Part 8

3082 Words
Sinabihan ako ni Teejay ng cute. Pero parang wala lang sakanya, paulit ulit pa rin niyang jinojoke yung Anjowings of love saken. Natahimik lang kami nung nag quiz na kami. Medyo strict yung prof kaya mahirap makakopya. Di ako makapagfocus, buti na lang alam ko lahat ng sagot kaya sinagutan ko lahat at pinasa ko na. Lumabas na ako ng room at tumambay sa labas. Kinikilig pa rin ako sa sinabi ni Teejay. Nakangiti ako paglabas ng room at inaalala ko yung itsura niya habang sinabi niyang cute ako. Parang mamamatay ako sa kilig. Maya maya pa, lumabas na rin yung iba kong mga kaklase, kasama na si Teejay. "Ang bilis mo naman natapos, haha. Di mo ko pinakopya." Parang napakacasual lang niya, parang di siya aware na eto ako nababaliw sa sinabi niya pero siya wala lang. "Hehe, kaya mo naman yan eh. Ikaw pa, minsan nga ikaw pa highest sa mga exams" sabi ko naman. Di pa rin ako mapakali sakanya. Ang gwapo niya kasi. "Sus, chamba lang lahat yun hehe." Lumabas na rin ng room si Marco. Kasama yung mga tropa ni Teejay. "Sige na Anjo, alis na kami ha? Hehe. Text mo ko ah?" Bulong niya saken at sumama na siya kina David at Rick. Napapansin kong medyo nakikipagbiruan na rin siya sa mga tropa niya. "Ahh ehhh sige sige" sagot ko na lang. Lumapit saken si Marco. "May pag bulong BB?"tanong niya saken. "Ehh, siya kasi ehhhh" "Nako BB, mukhang bumibigay na sayo si Teejay ahh?" "Di ko pa nga sure kung siya talaga yung nasa grindr eh. Mamaya, nagkataon lang na nandun siya. Ayokong umasa, masakit. Hahaa" "Landi mo BB haha!" At umalis na kaming dalawa ni Marco. Pagkatapos ng last subject namen, pumunta na muna ako sa library para matulog. . . . . . Sumilip ako sa baba at tinignan ko kung ready na yung mga handa ko. 8th Birthday ko kasi ngayon, siguradong maraming handa sa baba, naririnig ko kasi yung mga malalakas na bulungan nila kasi iniiwasan nilang magising ako. Nakita ko si papa na nag aayos ng mga regalo. Grabe, sobrang dami. Nagtatago lang ako sa taas at tuwang tuwa ako sa mga nakikita ko. Napansin ko namang paakyat si papa kaya dali dali akong bumalik sa kwarto ko at nagkunwaring tulog. Narinig kong bumukas yung pinto ng dahan dahan at nasilip kong papalapit si papa saken sa kama. "Anjo anak, gising na." Dahan dahan kong binukas yung mga mata ko. "Happy Birthday anak!" Bati saken ni papa at bumangon ako at niyakap ko siya. "Salamat papa!" "Bangon na't maligo. Ready na yung mga handa sa baba!" Sabi pa ni dad. Excited lang naman ako magbukas ng mga regalo pero hindi ako excited sa party. Wala naman kasing batang bisita, puro kamag anak lang namen na matatanda. Nakakatamad. Minsan, mas gusto ko na lang din maging mahirap pala nakakapaglaro ako sa labas eh. "Sige papa" sagot ko na lang at bumaba na siya uli. Bumangon naman ako para mag asikaso na rin. Pagkatapos ko maligo, sinuot ko yung bago kong damit na binili namen ni papa sa mall. Napatingin tuloy ako sa picture ni mama sa table, bata pa lang daw ako namatay na si mama. Di ko siya nakita man lang kaya di ko alam yung feeling ng may nanay. Bumaba na ako at ang dami ngang handa at regalong naglalakihan. Nagsimula silang magkantahan ng Happy Birthday pag baba ko. Lumapit naman si papa saken at may dalang cake. Pagkatapos nilang kumanta pumikit ako at nag wish at inisip ko na sana magkaroon na ako ng totoong kaibigan ko na makakaintindi saken, minulat ko mga mata ko at nag blow ng candle. Nagpalakpakan sila at natutuwa ako. Pero mas natuwa ako nung sa pagdilat ko, may nakita akong batang lalaki sa bandang kusina na nakatayo at kumakain ng chocolate. Pagkatapos naman nila ako kantahan, balik na sila sa dati nilang ginagawa. Kumakain at umiinom pero lumapit ako dun sa batang lalaki. "Hello" bati ko sakanya. Nagulat naman siya pero nag hello din siya saken. "Anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya. "Hi, ako pala si Maria. Marco kasi pangalan ko eh, nakakaasar. Lalaking lalaki." Sabi niya habang kumakain ng chocolate. "Ha?? Bakla ka?" Tanong ko. Napapanuod ko na rin sa tv kung ano yung bakla pero ngayon lang ako nakarinig ng batang bakla. "Haha ofcourse. Okay ng habang bata palang, may investment na sa pagiging bakla." Paliwanag pa niya. "Nakakatuwa kang kausap hehe" sabi ko naman. "Haha syempre naman. Ano nga pala pangalan mo?" Tanong niya saken. "Ako pala si Anjo." At nagkamayan kaming dalawa. "Ikaw pala yung anak ni Tito John no? Nako, yung daddy mo at mommy ko friends sila nung high school. Ayun lang alam ko, sabi ko naman ayoko sumama kasi nakakaboring pero napilit ako ni mudang." Sabi niya pa. Kada buka ng bibig niya, sobrang natatawa talaga ako sakanya. "Gorabels tayo sa labas? Tara!" Yaya niya saken. "Ay di kasi ako pwedeng lumabas ng bahay eh" "Ay! May ganun? Strict daddy?" "Medyo ganun nga." "Ay sayang naman. Sige, dito na lang tayo!" Bago pa ako makasagot, lumapit naman si papa saken. "Ohh anak, na meet mo na pala si Marco, anak ni Tita Jean mo" sabi ni papa. "Hello tito" nag iba yung tono ni Marco at naging lalaki. "Hello Marco" "Tito pwede po ba kami lumabas ng bahay? Maglalaro lang kami" paalam naman ni Marco. "Ayy hindi kasi lumalabas ng bahay si Anjo eh." "Gusto daw po niya lumabas ng bahay sabi niya saken" Tumingin si papa saken at parang sinasabi ko sakanya na gusto ko rin lumabas ng bahay. "Birthday mo naman anak eh, sige mag enjoy ka pero wag na kayo masyadong lumayo ah?" Sabi ni papa. Tuwang tuwa naman ako kasi first time akong pinayagan ni papa na lumabas. Malaki kasi yung bahay namen tapos mataas yung gate. May guard din na bantay kaya di talaga ako makakatakas. Buhay ko lang eh paglalaro ng brick game at ng PS1. "Nako, free at last!!" Sabi ni Marco paglabas namen. Maraming naglalarong bata sa kalsada. Mukhang nag eenjoy sila kaya di ko napapansing nakangiti ako habang pinapanuod sila. "Bata, bata, sali ka?" Sabi nung isang bata paglapit saken. Kasing edad ko rin siya. "Ahh hindi ako marunong maglaro eh" "Ha? Bakit naman hindi?" Tanong niya. Napansin ko naman si Marco na nakikipaglaro na sa iba. Nakatayo lang kasi ako at pinapanuod sila. "Hindi kasi ako lumalabas ng bahay eh" "Ahh ikaw siguro yung nakatira diyan sa malaking bahay no?" Tanong niya. Nakakatuwa siyang tignan kasi mukhang friendly siya at mabait. Moreno siya at itim kulay ng mga mata. Medyo matangos din ilong niya at mapula mga labi. "Barakuda ano ba?sasali ka pa ba?" Tawag sakanya ng kalaro niya. "Sasali ka ba?" Tanong niya saken. "Hindi ako marunong eh, manunuod na lang ako" sabi ko naman. "Sige, pagod nako hindi na ako sasama" sigaw naman niya sa mga kalaro niya. Sumali si Marco sakanila at naglaro na sila. Kami naman ni Barakuda eh umupo sa tapat ng bahay namen. "Bakit hindi kita nakikitang lumalabas ng bahay?" Tanong niya saken. "Di kasi ako pwede eh. Uso raw kasi kidnappan ng bata kaya iniiwasan ni papa na lumabas ako" "Ahhh sabagay, mayaman kayo. Mag ingat ka talaga hehe" sabi pa niya. "Barakuda talaga pangalan mo?" Tanong ko sakanya. "Ha? Hahahha ang bantot naman kung yun pangalan ko diba? Hindi ah. Palayaw ko lang yun." Sabi naman niya. "Ahhh e ano itatawag ko sayo?" "Tawagin mo na lang akong Juan." "Ah, ako naman si Anjo" pakilala ko. At nagkamayan kaming dalawa. Simula nung araw na yun, naging magkaibigan na kami ni Juan. Pagkauwi ko galing klase, mag rerequest ako sa guard na tatambay lang sa tapat ng bahay. Papayag naman sila kasi babantayan nila ako. Kilala rin nila si Juan. Tinuruan ako ni Juan kung paano maglaro. Ang bata bata ko raw kasi tapos di ako marunong maglaro. Tinuruan niya ako magtaya tayaan, tagu taguan, turumpo, patintero, at kung ano ano pang larong pang lansangan. Kailangan lang namen matapos maglaro bago mag 5PM kasi alam nameng pauwi na si papa nun at baka magalit pag nalamang nasa labas ako ng bahay. Dumadalaw din si Marco sa bahay simula nung pumunta siya nung birthday ko. Nag iba talaga buhay ko matapos kong hilingin na sana magkaroon ako ng totoong kaibigan nung kaarawan ko. Minsan, kapag may dumadaang binatog sa tapat, bumibili kami. Sakanya ako natutong kumain ng street foods. Minsan, nililibre ko siya, minsan naman siya. Kasabwat na namen yung guards kaya kami nakakapuslit na dalawa. Sabay din kaming nag aaral sa hapon. Ang hilig niyang ilagay yung lapis niya sa pagitan ng ilong at labi niya. Palagi pa niya pinapakita saken na nababalance niya yun. Ilang buwan din kaming nagkakalaro ni Juan. Masaya ako at parang iba nararamdaman ko pag kasama ko siya. Gusto ko kasi siya nakakasama at nakikita. Isang araw, naglalaro kaming dalawa sa tapat ng bahay namen ng may binigay siya sakeng kwintas. Yung pendant eh singsing na silver. "Oh, para saan naman to?" Tanong ko sakanya. "Aba syempre, para sa pinaka dabest kong kaibigan yan. Ingatan mo yan ha? Kasi mahalaga saken yang singsing na yan" sabi niya pa saken. "Ay ganun ba???? Salamat ah. Wait lang ah diyan ka lang, may kukunin lang ako sa bahay" umakyat naman ako kaagad sa kwarto ko at kinuha ko yung bracelet na bigay saken ni mama nun. Simple lang siya at alam kong mumurahin pero gusto ko ibigay sakanya. Bumaba agad ako at inabot ko sakanya. "Ayan, mahalaga rin saken yan kaya ingatan mo ah?" Sabi ko naman. "Uyyy salamat!" Sagot naman niya saken. "Friends for life ah?" "Friends for life" sagot ko sakanya. Lumipas uli yung ilang buwan at magpapasko na. May exchange gift kaming dalawa. Ang naisip kong ibigay sakanya eh Tsinelas at chess board. Ayun kasi yung gusto niya kaya bumili ako gamit sa baon ko. Dec 1 palang, nabili ko na siya at binalot ko sa kwarto ko. "Anak?" Katok ni papa sa kwarto. "Bakit po?" Tanong ko naman. "Alam mo naman, tradition saten ang magbakasyon sa US kapag pasko kasi hiling ng mommy mo yun eh." Sabi ni papa. "Opo pa, alam ko po" "Ayun nga anak, bale next week aalis na tayo kasi may ibabalita rin ako sayo. Surprise ba" "Wow talaga dad???" "Oo at talagang ikatutuwa mo to!" Sabi pa niya. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit. "Sige pa, excited na ako" sabi ko pa sakanya. Nakipagkita na ako kaagad kay Juan bago kami umalis ni papa. "Bakit naman napaaga yung alis niyo? Di ko pa nabibili yung gusto mong regalo" sabi pa niya. "Ehhh dito naman kami mag babagong taon eh, kaya bigay mo na lang saken nun" sabi ko pa "Ang daya, wala nakong makakalaro dito" "Haha, 3 weeks lang naman eh" "Sabagay. Pero America? Gusto ko rin pumunta riyan" sabi pa niya. "Kung pwede lang kita isama eh haha. Ilalagay kita sa bagahe ko" "Haha, kapag naging Engineer na ako ittreat kita pag punta sa America." "Haha, kapag naging flight steward naman ako, lilibre kita pabalik ng Pilipinas haha" sabi ko naman sakanya. Inabot ko sakanya yung regalo ko sakanya. "Sabay na lang natin to buksan kasama ng regalo ko sayo pag dating mo after 3 weeks ha?" Sabi niya pa. "Haha sige sige!" Sagot ko naman. After a week, umalis na kami ni papa papuntang America. May bahay din kami dun na malaki. Ang alam ko, kami lang ni papa. Lahat ng meron kami, dahil lang sa pagsusumikap niya. Pagpasok ko namen ng bahay, nagulat ako kasi may babae sa loob ng bahay namen at naglilinis. Bago siguro nameng maid. Pero iba yung tingin ni papa. Parang may iba. At tama nga ako, isang umaga, pumasok silang dalawa sa kwarto ko at magkahawak ng kamay. Sabi ni papa, magpapakasal daw sila at magkakaroon ako ng bagong mommy. Nung una, ayaw ko pumayag pero wala naman akong nagawa kasi naka set na yung kasal nila. Nagmaktol na lang ako sa kwarto ko at nag hintay na makauwi ng Pilipinas. Pero ang gusto ni papa, dun na kami tumira sa America. "Ayaw ko papa! Ayaw!!" "Anjo anak, para naman to sa ikabubuti mo" "Ayoko pa rin papa!! Paano mga kaibigan ko dun?!" "Wala ka namang kaibigan dun!" "Si Marco? Si Juan?" "Si Juan? Yung hampaslupang kalaro mo? Anak, ginagamit ka lang nun. Kaya kita hindi pinapalabas ng bahay natin kasi lahat ng tao dun, manggagamit!" Nagulat naman ako kung paano niya nakilala si Juan. "Pa, hindi ganun si Juan!" "Akala mo lang, magaling lang siya magpanggap. Tigilan mo na siya anak. Si Marco, kayang makapunta rito sa America. Sa ayaw at sa gusto mo, dito na tayo titira" bago pa ako makasagot, nag walk out na agad si papa. Lumipas na ang Pasko at Bagong taon. Di naman ako makapagsulat sakanya kasi di ko alam kung paano ipadadala. Dito na rin ako nagpatuloy ng pag aaral ko. Ilang linggo lang lumipas, nagpakasal na nga sila papa at yung akala kong maid namen. Di ko kilala mga bisita namen at wala akong balak kasi galit talaga ako kay papa. Nalaman ko rin na may anak na kambal yung babae ni papa sa Pilipinas kaya nagpasya sila na umuwi muna kami ng Pilipinas sa bakasyon. Syempre, excited ako kasi makikita ko na uli si Juan. Hinintay kong magsummer nun. Ilang buwan lang yung lumipas at umuwi kami ng Pilipinas. Nabalitaan ko na lang na wala na sila Juan sa dati nilang bahay at lumipat daw sa Cebu. Grabe yung galit ko nun kina papa at sa bwisit na maid na yun kaya naglayas ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ilang araw din ako hindi umuuwi samen at tanging kinakain ko lang e pagkain sa carinderia. Sa lansangan ako natutulog. Galit ako sakanila kasi wala na yung kaibigan ko. Kaisa isang kaibigan ko na kakampi at kasama ko. Wala na akong pera. Naubos na, isang linggo din akong naging palaboy, walang ligo at walang pakialam sa mundo. Naisipan ko munang pumunta sa bahay nila Marco, kasi sunod kay Juan, siya yung totoo kong kaibigan. "OMG Bb! Ang tagal ka ng hinahanap ng papa mo!!!" Yakap saken ni Marco. "Infairness Bb ang baho mo ah?" Sabi niya pa. Nakakapanibago yung tawag na BB pero hinayaan ko na lang siya. "Hehe sorry" "Ayy Bb, tumatawag yun dito samen araw araw. Hinahanap ka, saan ka ba nagpupunta?" "Ayoko na dun, nawala na gana ko." "Bakit? Dahil kay Juan? BB alam mo, bakla ako kaya alam ko rin kung sino mga tulad ko. Siguro di mo lang alam na ganito ka, pero kabelong kita" "Ha?!! Di ako bakla ha!" Inis kong sabi sakanya. "BB, yung tinginan mo kay Juan, kakaiba. Hindi lang basta kaibigan, ohh bakit ako? Magkaibigan naman tayo ah pero di ka nagagalit sa papa mo dahil di tayo nagkikita, nagagalit ka kasi di kayo nagkikita ni Juan" Napaisip ako nun. Siguro nga tama siya. Di ko lang tanggap. "BB, may iniwan pa lang sulat sayo si Juan" sabi pa ni Marco at may kinuha siyang sulat sa bag niya at inabot saken "Nandun kasi kami sainyo nung araw na paalis na sila Marco, pupunta silang Cebu, dun na daw maninirahan" Kinuha ko kaagad yung sulat at binuksan ko. "Anjo, Sorry ha? Di na ko nasabi sayo. Aalis na kasi kami dito at lilipat sa Cebu. Gusto ko lang sabihin sayo ng harapan pero mukhang di na kayo babalik pa galing America. Maraming Salamat sa pagkakaibigan ha? Sana makita pa kita sa susunod. Basta magiging flight steward ka tapos magiging engineer ako ha? Ikaw lang kasi talaga totoo kong kaibigan eh. Sana makita pa kita Anjo. Mamimiss kita ng sobra. - Juan" Di ko alam pero sa ikling sulat na yun, napaiyak ako. "Eto pa BB, pinabibigay niya." May inabot siya sakeng nakabalot na regalo, binuksan ko naman yun at nakita ko yung gustong gusto kong laruan na voltes five na robot. Alam ko mahal to eh, nakita ko sa tindahan ng laruan. "BB, ang korny ng regalo niya pero nakikita kong naiiyak ka" sabi ni Marco saken. Di ako makapagsalita, naiiyak talaga ako. Namimiss ko na naman si Juan. Dali dali namang lumapit samen yung mama ni Marco, mukhang kinakabahan. "Anjo!!! Andito ka!!" Nagulat ako sa mama ni Marco. "Tumawag samen yung step mom mo! Patay na daw papa mo! Halika hahatid kita sainyo!!" Hinatak niya ako agad pasakay ng sasakyan nila. Ang sikip naman ng dibdib ko. "Anjoooo. Anjooooo" tinatapik ako ni Marco pero parang wala ako sa sarili. "Anjooo!! Anjoooo!!" Lumakas yung pagtapik at bigla akong nagising. Nananaginip lang pala ako. "Anjooo. Anjooo, ang ingay ng alarm clock mo." Si Teejay yun, pagkatapos kasi ng last subject kanina pumunta ako sa Library para matulog. "Ohhh bakit ganyan itsura mo??? Nanaginip ka ba ng masama?" Tanong saken ni Teejay, nung nakita ko siya nawala yung takot ko, ang gwapo kasi ni Teejay. Nakatingin saken at talagang nag woworry. "Ahhh, wala napanaginipan ko lang si papa" sabi ko naman. "Okay ka lang? Gusto mo magpahangin muna sa labas? Ang lamig dito eh" sabi niya pa. Umoo lang ako at tumayo na kaming dalawa. Ang lamig din pala sa labas kasi umuulan. Ang lamig ng hangin. "Okay ka lang talaga? Parang ang tahimik mo kasi eh" sabi niya pa. "Ahhh, oo okay lang. Hehe." Tinignan niya lang ako at mukhang pinagaaralan expression ko. "Siguro miss mo na papa mo no? Sabi mo kasi napanaginipan mo siya eh. Sabi nila, kapag napapanaginipan mo yung isang tao, hinahanap hanap mo" sabi niya saken. Naisip ko si Juan. Si Juan talaga napanaginipan ko eh. "Kaya nga palagi kitang napapanaginipan eh" bigla niyang sinabi. Nawala agad sa isip ko yung panaginip ko at natuon na naman atensyon ko kay Teejay. "Ewan ko, palagi kitang napapanaginipan. Tapos parang gusto kitang kausap, ang weird ko ba? Kasi kung naweweirduhan ka lalayo na ako" sabi niya. Di naman ako makasagot na naman sa sinasabi niya. Una, yung ang cute ko tapos ngayon naman napapanaginipan niya ako, ano naman kaya susunod. "Aww siguro naweweirduhan ka saken haha. Sige, hatid na lang kita sa labas Anjowings of love." Inakbayan niya ako at naglabas ng payong at naglakad kami palabas ng school. Di ako makapagsalita. Kapag si Teejay talaga kausap ko, natatameme ako. "Uyy Anjowings, magsalita ka naman. Ang baho ko ba?" Tanong niya. Fvck, Teejay. Ang bango mo. Ang sarap ingudngod ng ilong ko sa katawan mo. "Ha? Hindi" sabi ko na lang. "Talaga? Amuyin mo nga leeg ko, mukhang mabaho ehh" utos niya. Ako naman si tanga tanga, sunod naman sa utos. Inamoy ko leeg niya, fvck ang bango bango niya. Ang sarap dilaan. Ang saraaaaaap, argh!!!! "Hindi, hindi" sagot ko naman. "Ahhh hmmm. Sige di na kita kukulitin Anjowings, baka may iniisip ka lang" sabi niya pa. Nasa labas na kami ng school. Wala pala akong dalang payong. "Sige na dalhin mo na payong ko, Soli mo na lang bukas" sabi niya pa. "Ahhh hindi sige, okay lang mabasa" "Magsasalita ka rin pala eh haha. Okay lang sayo mabasa ka, saken hindi. Sige na, may dala naman akong damit ehhh. Tsaka may pasok kapa diba? Baka magkasakit ka. Kailangan wala kang sakit. Ikaw din" sabi niya. Ang gwapo niya lalo pag nakangiti. Pumayag na lang din ako baka kasi isang patak lang ng ulan saken, magkasakit na ako. "Wala bang thank you diyan???" Nilapit niya yung tenga niya sa bibig ko. Natawa ako at sinabi kong. "Salamat" "Ayan ayan, hehe. Ingat ka Anjowings of love!" Tumakbo na siya at nagpabasa sa ulan. Ako naman, iniwan niyang kinikilig habang pinagmamasdan siyang tumakbo palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD