Simula talaga nung naging kami ni Teejay, nawala na sa isip ko yung s*x. Kung dati, halos lahat ng makikita ko makakaramdam ako ng init, pero ngayon wala na, kay Teejay na lang talaga. Mas masarap ibigay yung buong katawan mo sa iisang tao lang. Nasa sea side kami ni Teejay ngayon at pinapanuod yung pag lubog ng araw. Nakaupo kami pareho, nasa likod ko siya habang nakayakap siya saken. Tinitignan namen yung pictures namen na naka upload dun sa page na ginawa para samen. Nandun kasi lahat, kinukuha nila yung ibang pics sa IG ni Teejay. "Ang pogi mo loves no? Tignan mo kapag magkatabi tayo parang hindi tayo bagay" sabi ko sakanya. Lutang na lutang kasi yung itsura ni Teejay. Samantalang di ako napapansin, dahil sa malaki kong polo at pants. Tapos yung buhok ko pa na mahaba, dagdag mo pa

