Today is Thursday. Isang araw na ang nakalilipas simula no’ng pag-uusap namin ni Jin at ang bigla nitong paglambing sa akin. I can still remember how we stayed almost 10 minutes of hugging without saying anything. After that, he said goodnight and kissed me on my forehand before he went to his room.
Hindi pa rin maalis sa isip ko iyon kahit na pilit kong kalimutan ang nangyari. Ang hirap maramdaman iyong feeling na para bang hinahabol ka ng isang killer sa sobrang bilis ng t***k ng puso mo.
Napapikit ako ng mariin ng maalala ko ulit ang paghalik nito sa noo ko. “Dang! How am I supposed to finish baking cookies?” Frustrated na bulong ko sa aking sarili. Kasalukuyan kasi akong nag-aaral mag-bake for Apple and Red dahil gusto raw nila ng cookies. I know I can afford to buy delicious cookies pero dahil gusto kong mag-effort sa mga bata ay heto, sumusubok sa isang gawain na ayaw naman sa akin.
“Pfft! Mukhang mumu mommy oh!” Pagtawa ni Red na nandito na pala sa loob. “Bakit puti mukha mo, mommy? Shampal ka ba pulbo yaya?” Halos mabilaukan ko sa nakakatawang sinabi ni Red sa akin. Lalo pang nakakatawa dahil napaka-inosente ng pagkakatanong nito.
Bigla akong napangisi ng may maisip na kalokohan. Agad kong kinuha ang natirang harina at bahagyang sinaboy ito kay Red na siyang ikinaubo nito. “M-Mommy, are you going to kill me?! Ubo-ubo na ako oh!” Naiiyak na sambit nito kaya agad kong hininto ito at niyakap.
“Oh my gosh! I-I’m sorry, baby Red ko! Are tou okay?” Nag-aalalang tanong ko rito at tinignan ang buong mukha nito. Maya-maya lang ay napapikit na lang ako dahil sa gulat ng hagisan rin ako nito ng harina.
“H-Hahaha, loko kita, mommy! Galing ko shobra!” Tawa-tawa nitong saad kaya natawa na rin ako habang pinupunasan ang mukha ko.
“Ikaw ha! Marunong kang magbiro, Red ha!” Pagkiliti ko rito at tumawa lang ito ng tumawa. Nahinto ko lang ito nang marinig ko ang isa pang maliit at cute na boses.
“What are you doing? A-Are you playing without me?” Malungkot na saad ni Apple at bigla na lang humikbi kaya nataranta tuloy akong lumapit dito at kinarga palapit kay Red.
“I’m sorry, its just happened, baby. Gusto mo ba maglaro rin tayo?” Pagtahan ko rito na siyang ikinatango niya. Binaba ko sila sa encounter at nagsalita.
“Malapit na si mommy matapos mag-bake ng cookies. We will play later, okay?” Tumango itong dalawa at tumakbo na ulit palabas. Napahinga na lang ako at napailing.
Mabuti na lang kahit papaano ay naging maayos ang output ng pag-bake ko. Hindi ito nasunog st hindi rin ito naglasang kakaiba na pinagpapasalamat ko. Pagkatapos ay tinawag ko na ulit ang mga ito upang kumain. Naubos ng mga bata ang ginawa ko kaya sobrang natuwa talaga ako. Saglit lang kami nagpahinga at naglaro na ulit sa labas.
Dumating ang tanghali na walang kapaguran ang dalawang bata sa kakalaro at kakagawa ng kung ano-ano. Ako na lang talaga ang sumuko dahil sa sobrang hyper ni Red at Apple. Ewan ko ba, siguro ganun talaga ang mga bata. Pinagmamasdan ko lamang ang mga ito dito sa veranda at napapailing na lang dahil sa mga katulong na panay habol sa dalawa. Madagdagan nga ang sweldo ng mga ‘to.
“Hija, paano ba ‘yan aalis na ako. Okay ka lang ba dito?” Nalingon ko ang nagsalita na si Lola Anna na may bitbit na bag. Lumapit ako rito at niyakap.
“Opo naman, Lola. Marami naman akong makakasama rito kaya alalahanin niyo na lang po ang pagpunta ninyo sa pamilya mo,” Ngumiti ito sa akin at hinimas ang kamay ko na kinasanayan ko na.
“Salamat, apo. Pasensya na at hindi kita masasamahan at mapaglulutuan ng isang buwan rito.” Pag-alala nito sa akin na inilingan ko lang.
“Lola naman! I can order food or hire chef naman. I will try my best na magustuhan ko ang mga luto nila,” Matipid kong wika. Nagpaalam kasi ito kagabi na pupunta siya sa kanila ng isang linggo ngunit dahil ang tagal na rin hindi nakakabaskyon si Lola Anna ay binigyan ko ito ng isang buwan na bakasyon. Tatlong buwan nga sana iyon ngunit mariin niyang tinanggihan ito dahil sobra na raw iyon kaya ginawa ko na lang na isang buwan kaysa tanggihan pa ni Lola.
Hinatid ko ito sa baba havang bitbit ang ipan nitong gamit. Nagpaalam rin sina Red at umiyak pa dahil sobrang paborito nilang kasama at kalaro si Lola Anna.
“Saglit lang si Lola aalis, mga baby. Nami-miss na rin kasi siya ng mga apo niya na katulad niyo rin eh,” Pagpapatahan ko sa mga bata. Mabuti na lang at hindi na sila umiyak pa kaya nakaalis si Lola Anna ng maayos. Pinahatid ko ito sa dalawang driver na available mismo sa bahay nila sa Cavite.
Halos magga-gabi na ng makaramdam ng pagod ang dalawa kaya inaya ko na ang mga ito na pumasok at magpahinga. Tumunog ang tyan ko tanda na nagugutom na ako kaya agad akong pumunta sa kusina.
“Lola Anna, ano pong ulam natin ngayong gabi?” Tanong ko at sumilip sa kusina ngunit wala akong nakitang tao roon. Nagtaka naman ako kaya papasok na sana ako sa loob ng maalala ko na umalis na pala si Lola kanina.
Natahimik ako dahil sa nangyari. Sa sobrang sanay ko na palaging nasa bahay ko si Lola Anna ay hindi ko natandaan na umuwi na pala ito sa kanila. Bumuntong hininga ako at umalis na lang doon.
“Masasanay rin ako,” Bulong ko sa sarili at pumunta na muli sa guest area kung nasaan ang mga bata. I open my phone and scroll thru food delivery app upang magpa-deliver na lang ng pagkain ngunit sampung minuto na ang nakalilipas ngunit wala pa rin akong matinong pagkain na makita kaya na-frustrate ako dahil malamang ay gutom na rin ang mga bata.
Hindi naman marunong magluto ang ibang katulong rito dahil medyo mga bata ang mga ito at tanging si Lola Anna lang ang nagluluto para sa akin. Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis na tinignan ko ito.
Nag-message si Jin. Agad kong binasa ang text nito.
From: Mr. Jin
How are you? How’s the kids? Kumain na ba kayo?
Nag-reply agad ako rito.
To: Mr. Jin
We’re fine but we’re hungry already. Umalis na si Lola Anna kanina dahil pupunta na siya sa family niya muna
Binitawan ko muna ang phone ko at nag-inat. Napahawak na lang rin ako sa tyan ko dahil nararamdaman ko na talaga ang gutom. Maya-maya lang ay nakatamggap muli ako ng mensahe kay Jin kaya halos mahalikan ko na ang cellphone ko para magpasalamat lang sa lalaking ito.
From: Mr. Jin
I’ll send my personal chef there. Wait for 10 minutes
He save the day again! Nangingiting napasandal na lang ako sa sofa dahil sa wakas ay makakakain na naman ako ng matinong pagkain. Naalala ko kasi nung nakaraan na pumunta sina Lola Lilly rito at nagluto ito ng sampung putahe for only 2 hours. Guess what? His food taste awesome na talagang nagpanganga sa akin dahil sa buong buhay ko ay never akong na-satisfied sa ibang luto except sa luto ng paborito kong Chef na si Lola Anna.
Nagpasalamat ako rito thru text at hinayaan na ito. Maya-maya lang ay narinig ko na ang tunog ng pagbaba ng chopper sa labas kaya agad akong tumayo upang salubungin ito. I’ve never seen that chef last time dahil busy ako sa pag-aasikaso sa mga bata at kay Lola. Hindi rin ako nakapag pasalamat rito sa mga masasarap nitong luto.
Bumaba ako at nakita ko ang pigura ng isang matipunong lalaki na lumabas sa chopper. Hindi ko ito matignan ng maayos dahil sa hangin kaya hinintay ko lang ito makalapit dito.
Tila naging mabagal ang pagtakbo ng oras ng masilayan ko ang mukha nito. The chef looks handsome and fine like an angel. Maganda ang built ng katawan nito at ang mukha nito ay halos masasabi mo ng perpekto. Lalong nagpa-gwapo rito ang simple nitong suot na plain black shirt at baggy pants.
Ngumiti ito ng magsalubong ang mga mata namin. Lumabas rin ang dimple nito sa kaliwang pisnge na ikinamangha ko.
"Nice to finally meet you, Athena. You look gorgeous! By the way, I'm Chef Grey Santillan. I will be your personal chef from now on until the month ends,"