Pagkatulog ni Teejay, pinatay ko na rin yung wifi ng phone. Napansin kong bumangon na yung dalawang magkambal at nakaupo na sa kama nila. "Anjo" tawag ni Jason. "Yow!" Nakadapa ako sa kama habang nakatingin sakanila sa baba. "Woah, grabe salamat pre. Alam mo bang sobrang enjoy kagabi? Grabe talaga Anjo. Ibang klase ka!" Sabi ni Jason. "Haha enjoy na enjoy kayo ahh??" "Tangna pre, sobra. Ang tagal na nameng gustong makaattend ng party ni Luke. Kahit bully yun, putek, iba pa rin pag nandun ka sa party niya!" "Parang party lang??" "Di mo ko naiintindihan Anjo, si Luke yun. Ano ba, grabe talaga!" Di ko alam kung anong meron sa mga party party pero sa nakikita ko sa kambal, sobrang big deal sakanila nun. "Well, salamat talaga pre!" Si James naman yun. "Hehe wala yun" sabi ko na lang.

