Next class na namen pero di pa rin ako pinapansin ni Teejay. Mukhang nahihiya pero ako kinikilig ng sobra. Minsan, titingin ako sa pwesto niya at bigla siyang iiwas ng tingin saken. Matatawa nalang ako.
After 3 weeks, ngayon lang pumasok yung prof namen, matandang babae na siya at alam ko maraming pinapagawa tong prof na to.
Nagpakilala na siya at inexplain yung grading system at kung ano ano pa. Inannounce din niya na magkakaroon ng college play at nirerequired niya na sumali yung section namen at mahahati sa dalawang grupo. Umangal kaming lahat pero bigla siyang nainis at sinabing dapat namen gawin yun. Wala na kaming nagawa at pumayag na kami.
Nag count kaming lahat ng 1 and 2 hanggang sa matapos. Lahat ng 1 magkakagrupo at lahat ng 2 magkakagrupo. Dahil magkatabi kami ni Marco, hindi kaming magkagrupong dalawa.
Lumingon ako kay Teejay at sumenyas siya na 1 siya, 1 din ako kaya magkagrupo kaming dalawa.
"Badtrip naman yung groupings, mukhang magkagrupo pa kami ni David, ano palagi na lang kami ganun?" Sabi niya saken.
"Kami nga magkagrupo ni Teejay eh" sabi ko naman.
"Ayan, pabor kasi sayo lahat. Nako, ikaw na bida"
Tumawa na lang ako sakanya.
"Create your own story and if success yung play niyo at mukhanh pinaghandaan talaga, hindi yung mema play lang, Exempted na yung grupo niyo sa finals" mas lalo naman kami naexcite na magkakagrupo sa inannounce ni maam kaya mukhang kakaririn namen lahat to.
Naglecture na muna si maam kaya back to upuan kami at back to boredom na naman.
Natapos yung klase na pinaguusap namen ni Marco kung gaano siya naiirita sa nangyayari.
"BB, di tayo magkagrupo huhuhu"
"Makipagpalit ka na lang sa iba" sabi ko sakanya.
Napansin naman namen na nakaupo pa si Teejay sa upuan niya.
"Uy, tara na. Baka ma late ka sa next class" sabi ko sakanya.
"Sino si Uy? Di mo na naman binanggit pangalan ko" sabi ni Teejay.
Ngumiti lang ako at napaikot ng mata.
"Teejay, tara na, naka ma late ka sa klase natin" sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya at tumayo at nag ayos ng gamit.
"Haha ayun naman pala eh, tara na!" Sagot niya saken. Napatingin lang si Marco samen at nang aasar.
Sa 4th floor pa next class namen, galing kaming 2nd floor.
"B.. Anjo, kumain tayo after netong klaseng to ah?" Nadulas pa sa BB si Marco buti napigilan niya.
"Busog pako eh, kumain kasi kami ni Teejay kanina" sabi ko naman.
Tumingin lang siya sameng dalawa at di ko alam kung anong ibig sabihin ng reaksyon niya, tumawa na lang ako at napansin kong pinipigil ni Teejay tawa niya.
.
.
.
.
Nag ring na yung bell. Tapos na yung klase namen, gusto ko sana matulog kaso naalala kong may trabaho pa pala ako ng 5. 2 hours lang pahinga ko.
Umuwi na si Marco. Pumunta naman muna ako ng library para matulog. Since almost uwian na, konti na lang yung tao sa library. 3:20 palang, makakatulog pa ako.
Inalarm ko cellphone ko ng 4:30 at natulog ako.
Narinig ko na yung alarm ko at bumangon pero nagulat ako ng may tao sa harap ko at nagcecellphone. Si Teejay.
Naconcious ako bigla at nagtakip muna ng mukha ko.
"Haha Good Morning" asar niya saken. Nakatingin lang siya saken habang nag aayos ng mukha.
"Nakakaasar haha dami pang guhit guhit sa mukha ko" sabi ko sakanya.
"Haha ayos lang yan, kakagising ko lang din, nakita ko kasing natulog ka eh, kakausapin sana kita about sa report. Ayun, natulog na lang din ako hehe" sagot pa niya.
Nagpunas lang ako ng mukha ko at tinignan itsura ko sa cellphone.
"May lakad ka pa ba? Tara gawin na natin report"
"Ayy sorry may trabaho ako ehh. Pwede ba nextweek na lang?"
"Ay ganun ba. Hmmmm. Sige," mukha naman siyang nalungkot sa sinabi ko.
"Sorry talaga"
"Ano ka ba okay lang hehe. Tara na? Sabay na tayo palabas. Uwi na rin ako" yaya niya saken. Ano bang nangyayari sa lalaking to, bakit parang naging clingy.
Naglakad na kaming dalawa pababa at palabas ng school. Biglang may tumawag sakanya, medyo lumayo siya at sinagot. Di ko naman naririnig pinag uusapan nilang dalawa.
"Uyy, may pupuntahan pa pala ako. Hatid na kita palabas ng school" sabi niya saken pagbalik niya.
"Ahh sige kaya ko na,"
"De sige, okay lang, hatid na kita"
"Okay na nga"
"Ang suplado naman neto."
"Haha okay na nga, sige na puntahan mo na yan" sabi ko pa.
Pero naglakad pa rin siya kasabay ako.
"Ang kulit neto kaya ko na nga" medyo nainis na sabi ko sakanya.
"Eh sa labas din ako pupunta eh, dito rin ako dadaan" sabi niya pa. Medyo napahiya ako at napansin kong ngumingiti lang siya.
"Sige na, mukhang naaasar ka na saken. Dun na ako sa kabilang gate lalabas" sabi niya pa at umalis na siya. Hinabol ko siya.
"Galit ka?" Tanong ko sakanya.
"Hala, hindi ah haha baka kasi naweweirduhan kana saken. Di naman tayo close dati tapos ngayon feeling close ako haha. Sorry" sagot niya pa.
"Ayos nga yun eh" sagot ko naman.
"Talaga? Hindi weird?"
"Hindi ahh. Hehe"
"Ohh nice nice. Hehe. Pero mauuna na talaga ako, naghihintay na kasama ko eh. Sige," paalam niya saken. Nag fist bump pa kami bago siya umalis. Fvck, ang gwapo niya talaga. Nakakamatay sa kilig talaga.
Naglakad na ako papunta sa bar, medyo malapit lang naman sa school yun. Nagbihis na ako ng uniform ko, Friday night kaya ineexpect kong maraming estudyante ngayon.
"Nakapagpahinga ka ba pre? Haha antok na antok ako ngayon eh" sabi saken ni Barry habang nasa kusina kami't nagbibihis. Ang hot ni Barry, lalo na't pag nagbibihis. Lalaking lalaki pa boses.
"Nakatulog ako sa school kanina ng 1 oras"
"Buti ka pa haha. Kape lang to. Tara na?"
"Tara" nagsimula na kaming magserve ni Barry. Parami na ng parami yung mga estudyanteng pumapasok kaya nagdodoble effort na kaming dalawa.
"Ohh, table 10 Anjo," abot ni Kuya Cris ng dalawang bote ng alak at pulutan na sisig, kinuha ko naman agad at inabot sa table 10.
"Dito ka pala nagttrabaho ah" sabi nung lalaki, di ko kasi napansin pero nung nagsalita siya, nakita kong si Dom pala.
"Ohhhh. Hello" sabi ko na lang.
"Halos inikot ko yung mga bar dito, dito ka pala nagttrabaho haha. Alam ko na ngayon" sabi pa niya.
Ang gwapo talaga ni Dom. May dimple pa siya sa pisngi pag ngumingiti. Ang pula ng mga labi, tapos naka long sleeve pa siya at slacks, fit na fit yung kamachuhan niya.
"Ang daming trabaho Dom, sige babalik na ako"
"Sige, hanggang 10 lang naman shift mo diba? Hintayin na kita" sabi niya pa.
"Ahhhh..."
"Hintayin kita. Don't worry, di naman ako tatambay, iinom din ako hehe"
Ngumiti lang ako at umalis na uli, balik sa trabaho. Nakikita kong may lumalapit sakanyang mga babae at tumatabi pero may sinasabi siya sa babae tapos aalis nalang sila tapos tatawa siya.
"Anjo oh, sa table 10 uli" sabi ni Kuya Cris. Nakita kong nakaharap siya sa cellphone niya at mukhang naglalaro.
"Nakaka apat ka na ah?" Sabi ko sakanya.
"Haha, last 30mins, hehe. Di naman ako lasing, sige na." Sabi niya pa.
Umorder uli siya ng dalawang beer.
"Haha mukhang may problema ka ahhh? 6 na bote na yan!"
"Haha okay, mag out kana maya maya. Nice, nice, ubusin ko lang to. Bilisan mo na" sabi niya pa. Mas alam pa niya yung schedule ko pero tama siya, 10 na, pagod na rin ako. Nagpaalam na ako kay Kuya Cris at umoo siya. Marami pang tao pero kaya na nila to. Nag out na rin si Barry.
"Ano pre? Sabay ba tayo?" Nagbibihis na naman si Barry at nag pupunas ng katawan. Nakakainis, hot talaga.
"Hindi ata pre, hehe may lakad pa ako eh"
"Ganun ba? Yari ako neto baka ma rape ako sa daan hahaha"
"Haha baliw baka ikaw pa mang rape diyan"
"Haha goodboy ako. Haha. Sige pre!" Nagpaalam na siya saken at lumabas. Nagbihis muna ako at nag toothbrush, at lumabas na rin.
"Ang tagal mo naman!" Si Dom yun na nakaupo sa labas at naka dekwatro. Kahit anong posing niya ang gwapo pa rin niya eh.
"Sorry, hehe"
"Tara, dun ka na matulog samen," yaya niya pa.
"Ha? Hindi pwede no."
"Hala, hinintay nga kita para dun ka matulog samen eh" sabi niya pa.
"Hindi pwede, tsaka isa pa, di ako sanay"
"Tara na please"
"Sorry, di talaga pwede" sabi ko. Ayaw ko talaga. Nasa rule ko yun eh.
Nagsimula na akong maglakad at sumunod siya saken.
"Nakakaasar naman oh, sige na please" hinawakan niya ako sa kamay, malambot kamay niya, nakakahiya sa kamay ko na medyo magaspang kasi banat sa trabaho.
Tinanggal ko kamay ko at sabing ayaw ko talaga.
"Hmmm sige na nga, pero bukas alis tayo? Hmmm minus 1k sa utang mo hehe"
"Hala, usapan sa kasal pa ng kaibigan mo ah??"
"Ehh baka kasi di matuloy yun eh. Baka maurong ng maurong."
"Ang daya naman"
"Haha, halika na hatid na kita sainyo"
"Maglalakad lang ako"
"Hindi, may dala akong motor. Tara na" sabi pa niya. Sinama niya ako sa may parkingan sa may likod ng school, may motor siyang black at ang ganda, di ako mahilig sa sasakyan pero ang ganda ng motor niya.
"Wow, sayo yan?" Tanong ko.
"Oo, hehe. Tara na sakay na!" Sabi niya pa.
Di na ako tumanggi at nagpahatid ako sakanya. Nagsuot kaming dalawa ng helmet.
"Kaya mo ba mag drive? Nakainom ka ahhh"
"Ako pa ba hehe, sabihin mo lang kung saan ah?"
Nagsimula na siya magpatakbo, ang bilis kaagad. Wala akong mahawakan sa motor niya kaya napahawak ako sa balikat niya.
"Yakap ka saken!" Sigaw niya habang nag ddrive.
"Dahan dahan lang sa pagmamaneho. Nakakatakot!!" Sigaw ko naman.
"Yakap ka muna saken!!" Sigaw niya uli. Pero di ako yumayakap. Mas lalo pa niyang pinabilis yung takbo. Nakakatakot kasi nakainom siya, buti nalang gabi na at konti lang sasakyan sa kalsada. Nagpagewang gewang pa siya sa kalsada.
"Huuuuyyy!!!!!!" Sigaw ko sakanya.
Di siya sumasagot at mas bumilis pa takbo niya, nakakatakot na talaga kaya napayakap ako sa kanya. Ang init ng katawan niya dahil sa alak at ang bango bango ng likod niya. Sa sobrang higpit ng yakap ko, bumagal yung takbo niya.
"Yayakap din pala eh" sabi niya pa saken. Smooth na ng takbo at nakadilat na uli mga mata ko.
"Ohhh, kanina pa tayo nagpaikot ikot haha saan na daan papunta sainyo?" Tanong niya pa at tinuro ko na yung daan. Di ako makapagsalita kasi nakakatakot talaga pagmamaneho niya. Di ko na natanggal kamay ko sa kanya.
Nakarating na kami samen at nakayakap pa rin ako. Wala ng tao sa labas.
"Ang higpit ng yakap mo ah" bigla ko namang tinanggal pagkakayakap sakanya at bumaba ng motor. Hinubad ko yung helmet at inabot sakanya.
"Di nako sasakay sayo uli" sabi ko sakanya.
"Haha, pag nakayakap ka, automatic na yun na babagalan ko hehe" sabi niya saken.
"Ewan ko sayo, sige, Goodnight na!" Sabi ko sakanya.
"Gising ka maaga bukas ha? Alis tayo ng 9AM." Sabi niya pa.
"Bahala ka diyan haha Goodnight"
Lumingon ako at nag susuot siya ng helmet.
"Pst, mag ingat ka sa pag drive ah?" Sabi ko sakanya. Nagstart na siya ng motor at ngumiti siya saken.
"Oo naman, aalis pa tayo bukas eh hehe Goodnight" sabi niya at humarurot na siya ng pag alis.
Pumasok na ako sa bahay at umakyat sa kwarto ko. Humiga na ako ng diretso at di ko namalayang naka tulog na pala ako.
.
.
.
"Anjo, Anjo...." nagising ako kasi tinatapik ako sa kama ko.
"Gising na." Si Kurt yun, nakahubad lang siya at mukhang bagong gising din siya. Gulo gulo pa buhok at naka boxer shorts lang. Lumalaki rin katawan niya at ang yummy niya.
"Ohhh bakit???" Nagpupunas ako ng mata. Nakahubad din kasi ako matulog.
"Haha, ang tigas ng ano mo oh haha." Turo niya sa etits ko. Nakabrief lang kasi ako.
"Haha sorry, bagong gising" umupo ako sa kama at tinakpan ng kumot yung sa ibaba ko.
"May bisita ka sa baba eh, di ko naman kilala. Ikaw hinahanap" sabi ni Kurt.
"Sino naman daw?"
"Dom daw?"
Fvck. Sinira ko pala rule ko kagabi na magpahatid sa bahay. Alam na tuloy niya kung saan ako nakatira.
"Ahh sige, bababa na ako hehe"
Tumayo na rin si Kurt. Ang tambok din ng pwet niya. Ang yummy na niya.
Nagbihis muna ako at naghilamos bago ako bumaba. Nakita ko siya nakaupo at may hawak na baso, ngumiti siya nung nakita niya ako. Naka violet na sweat shirt na fit siya tapos naka black pants na fit, naka white na rubber shoes. Lutang na lutang kagwapuhan niya.
"Sabi ko gising ka maaga eh, aalis tayo" sabi niya saken.
"Bakit ka nandito?!!"
"Hala, sabi ko aalis tayo ngayon diba?"
"Pero di ko naman alam na pupunta ka rito sa bahay. Nakakaasar ka"
"Ayy sorry sorry, sige hintayin na lang kita sa labas" mukhang ang rude ko kaya lumapit ako at pinigilan siya. Pinaupo ko naman siya uli.
"Sige, wait lang mag pprepare lang ako." Sabi ko naman sakanya, pagtalikod ko, kinurot niya pwet ko. Napalingon ako sakanya at kunwari nagtetext lang siya. Buti na lang walang tao sa baba. Nagmadali na akong umakyat para maligo at magbihis.
Bumaba na ako suot yung blue na Tshirt na malaki saken para mahangin at presko, nagshorts lang ako at nag rubber shoes. Sinuot ko rin eye glass ko at hinayaan kong bagsak buhok ko. Nagpabango rin ako ng marami at bumaba na sakanya.
Nakasalubong ko muna si Kurt.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"May lakad ako eh. Pasabi na lang kay tita ah?"
"Ah sige, ingat ka Anjo" sabi niya. Ngumiti lang ako at pumunta na kay Dom.
Tinignan lang niya ako at ngumiti.
"Ewan ko pero kahit anong suotin mo, ang cute mo hehe. Tara na?" Sabi niya saken.
"Tse haha tara na!" Lumabas na kaming dalawa at inabot niya saken yung helmet.
"Please, hindi ka na lasing, dahan dahan lang ha?" Sabi ko.
"Alam mo naman kung paano ako babagal diba?"
"Maraming tao ehhh."
"Hmmm. Sige sige, mamaya pag uwi na lang ha?"
"Osige, sige."
Sumakay na ako ng motor at umalis na kami.
.
.
.
.
Pumasok kami sa sinehan kung saan palabas ay It takes a man and a woman ni John Lloyd at Sarah.
"Mahilig ka pala sa Pinoy movies?"
"Haha, hopeless romantic kasi ako eh" sabi niya pa.
Pumasok na kami at marami yung tao kahit 2nd week na siyang pinapalabas. Pagkaupo naman bigla niya akong inakbayan at pinasandal niya ako sa balikat niya. Natawa lang ako pero sumandal ako. Ang sarap pala sa feeling ng ganito. Masyado kasi ako nag focus sa s*x at pag aaral kaya di ko alam pakiramdam ng may kaharutan kang ganito.
"Nilalamig ka ba?" Tanong niya habang nagtatawanan kami sa movie.
"Medyoo"
Bigla niyang hinawakan kamay ko habang nakayakap saken. Sht, parang nag init ako bigla pero kinikilig din. Feeling ko secure na secure ko. Ang laki kasi ng katawan niya tapos nakayakap siya saken.
"Wag ka na magreklamo diyan, manuod ka nalang" sabi niya pa. Mas ramdam ko yung movie dahil sa ginawa niya.
Natapos yung movie na ganun lang yung pwesto nameng dalawa. Nakakatuwa kasi nakita kami ng ibang tao pero parang wala lang sakanila.
"Ohh, hindi pa tapos treat ko sayo, tara" tumayo kaming dalawa at nakaakbay pa rin siya saken. Pumunta kami sa facial clinic.
Binati kami nung babae at ngumiti si Dom.
"Reservation for Dom?" Sabi niya.
"I'll check sir, please wait...."
Tinawag ng babae yung isang babae at sinabing ihatid kaming dalawa.
"Ang dami ko bang pimples??" Tanong ko sakanya. Hindi naman kasi makinis kutis ko pero wala naman akong pimples.
"Haha ang cute ng itsura mo nung tinanong mo ko niyan haha. Hindi no, papa face massage lang tayo" sabi niya saken. Ang cute niya ngumiti talaga, hilig pa niyang basain labi niya.
Pinahiga kami ng babae. Magkatabi yun na kama. Pumwesto naman yung babae sa likod ng ulo ko at hinawakan mukha ko. Pinisil pisil niya. May pinahid na di ko alam kung ano at sinimulang hilutin.
Ewan ko pero ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa niya. Di ko naman masilip si Dom kasi di ako makaside view.
Natapos na ganun lang yung ginagawa ng babae. Ang sarap sa feeling. Pagkatapos nun nilagyan ako ng cream sa buong mukha at may nilagay sa mata ko pantakip, pipino ata at umalis na si ate. Wag daw muna ako gumalaw for 10mins.
"Ayan, ang cute cute ni Anjo" boses ni Dom yun at rinig ko yung tunog ng camera. Pinipicturan niya ako.
"Bawal gumalaw, baka masira yung ginawa sa mukha mo haha" nang aasar siya. Tiniis ko na lang na wag gumalaw maya maya dumating na si ate uli at hinilot mukha ko. Tinanggal na niya yung cream sa mukha ko. Umupo na ako sa kama at feeling ko ang gaan gaan ng mukha ko. Binigyan ako ng salamin at tinignan ko, totoo nga. Ang kinis ng mukha ko. At ang lambot pa.
"Okay na ba? Tara na!" Sabi ni Dom saken, nagpasalamat yung babae samen.
"Di ka ba nagpa ganun?" Tanong ko sakanya.
"Hindi haha, tapos na ako kahapon eh haha ikaw naman. Pinanuod lang kita, ang cute mo nga eh"
Nahihiya ako sa sinabi niya pero wala na akong nagawa. Nagpasalamt din yung babae sa bungad ng store at lumabas na kami.
"Gutom ka na ba?" Tanong niya saken.
"Oo eh hehe" alas tres na kasi yun at wala pa akong kinakain simula kanina.
"Tara, dun tayo sa condo kumain" sabi niya pa. Bago ko tanungin kung bakit pa dun may lumapit sakanyang dalawang babae!
"OMG, Dominique!!" sigaw nung dalawa at lumapit sakanya. Naawkwardan naman ako at napaurong. Ngumiti lang si Dom sakanila.
"Happy Birthday!!! Sabi mo busy ka??? Nakakaasar ka ah!" Sabi nung isa.
"Hehe sorry, next time na tayo mag celebrate" sabi niya naman.
"Ganyan ka naman eh haha. Sige, Happy Birthday uli!!!" At yumakap uli silang dalawa at umalis na.
"Sht, Birthday mo?!" Gulat kong tanong sakanya.
"Nakakaasar, dapat mamaya ko pa sasabihin eh!"
"Hala tapos ikaw tong nanlilibre?!! Nakakahiya naman"
"Nako, nung sinamahan mo ko rito, solve na solve na ako ngayon promise!!" Sabi niya pa.
Nakakatuwa kasi nakangiti lang siya saken at hawak niya ako sa balikat.
"Nakakahiya pa rin. Ayan, nag demand pa ako ng pagkain, nakakahiya lalo. Nakakainis ka, nakakahiya talaga"
"Hahahaha easy, easy. Ang cute mo. Tara na sa condo, dun na tayo kakain" sabi niya pa.
"Sige paglulutuan kita dun"
"Hindi na, may pagkain na,"
"Talaga? Ano naman?"
Lumapit siya sa mga tenga ko at pinarinig yung bawat pag hinga niya.
"Edi ako, syempre Birthday ko, ako kakainin mo. Dapat matinding Birthday s*x ibigay mo saken" ang hot ng pagkabulong niya na kinilabutan ako at naexcite.