CHAPTER 4

1840 Words
NAGISING siya kinaumagahan na mag-isa na lang nakahiga sa malambot na kama habang hubo't hubad sa ilalim ng puting kumot. Nang marahan na siyang bumangon ay hindi niya mapigilan ang mapangiwi dahil sa pagkirot ng kaniyang p********e. Masakit sa loob, parang nagkaroon ng sugat—malamang. Pakiramdam niya ay binugbog ang buong katawan niya, parang nawala ang kalahati ng normal na lakas niya. Sandali pa siyang napatulala nang makaupo at inisip na ang mga nangyari last night. Kahit nakainom siya kagabi ay tandang-tanda pa rin niya ang buong detalye ng pangyayari—mula sa pagligtas sa kaniya sa dalawang lalaki na 'yon—pagpatay sa mga ito, ang pagbuhat sa kaniya palabas ng sasakyan, at sa huli ay nagising na lang na nakahiga na sa kama habang pinapaulanan na ng halik sa mukha. Talagang nangyari na nga. Hindi na panaginip. Totoo na. Totoong may nangyari na sa kanilang dalawa ng kaniyang secret boyfriend na si Thaddeus. Samantalang dati ay pinagtiisan na lang nito lagi na huwag siyang pakialaman kahit gustong-gusto na siya nitong angkinin, pero hanggang kiss lang ang ginagawa sa kaniya at oral s*x. Lagi na lang nito sinasabi sa kaniya na huwag muna nilang gawin ang bagay na 'yon dahil masyado pa siyang bata at nag-aaral pa, saka na lang kapag maayos na lahat at mapakasalan na siya, kaya hanggang oral s*x lang sila. At sekreto lang ang relasyon nilang dalawa, tanging silang dalawa lang ang nakakaalam. Pero kagabi. . . talagang natuloy na nga, tuluyan na siyang naangkin. Siguro hindi na siya natiis pa dahil halos isang taon na rin siyang hindi nito nakikita maliban sa video call lang. Paano naman kasi tatlong beses lang ito umuwi ng bansa sa loob ng isang taon, minsan nga isang beses lang, sa birthday niya lang. Pero nang maging sila ay umuuwi ito three times a year. “Thaddeus,” mahina na niyang pagtawag at nilibot na ang tingin sa buong paligid ng room nang may konting ngiti na sa labi. Pero unti-unti rin naglaho ang ngiti niya at napilitan na ng pagkunot ng noo nang may mapagtanto. Wala pala siya sa mansyon kundi mukhang nasa isang hotel room siya. But wait . . . bakit napakatahimik naman yata sa paligid? Napuno na siya ng pagtataka at sandali pang nakiramdam kung may ingay ba sa loob ng bathroom, baka sakaling naroon si Thaddeus naliligo. “Baby!” malambing pa niyang pagtawag muli pero walang sumagot. Wala rin siyang marinig ni konting ingay mula sa loob ng bathroom, parang wala ito roon. Hanggang sa napunta ang tingin niya sa nightstand malapit lang sa kama kung saan may nakapatong doon na isang red paper bag at isang bouquet ng red roses with card. Muntik pa siyang bumagsak nang bumaba na ng kama. Parang nanginig ang mga tuhod niya at nawalan ng lakas. Napamura na lang siya at pinilig na lang ang ulo bago inabot na ang bouquet at paper bag. Isang dress bodycon red velvet dress ang bumungad sa kaniya pagbukas ng paper bag. Tamang-tama lang sa kaniya ang size. When she opened the card on the bouquet, she saw a handwritten note: ‘Buy birth control pills as soon as you wake up so you won’t get pregnant. I love you, baby. Muah!’ Napasimangot siya bigla sa nabasa at muling nilibot ang tingin sa paligid ng room. Nakita niya sa sahig ang dress niya na punit na at ng kaniyang panty. “Thaddeus!” malakas na pagtawag niya sa pag-asang baka nasa loob lang ito ng bathroom. Ngunit wala pa ring sumagot. “Iniwan niya ba ako matapos angkinin?” Nakaramdam na siya ng pagkadismaya. Parang gusto niyang maiyak sa inis at napasimangot na lang nang makita ang mantsa ng dugo sa puting bedsheet, tanda na naibigay na niya ang kaniyang p********e kagabi. Pero wala naman siyang naramdaman na pagsisisi kahit konti. Of course, she loves him, and he's her boyfriend. So there's nothing wrong with it. Nagbihis na lang siya at lumabas ng room. Pagdating niya sa ground floor ay agad siyang lumapit sa front desk at nagtanong kung umalis ba ang lalaking nag-book ng room. “Yes, Ma'am. Kakaalis lang po ni Sir kanina,” sagot ng babaeng staff at inabot na nito sa kaniya ang car key. “Heto raw po ang susi ng car niyo, sinabing ibigay ko kapag aalis na kayo.” Nakasimangot na lang niyang tinanggap ang susi at lumabas na ng hotel. Pagdating niya sa parking lot ay naroon na nga ang kotse niya na ginamit niya kagabi. Pagkapasok niya sa loob ng kotse ay hindi niya pa mapigilan ang muling mapangiwi pagkaupo. Ang sakit ng pagitan ng kaniyang hita, kumikirot sa loob kapag gumagalaw siya. Nang makita niya ang kaniyang handbag sa front seat ay agad niya itong binuksan at nilabas ang kaniyang phone. Tinawagan niya agad si Thaddeus online sa messenger, since hindi naman niya alam kung ano ang Philippine number nito ngayon narito na ito sa bansa. Hindi nagtagal ay agad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Hi, baby!” malambing nitong bungad sa kaniya. “Good morning, my princess.” She frowned. “I hate you!” sagot niya na may halong inis at pagtatampo sa boses. “Why did you leave me, huh? Where are you? Where did you go?” Sandali naman itong natahimik na parang nagtaka, pero agad din sumagot. “What do you mean, baby? I'm still here in Bogotá. What's wrong? Are you okay there?” Nangunot na ang noo niya nang marinig ang sagot nito. Hindi na niya mapigilan ang kabahan. “W-What do you mean you’re still there, Thaddeus?” she asked, swallowing hard. “H-Hindi ka pa pala nakakauwi?” “I know you miss me,” pagtawa naman nito. “But don't worry, uuwi ako agad kapag hindi na masyadong busy. I miss you so much, baby. I can’t wait to wrap you in my arms and cover you with kisses.” Parang nanginig na ang kamay niyang may hawak sa phone, at pati ang labi niya ay nanginig na rin. “N-Na-miss din kita,” tangi na lang niyang nasagot na nagkandautal pa at agad na nagpaalam. “Sige na, b-baka busy ka pa.” Hindi na niya ito hinintay pang makasagot at pinatayan na niya. Natulala na siya at napatingin sa kawalan. No. No way. Sino ang nakatalik niya kagabi kung hindi si Thaddeus? Alam niyang lasing siya kagabi, pero malinaw naman sa pandinig niya ang boses nito na kilalang-kilala na niya kung paano siya tawagin ‘prinsesa ko’ at ‘baby’, 'yon lang naman ang madalas nitong itawag sa kaniya: princess kapag nasa harap sila ng iba, at baby naman kapag silang dalawa lang. Hindi lang sa pagtawag ng gano'n niya ito kilala, dahil alam na alam din niya ang amoy ng pabango nito, at 'yon ang naamoy niya kagabi. Pero bakit? Ano 'yon nagkamali ba siya ng pandinig dahil sa nainom na alak? Nagkamali rin siya ng pang-amoy? “No.” Marahas na siyang umiling muli at nag-umpisa nang manginig ang mga kamay. Tinawagan naman niya si Draven sa messenger din. Nakadalawang tawag pa siya bago nito sinagot. “Hi, Sunshine,” bungad nito na parang inaantok pa ang boses, tila ba bagong gising. “Kuya Draven, where are you?” “I'm here in Japan. Why? Na-miss mo na ako?” Hindi na siya sumagot pa at pinatayan na ito nang hindi na nagpaalam. Tinawagan naman niya ang colombian number ni Zayden, ngunit hindi ito makontak, pero nang tawagan niya online sa messenger ay agad na nag-ring, at hindi nagtagal ay sinagot na nito. “Yes, darling?” sagot nito na parang kagigising lang din. “How's school? Is everything okay?” She swallowed hard. “N-Nasaan ka pala ngayon, kuya?” “I'm here in Morocco right now. What's wrong, darling? Is everything okay? Bakit ganiyan ang boses mo? May sakit ka ba?” “Ayos lang ako, kuya. I just . . . m-missed you.” Bago pa ito muling makapagsalita ay binabaan na niya. Nagsimula na siyang maiyak at tinawagan naman si Thrynn gamit pa rin ang messenger. Agad naman nitong sinagot sa unang ring. “K-Kuya Thrynn, where are you right now?” bungad niya agad dito at pinigilan nang pumiyok ang boses. “Hello, mi amore!” masigla naman nitong sagot na parang napangiti agad nang marinig ang boses niya. “Narito pa ako sa Hawaii, my love. May dinaanan lang ako saglit. But don’t worry—after this, I’ll fly straight to the Philippines so I can finally be with you.” “Ah s-sige, kuya. Hihintayin na lang kita.” “Ano'ng gusto mong pasalubong?” he asked sweetly. “Para mabilhan kita rito.” Napakagat na lang siya sa nanginginig na labi para pigilan ang maiyak. “Kahit ano lang, kuya. Bahala ka na.” Hindi na niya ito hinintay pang makasagot at binabaan na niya. Muli siyang napasandal sa upuan ng driver seat at napatulala nang ilang sandali. Naguluhan na siya kung sino ang lalaking pangahas na nakasama niya kagabi. Hindi kaya na isa sa mga tauhan na nagbabantay sa kaniya? “No. Impossible.” Marahas na siyang umiling at muling binuksan ang messenger. Tinawagan na niya ang pinakahuli niyang kuya, si Theron. “Yes, bunso?” sagot nito sa malambing din boses. “Napatawag ka. Na-miss mo ba si Kuya?” “K-Kuya,” sagot niya rito at tuluyan nang pumiyok ang boses. “Kuya . . .” “Oh, bakit ganiyan ang boses mo? Umiiyak ka ba? Sinong umaway sa 'yo?” Biglang nagkaroon ng pag-aalala sa boses nito. “May umaway ba sa 'yo sa school? Tell me, ngayon din ipag-uutos kong pugutan ng ulo.” Kahit naiiyak ay hindi na niya mapigilan ang matawa sa sinabi nito. “I'm okay, kuya, don't worry about me. Sinisipon lang ako.” Piilit na lang niyang pinatatag ang boses. “May tanong lang ako, kuya.” “Sure, bunso. Ano 'yon?” “’Yong mga nagbabantay ba sa akin na tauhan niyo ay mga lalaki sila?” “Not all. Some are women, some are men. Depends on the shift.” Napalunok na lang siya sa narinig at muling bumilis ang t***k ng puso. No way. “Bakit mo natanong, bunso? May nangyari ba?” Napakagat na siya sa labi para pigilan ang mapahikbi. “So ibig sabihin . . . p-posibleng isa sa kanila,” mahinang sambit niya, pero umabot pa rin sa kabilang linya. “Isa sa kanila ang alin? What do you mean, bunso? May ginawa ba sila sa 'yo? Answer me.” “W-Wala, kuya. 'Yong nagligtas lang sa akin kagabi, i-ibig kong sabihin. S-Sige na, tatawag na lang ako ulit. Bye, love you.” Hindi na niya ito hinintay pang makasagot muli at binabaan na niya. Napapahikbi na niyang pinatakbo ang kotse paalis sa parking lot ng hotel. “Paano na 'to ngayon? Ano na ang sasabihin ko kay Thaddeus?” she sobbed, her hands trembling on the wheel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD