Nagising ako sa amoy ng pabango ni Teejay. Alam kong amoy niya yun dahil nakakaadik yung amoy na yun. "Loves, may seminar pa tayo. Gising na po" sabi niya saken. Bumungad saken yung mukha ni Teejay na sobrang gwapo, ang sarap halikan. Gusto ko sanang gawin yun kaso alam kong galit siya at ganun din nararamdaman ko sakanya. "Good Morning loves" sabi niya. "Good Morning" sagot ko. Kalmado lang siya ngayon habang nag aayos ng buhok. Pumunta na ako ng CR para magayos. Sabay kaming bumaba at umattend sa seminar. ++++ "Pack your swimming attire guys! Pupunta tayo sa Caramoan Beach!" Sabi ni maam samen. Mukhang excited silang lahat, kami lang ni Teejay yung parang walang paki. "Bakit di ko alam na pupunta tayo dun?" Tanong ko sa kaklase ko pero sa sobrang saya nila, di nila ako pinapans

