"
"Ayokong tapusin yung kung anong meron tayo. Di ko sinabi about kay Jenny kasi baka tumigil tayo"
"Pero Dom..."
"Anjo, wala lang sa mood si Bianca pero mabait yun. Okay lang sakanya about saten"
Di naman ako nakareact nung sinabi niyang about samen.
"Di ko alam Dom eh."
"Pwede naman tayo maging friends, no s*x. Basta wag ka lang lalayo" sabi niya pa.
Di ko talaga alam kung anong meron saken at bakit ganito sila saken.
"Siguro nga we can be friends hehe" sabi ko.
Ngumiti naman siya saken at hinawakan ako sa kamay.
"Good. Sobrang gaan na ng pakiramdam ko" sabi niya pa. Ngumiti lang ako sakanya at pinagpatuloy na namen yung pagkain.
"Uhmmm, sino pala si Ralph?" Tanong ko sakanya.
"Ahh si Ralph, wala. Parang tayo, s*x lang din."
"Ahhh eh nasaan na siya??"
"Nag ibang bansa na eh"
"Ahhh okay okay"
Ngumiti lang uli siya saken. "Friends ha?" Sabi niya
"Oo, friends" sagot ko sakanya.
.
.
.
.
.
Di na ako nagpahatid sakanya. Umuwi na ako mag isa, 5 palang naman kasi yun ng hapon.
"Anjo, may padala sayo diyan ha?" Si Kurt yun. Nakasalubong ko sa labas ng bahay. Mukhang may binili lang, nakasando siya at boxer shorts. Mas lumalaki talaga katawan ni Kurt ngayon.
"Saken??"
"Oo, ikaw lang naman Anjo dito eh" sabi niya pa.
Tinignan ko naman yung tinutukoy niya sa loob at may malaking box sa lamesa na puti at naka ribbon din na puti. Si Kurt lang ata yung tao kasi kung nandito si Kim at tita siguradong pinakialamanan na to.
May letter sa labas at binasa ko.
"Thank you sa pagsama saken. Isa pang favor, ikaw sumama saken sa party ko this saturday. Wear this.
-D"
Tinignan ko naman yung laman ng kahon at natulala ako sa ganda. Eto yung damit na binili niya kanina, etong eto at parehas ng size. Sa loob pa ng box, may isa pang note.
"P.S. alam mong ayaw ko na di ko nakukuha gusto ko"
Di lang ako makapaniwala na binili niya yung suit na 9800 pesos para saken.