Sa isang banda, nakita ko naman ang isang napaka-pamilyar na babaeng may hawak na glass wine habang iniinom ang laman nito. Kausap niya ang lalaking napangasawa ng anak ni Sir Nick. Teka…Kristen? Ito ba ‘yung sinasabi niyang ayaw niyang palampasin? Kasal ng kaibigan niya at ayaw niyang palampasin ito kaya naman pinagpaliban na niya ang pag-akyat sa Mount Apo? Bigla akong kinabahan nang maalala ko iyong paghalik na ginawa niya sa akin kagabi. Oh, damn. Not now, man. Not now. Sandaling nagpaalam sa akin si Sir Nick at pumunta sa anak tsaka may sinabi. Ilang sandali pa ay nakita kong naglalakad na sila papalapit sa akin. “Anak, Louella, ‘yan ang anak ng dating kaklase kong si Dominic.” Pagpapakilala sa akin ni Sir Nick sa anak niya. “Congratulations.” Sabi ko at naglahad ng kamay. “I’m

