Hinayaan ko na silang dalawa para mag usap. Umalis na ako sa dorm ni Teejay pero umuulan sa labas. Nakakaasar, naiwan ko yung payong ni Teejay sa bahay.
"Anjo!!" Sigaw ni Teejay saken. Sumulong na ako kahit umuulan pero sumunod pa rin siya.
"Anjo!!" Hinawakan niya ako sa braso at hinatak sakanya. Niyakap niya ako ng mahigpit sa ilalim ng ulan. Di naman ako naiiyak, pero ang weird ng pakiramam ko. Parang masakit pero di ko alam kung saang part.
"Anjo, magsalita ka naman" sabi niya saken.
"Nababasa na ako, uuwi na ako Teejay"
"Anjo."
"Wala na Teejay, ayusin mo yung sainyo nung girlfriend mo."
"Wala na kami."
"Kaya nilalandi mo ko? Ano ba Teejay. Okay na ako nung hindi ka nagkaganyan eh. Sana ganun na lang tayo hanggang gumraduate, yung parang di magkakilala."
"Nakipagbreak ako sakanya dahil sayo!!"
Di naman ako nagsalita sa sinabi niya. Di ko alam kung umiiyak ako dahil sa ulan.
"Aalis na ako Teejay"
"Anjo,mag uusap tayo bukas ha??"
"Walang dapat pag usapan Teejay," tumalikod na ako at umalis. Di naman na siya sumunod. Ang gusto ko na lang makauwi at makapagpahinga, anong oras na kaya.
Maya maya pa, nakauwi na ako samen. Basang basa at tumutulo. Alam ko ng umiiyak ako dahil sa sipon na sinisinghot ko.
Dumiretso na ako sa kwarto ako at nagpunas muna ng katawan at mukha, humiga akong basang basa sa kama ko at dumapa.
Masakit pala mainlove.
.
.
.
.
Nagising akong masakit ulo ko at parang nahihilo. Pero pinilit kong pumasok, ayoko rin kasi dito sa bahay.
Pag dating ko sa classroom, umupo agad ako sa upuan ko at tumungo. Ang init din ng pakiramdam ko na parang magkakalagnat ako.
"BB, BB. Andiyan na si maam" tapik saken ni Marco.
"Hala bakla ka, ang init mo! May sakit ka BB" Sabi niya. May tumabi naman saken at napansin kong si Teejay yun, kahit masama pakiramdam ko, pinilit kong palayuin siya.
"Okay ka lang???" Hawak ni Teejay ako sa noo at leeg.
"Sht Anjo, ang taas ng lagnat mo. Bakit ka pa pumasok" sabi ni Teejay saken.
"Teejay please. Mas lalo mo akong pinapahirapan." Sabi ko naman.
"Anjo, samahan na kita sa clinic. Tara na,"
"Hindi, kaya ko to."
"Anjo..."
"Ano ba! Sinabi ng kaya ko to eh!" Sumigaw ako sa classroom at lahat sila napatingin saken. Tumayo ako nun kasi gusto kong pumunta sa clinic. Pero natumba ako sa sobrang hilo.
.
.
.
.
Nagising na lang ako na may tumatawah sa phone ko. Nasa clinic na pala ako at nakahiga sa kama. Sinagot ko yun kahit nahihilo ako.
"Hi Anjo!" Si Dom yun.
"Uhmm"
"Uyy ayos ka lang?" Tanong niya.
"Ahh medyo. Nasa clinic kasi ako ngayon mataas lagnat ko. Pero okay lang siguro"
"Sht, ano bang ginagawa mo??"
Pinilit kong bumangon pero ang sakit talaga ng ulo ko.
"Sorry Dom mamaya na lang ha? Masama talaga pakiramdam ko." Pinatay ko na yung phone ko at humiga uli. May lumapit naman na nurse saken, wow, nurse ba to o model? Ang gwapo kasi at ang tangkad.
"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong niya saken. Ang hot pa ng boses niya.
"Ahh nahihilo lang po"
"Siguro sa sobrang pagod mo or naulanan ka. Ano ba sa tingin mo?"
"I think yung naulanan po. Nakatulog kasi ako ng di nakakashower at basang basa ng ulan"
"Ahh, painumin muna kita ng gamot ha? And then magpahinga ka uli. If di pa rin bumaba lagnat mo, hindi ka namen palalabasin dito" ngumiti siya ay ang cute ng smile niya.
"Hehe, sige po" sagot ko naman. Uminom ako ng gamot na binigay niya at nahiga uli. Masama talaga pakiramdam ko.
Naalimpungatan na lang ako bigla. At pag mulat ng mata ko, nakita ko si Dom sa gilid at nakaupo. Hawak niya cellphone niya at mukhang naglalaro. Nakasuot lang siya ng plain white Tshirt at black pants at shoes.
"Uyy gising ka na!" Lumapit saken si Dom.
"Hala, ano ginagawa mo rito? 3 days bakasyon mo sa Batangas diba?"
"Eh umalis na ako, hayaan mo na mga tropa ko dun hehe"
"Bakit?? Sayang naman birthday celebration mo!"
"Ha? Eh ang saya ko nga nung cinelebrate natin Birthday ko together eh." Sabi niya pa.
Medyo natuwa naman ako sa sinabi niya.
"Tsaka may sakit ka, kailangan mong maalagaan. Tara dun ka na lang sa dorm ko, baka di ka palabasin dito tapos ilipat kapa sa ospital. Hehe" yaya niya.
Wala naman akong ibang mapuntahan pa kaya umoo na lang ako. Tinawag niya uli yung nurse na gwapo at lumapit saken.
"Okay ka na ba?" Tanong niya saken.
"Uh opo. Sa labas na lang po ako magpapahinga" sabi ko naman.
"Hmm. I see, o sige. Pero uminom ka pa rin ng gamot ha? At kumain ka ng marami. And magpahinga ka, you really need to rest" sabi niya.
"Yes Doc"
"Good, okay so siya ba sundo mo?" Tanong ni Doc reffering to Dom.
"Opo."
Bumangon na ako at naupo muna sa kama. Nahihilo pa ako ng konti pero pinilit ko na ring bumangon pa. Inalalayan ako ni Dom nun at nung nakatayo na ako, umakbay siya saken
Lumabas na kami ni Dom nun at nakita ko yung motor niya sa labas na naka park.
"Nako napakabarubal mo pa namang mag drive" sabi ko naman.
"Haha, I'll be gentle, I promise"
Nagsuot na kami ng helmet. Yumakap na ako sa likod niya agad pa lang at dinamdam yun. Ang init kasi kapag nakayakap ako sakanya. Ang sarap sa pakiramdam.
"Ang sarap naman ng yakap mo" hinawakan niya muna mga kamay ko habang nakayakap sakanya. Feeling ko secured ako pag kasama si Dom.
Inistart na niya yung motor at umalis na kami.
Pag dating sa dorm niya, humiga agad ako sa kama niya at nagtalukbong ng kumot. Nilalamig kasi ako, lalo na sa panahon na makulimlim.
Nagulat naman ako na tumabi saken si Dom sa ilalim ng kumot at niyakap niya ako ng mahigpit. Yumakap din ako sakanya kasi ang sarap talaga sa pakiramdam. Hinihimas himas niya yung braso ko.
"Magpagaling kana please. Nag aalala talaga ako" sabi ni Dom saken.
"Sorry, naulanan kasi ako kagabi eh" sabi ko naman.
"Nakakainis, bakit kasi nagpaulan ka"
"Hala, may sakit na nga ako pinapagalitan pa ako"
"Haha sorry sorry. Magpagaling ka na ha???"
Ang sarap sa feeling ng may nag aalaga sayo.
"Dapat di ka na kasi umuwi pa. Sinira mo lang yung bakasyon mo"
"Ano ka ba, para sakanila naman yun eh. Di naman saken, kung kasama ka sana dun edi mas okay"
"Bakit parang ang sweet mo saken" sabi ko sakanya. Ang sarap matulog sa dibdib niya.
"Magpagaling ka na ha, magluluto ako pag nakatulog ka na para may makain ka"
"Di ka naman marunong magluto eh"
"May internet naman ehh. Haha"
"Ahh, sigeee salamat talaga Dom ha?"
"Sure, para sayo."
Nakatulog ako sa dibdib niya habang hinihimas himas braso ko. Ang sarap sa feeling.
Nagising ako kasi nagugutom ako at may naaamoy akong masarap. Medyo effective yung gamot na binigay saken kasi di na ako nahihilo pero medyo mainit pa rin pakiramdam ko.
"Ayan gising na siya" lumapit si Dom saken suot lang eh boxer short at naka apron. Ang yummy niya tignan. Hinawakan niya ako sa noo at leeg.
"Ayan medyo bumaba na lagnat mo" sabi niya saken.
"Oo nga eh, di na rin ako masyadong nahihilo."
"Ahhh buti naman. Wait, nagluto ako ng chicken and corn soup, mukhang masarap to hehe" bumalik siya sa niluluto niya at nagsandok sa mangkok. Lumapit saken na may dalang tray.
"Ang dami naman niyan!!" Sabi ko kasi ang laki ng bowl at punong puno ng sabaw at may malunggay pa"
"Haha kainin mo lahat yan!! Gulay at karne in one. Masarap yan, sa internet ko sinundan yung procedure"
Nilapag niya sa lap ko yung tray. Pero siya yung nagsubo saken. Hinipan niya muna yung sabaw at ipapahigop saken.
"Wowwwww. Masarap nga!!" Sabi ko.
"Talaga?? Nice, pwede na ako mag asawa!" Sabi niya pa.
"Haha, pwede na nga"
"Edi tara na haha joke. O kumain ka pa" natawa lang ako sa sinabi niya at patuloy na sinusubuan. Ang sarap ng soup niya. Ngayon ko lang natikman to.
"Oh eto pa, marami rami pa to" palapit na yung kutsara sa bibig ko ng halikan niya ako sa pisngi.
"Ayy sorry sorry. Nakakagigil kasi eh" tumingin lang ako sakanya.
"Galit ka?" Tanong niya.
"Hindi hindi hehe"
"Ahhh good hehe. Ohh kain na!" Sabi niya pa. Sinubuan niya ako hanggang sa maubos ko na yung pagkain.
"Good good. Inom ka na ng gamot oh" pati sa pag inom ng gamot inalalayan niya ako.
"Salamat ha?"
"Para sayo Anjo, lahat." At ngumiti siya saken. Kinuha na niya yung tray at hinugasan. Naupo lang ako sa kama niya.
"Anong oras na pala??" Tanong ko naman.
"5 na ata??"
"Fvck, sht late na ako sa trabaho ko!" Dali dali akong tumayo. Hindi na nga ako nahihilo, salamat sa gamot pero pinigilan ako ni Dom. Niyakap niya ako sa likod.
"Opps, saan ka pupunta?" Tanong niya saken. Ramdam ko yung etits niya sa likod ko kasi naka boxer lang siya tapos yung katawan pa niyang hubad.
"Papasok ako"
"Aba kung gusto mo lang naman magpapagod, pwede naman tayo mag s*x na lang. Kaso may sakit ka oh mamaya mabinat ka. Di pwede" sabi niya. Natawa ako sa s*x part.
Ramdam ko naman na inaamoy ako ni Dom.
"Ang bango mo no? Creamsilk green conditioner mo"
"Haha ano bang meron sa Creamsilk green na yan at halatang halata na yan ang conditioner ko?" Nakayakap pa rin siya saken. Ang init kasi ng katawan niya kaya masarap sa pakiramdam.
"Haha amoy na amoy kaya. Ayan o, ang bango. Hmmmm. Bangoo" inamoy amoy niya ako.
"Haha baliw, kailangan ko talaga pumasok Dom."
"Ano ba, nagpadala na ako ng tao ko dun, siya daw muna sasalo sa shift mo" sabi pa ni Dom.
"Fvckkkk. Seryoso?"
"Oo nga. Andun na nga siya kanina pa eh."
"Di pwede, edi sakanya mapupunta yung sweldo ko."
"Hindi, sayo yun mapupunta. Sinabihan ko siya"
"Alam mong ayaw kong tumatanggap ng pera diba?"
Umupo kami sa kama at nakaakbay siya saken.
"Alam mo kung bakit gusto kita? Ayan oh, di ka nananamantala sa kabaitang binibigay sayo. Pwede nga kita pag aralin pero sigurado tatanggihan mo yun."
"Baliw bakit mo naman ako pag aaralin, may trabaho naman ako"
Pero wait, sinabi niya bang gusto niya ako? Seryoso?
"Haha kaya ko naman gawin yun eh."
"Hindi naman purkit kaya mong gawin eh gagawin mo na."
"Wow, medyo malalim yun ah" sabi niya saken.
Tumayo na uli siya at bumalik sa hugasin niya.
"Wag mong subukang tumakas, bago na yung lock code ng pinto ko di ka na makakaalis haha" sigaw niya.
Pumunta ako sa pinto at sinubukan kong buksan, iba na nga.
"Haha, akala mo ha"
"Uyy pero uuwi ako ha?" Sabi ko sakanya.
"Oo naman. Hehe, hahatid na lang kita at hindi ka makakahindi."
Nasira ko naman na yung rule na yun sakanya kaya okay lang. Bumalik na ako sa kama at umupo. Maya maya, lumapit na saken si Dom, nakahubad lang at naka boxer.
"Halika rito, bigyan pa kita ng hug ko. Kailangan mo to" ang cute niya nung paglapit saken, niyakap niya ako ng mahigpit.
"Dito ka na lang matulog" sabi niya pa saken.
"Hindi talaga..."
"Dali na, aalagaan kita rito. Promise, di kita gagapangin. Gusto lang kita makatabi sa pagtulog tapos nakayakap ako sayo" nakatingin lang siya saken na parang naghihintay na umoo ako.
"Ayokoo talaga..."
"Please?"
"Tsaka may pasok pa ako bukas, nextime na lang Dom"
Nalungkot naman siya at umoo na lang.
"Parang nilalamig ako" sabi ko na lang, ngumiti siya at lumapit saken para yakapin ako.
"Ayan, para di ka lamigin" sabi niya pa.
Bumili muna kami ng gamot bago umuwi. Inumin ko daw mamaya para bukas, okay na talaga ako.
.
.
.
.
Pag gising ko okay na pakiramdam ko, pero para makasigurado, uminom ako ng gamot pagkatapos ko kumain.
"Anjo, magovernight mga friends ko rito sa house, please maglinis ka mamaya paguwi mo ha?" Si Kim yun.
"Mamaya pa akong gabi makakauwi, pagkatapos ng shift ko."
"Edi maglinis ka pagkatapos ng shift mo, problema ba yun"
"Mga 11..."
"Basta sinabi ko maglinis ka, yun gawin mo okay? Okay. Tapos usapan."
Sana kayanin ko pa mamaya. Iniwan ko na si Kim dun at umalis papasok.
Nakasalubong ko pa sa pagpasok si Teejay pero umiwas agad ako at pumasok sa kabilang entrance, dun ko naman nakita si Marco.
"BB omg, straight si Teejay. May girlfriend siya eh, sabi saken ni David" bungad ni Marco saken.
"Oo alam ko, ang ganda ganda nga ehh"
"Oh bakit nagagalit ka saken, sinasabi ko lang naman"
Tumingin ako sakanya.
"He tried to kiss me the other day"
Nagulat lang yung reaksyon ni Marco na napatingin saken.
"Fvck BB seryoso???? OMG!!!"
"Oo, tapos bigla ngang dumating yung girlfriend. BB hindi pwede,"
"Sorry BB, pakarat pala yan si Teejay. Ayoko na sakanya."
"Haha hayaan mo na, okay na rin yun dba? Atleast natapos na yung haka haka ko. Hindi siya yung nasa grindr at hindi siya pwede"
"Sorry BB, pero diba magkasama kayo nung Dom kagabi?"
"Oo BB, siya nag alaga saken ehh"
"Hmmm. Mas gusto ko yan si Dom. Dba sabi mo naman s*x lang kayong dalawa. Mas okay yun, atleast walang commitment"
"Haha baliw, mabait kaya si Dom" sabi ko nalang at kiniliti lang ako ni Marco at sinabing anlandi landi ko.
Pagkarating sa room, napansin kong nakaupo si Teejay at naglalaro sa cellphone niya. Di ko nalang siya pinansin at umupo na ako. Naglaro rin muna ako ng Candy Crush kasi wala pang prof.
"Galit ka pa ba?" Text saken ni Teejay. Di ko na nireplayan.
"Ayy seenzoned :((((" reply niya uli pero di ako pinansin.
"Seen yung seenzoned :((((("
"Anjooooo." Kinukulit niya talaga ako.
"Anjowings of loveeeeeeee"
"Anjo snobero!"
"Anjooooooooo."
"Angelo John Galiardo!!"
"Uyyy anjo, sorry na :((("
Nainis na ako sa mga texts niya kaya binitawan ko na yung phone ko at binulsa. Buti na lang dumating na yung prof.
Pagkatapos ng klase namen, lumapit si Teejay saken.
"Anjo usap naman tayo sa labas"
Di naman ako sumagot. Napansin kong nakatingin ng masama si Marco kay Teejay.
"Uyyy, kakantahan na lang kita, Anjowings of loveeee..."
"Teejay please. Wag mo ng pahirapan sarili nating dalawa. Tigilan mo na ako" sabi ko sakanya at lumabas na kami ng room ni Marco.
"Marco please? Kausapin ko lang si Anjo mag isa?"
"Hoy Teejay, wag mong paasahin bestfriend ko!!"
"Please???" Pakiusap ni Teejay. Siguro gusto ko rin marinig sasabihin niya. Sabi ko kay Marco magusap kaming dalawa. Umalis naman siya agad at sumama kay David.
Naglakad kami papunta sa tambayan sa gitna ng school, sa ilalim ng puno.
"Ano?" Sabi ko sakanya.
"Anjo, sorry na. Nakipaghiwalay na ako kay Cara kasi di ko na kayang magpanggap" kita ko sa mata niyang totoo sinasabi niya.
"Pero mukhang one sided lang yung break up niyo. Mukhang gusto ka pa niya"
"Pero ikaw gusto ko Anjo" sumikip na naman dibdib ko sa sinabi niya. Natuwa ako, parang nawala yung inis ko sakanya.
"Matagal na Anjo, sobrang tagal na" sabi pa niya. Hindi ko talaga alam isasagot ko, nakatayo lang ako sa harap niya habang nakatingin siya saken. Wala akong naririnig, parang nabibingi ako pero damang dama ko yung t***k ng puso ko.
"Babe, andiyan ka pala! Tara lunch!!" Yakap nung babae sa likuran ni Teejay. Si Cara yun.
"Ohh hi, Anjo right? Gusto mo sumabay samen maglunch?" Sabi niya. Mukhang mabait yung babae tapos maganda pa, bagay silang dalawa.
"Ahhh hindi, kumain na ako eh sige alis na ako" tumalikod na ako at di ko alam na naiiyak pala ako. Totoo bang inlove ako kay Teejay?
Tangina kasi magbibigay ng motibo tapos hindi rin pala pwede.
Bakit kasi ang daming malandi eh.
Nakakainis, nainlove ako sa maharot.
Pinipigilan ko pagluha ko. At pumasok na sa work ko.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.
"Anjo, hanggang 8 ka lang daw sabi ng step mom mo. Maglilinis ka pa daw ng bahay niyo, pupunta friends ni Kim" sabi ni Kuya Cris.
"Ayy oo nga pala."
"Hays, alam mo Anjo naaawa ako sayo. Kung pwede lang kita matulungan eh"
"Haha hayaan mo na Kuya Cris, isang sem na lang at aalis na ako agad agad dito"
"Hehe, buti naman. Nako, ninong ka sa baby ko ha? Haha welcome ka rin sa bahay namen Anjo." Ang bait ni Kuya Cris, pangalawang anak na niya yung dinadala ng asawa niya.
"Salamat Kuya Cris" sabi ko na lang.
.
.
.
.
Umuwi ako ng maaga para maglinis ng bahay. Napakadumi talaga kasi ng bahay, siguro kung wala ako dito mapagkakamalang basurahan yung bahay na to.
Halos isang oras na ako naglilinis at hindi pa rin ako tapos.
"Uyy Anjo, di mo ba ako babatiin?" Si Kurt yun. Nakabihis ng pang alis. Ang gwapo ni Kurt talaga, model kasi at malaki katawan.
"Ano meron?"
"Awww, Birthday namen ni Kim"
Fvck, ang bilis pala ng panahon. Dec 3 na.
"Ay sht. Sorry. Happy Birthday Kurt!!" Sabi ko naman.
"Haha salamat. Pabirthday gift mo na saken yung assignment ko please? Haha thank you Anjo"
Umoo na lang ako kahit pagod. Weekend naman bukas eh kaya bukas ko na lang gagawin. Umalis na siya at pinagpatuloy ko paglilinis.
"Anjo pagkatapos mo diyan plantsahin mo tong dress ko ha, may girl night out kami ng friends ko" sabi ng stepmom ko.
Jusko tita. Girl's night out.
"Opo"
"Good, yung allowance mo bibigay ko pagkatapos mo plantsahin, bilisan mo na diyan" natuwa naman ako sa sinabi niya at minadali ko na yung paglinis at umakyat sa kwarto niya para plantsahin yung pink at orange na dress niya. Ang panget talaga, nakakairita sa mata pero siya naman magsusuot kaya okay lang.
"Tapos na ba Anjo?"
"Opo tita"
"Oh Good. Oh!" Nakabalot sa envelope na white yung pera. Binuksan ko at binilang.
"Tita, kulang ata. 1800 lang to oh"
"Ha? 1800 ba?" Kinuha niya pa yung 200 pesos. "Dapat 1600 lang ehh. Ayan na" sabi pa niya.
"Ha, tita dapat po 3000"
"Di ka pumasok dalawang araw, nag undertime kapa nung isang araw at ngayon."
Fvck, 1800. Paano ko pagkakasyahin to.
"Tita..."
"Sige na Anjo lumabas ka na. Mgbibihis na ako" lumabas ako ng kwarto niyang namomroblema kung paano ako ngayong 2 weeks na 1800 lang pera.
Umakyat ako sa kwarto ko at nagcompute.
500 food
100 pamasahe
500 ambagan sa project
400 foods sa tour
700 christmas party ambagan
400 book
Fvck, 2600 lahat. 1800 lang pera ko. Kailangan ko na mabayaran lahat yan. Plus pa yung utang ko kay Dom. Arghhh. Naiiyak ako. Pagod na pagod na ako.
Di ko namalayang nakatulog na pala ako sa ganung pwesto.
Naalimpungatan lang ako na parang ang ingay ingay. Malakas nga yung tugtog sa baba. Nauuhaw din ako kaya bumaba ako para silipin.
May party nga pala si Kim. Makikita nila ako pag bumaba ako pero nauuhaw na talaga ako kaya sumimple na lang ako.
"Ayan pala si Anjo, anjoooo!! Halika rito pakilinis nga tong kalat namen" sigaw ni Kim sa malakas na tugtog.
Ang daming natapong kalat sa sahig at tulo ng juice.
"Anjooo dali na!" Utos pa ni Kim. Parang 6 sila sa sala ngayon at nakatingin saken, mukhang hinihintay na linisin ko nga. Wala naman ako magagawa kaya kumuha ako basahan para punasan yung kalat.
Nakita kong may natapon na juice sa harap mismo ng pinupunasan ko.
"Oops, sorry Anjo, palinis na lang uli" si Kim yun. Mukhang sinadya niya. Gusto ko na lang umakyat agad agad. Narinig kong nagtawanan naman mga kaibigan niya.
Pagkatapos nun, tumayo na ako at pumunta sa ref para kumuha ng tubig. Pero laking gulat ko sa gilid ng makita ko si Teejay nakatayo at nakatingin saken habang kumukuha ng tubig sa ref.
"Kapatid mo si Kim?" Sigaw saken ni Teejay. Ang lakas kasi ng patugtog nila sa baba,
Bago ako makasagot hinila siya ni Cara at hinalikan sa mga labi, harap harapan ko silang nakitang naghahalikan na dalawa. Nakapikit pa si Teejay habang mahigpit pagkakayakap ni Cara sakanya.
Nataranta ako kaagad at tumalikod pero nabangga ko yung bisita ni Kim at tumapon saken yung juice na may alak niyang hawak. Basang basa ako at mukhang tuwang tuwa pa siya sa ginawa saken.
Nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko at di ko maiwasang umiyak.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako.